Ilang araw na. Ilang araw na hindi na siya nagparamdam pa. Sinukuan niya na siguro ako. Sapat na siguro ang higit tatlong taon para marealize niyang hindi talaga ako worth it ipaglaban. Total naman ay nandyaan si Ana. Si Ana na sobrang ganda, kahit may anak na parang bata parin. Bagay na bagay nga sila. Atleast si Ana ay mapag-intindi, at lahat na ng pwede niyang hanapin sa isang babae na kay Ana na. Hindi katulad ko na walang ibang ginawa kundi saktan siya at pagdudahan.
"Ingat," kumaway ako at handa nang umalis. Napabalik lamang nang marahan akong hilahin ni Melvin sa kamay.
Inilapit niya 'ko sa kanya at ipinagsalikop ang mga kamay sa likod ng bewang ko. Tiningnan ko ang mga braso niya sa gilid ko. Napakaperpekto niyon sa paningin ko. At kung titingnan ang paligid, lahat ng nakakita ay nakangiti at natutuwa sa'min. Ngunit hindi kagaya noong mga naunang pagkakataon kung saan sobrang intimate namin sa isa't-isa, ngayon ang pinakaiba. Hindi na ako dinadalaw pa ng kaba. Wala akong maramdamang hiya o pagkailang. Tulala nalang habang naaalala ang sandaling ganito namin ni Prime noon.
Nagbakasakali naman akong baka maituon nga ang atensyon kay Melvin kapag natapos na ang pag-uusap namin ni Prime. Pero imbes mangyari iyon, para pang hindi na mawala sa isip ko si Prime. Lalo lang ata akong nadidismaya sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung masyado lang mabilis si Melvin o hindi ko pa matanggap na talagang sinukuan na ako ng isang 'yon pero... Napakahungkag ng nararamdaman ko. Kahit kung titingnan ay walang aberya si Melvin para sa'kin at pagtanggap ko nalang ang kulang pwede na kami, parang ayoko sa pwede lang. Kasi alam ko kung sino 'yong gusto ko. Alam ko kung ano 'yong gusto kong maramdaman. At lahat iyon ay nasa maling tao. Maling tao pero nasisiguro ko namang mabibigyan ako ng kaligayahang hindi ko kailanman bibitawan. Iyong kaligayahan na handa kong ipaglaban kahit gaano pa kahirap at katalunan ang maging tingin ng iba sa'kin.
"Susunduin kita mamaya." Bulong niya sa'kin. Itinaas niya ang baba ko para magpantay ang paningin namin.
Hindi ako sumagot at tumango nalang sa kagustuhang matapos na ang usapan namin. Habang dumadami ang natutuwang nakakakita sa'min, lalo lamang nawawasak ang puso ko. Labag na labag sa'kin ang makita ang tagumpay sa mukha nila habang nakatingin sa amin ni Melvin. Para sa kanila ay mas matamis iyong pagmamahal na nagsimula sa pagkakaibigan. Pero para sa'kin naman ay mas matamis sana kung may tsansa lang akong pumili nang naaayon sa nararamdaman ko. Pero dahil ilang beses kong sinayang iyong tsansa na 'yon, wala akong magawa kundi pilitin ang sarili na ngumiti at lasapin narin ang mapait na tagumpay na ito. Mapait kasi alam kong hindi ito ang ninanais ko simula palang. Kahit sabihin na malaki ang pinagsamahan namin ni Melvin at normal ang magkaibigang nagkakatuluyan, iba parin iyong nanggaling mismo sa puso mo ang mga nangyayari sa buhay mo. Iyon ang normal para sa akin.
"Hindi ka ba busy?" Tanong ko nalang sa kanya dahil mukhang wala pa siyang balak pakawalan ako.
"Wala. 'di ba sabi ko sa'yo? Kapag kasama kita ay day off ko."
Ngumiti ako. Kung meron man siguro akong hindi pagsisisihan kay Melvin, iyon ang mga pagkakataong ganito. Iyong kaya niyang pagaanin ang loob ko kahit ilang minuto lang sa mga matatamis niyang salita o 'di kaya pagbibiro.
"Sige."
Hindi parin niya ako pinapakawalan, pinipilit mag-isip ng sasabihin humaba lang ang usapan namin.
"Mmm... Ano kaya kung mag-dinner tayo sa Zorbox? Tingin mo?"
"Pwede,"
Tumango siya at maikling ngumiti.
"Sige. Magreply ka sa mga text ko, okay?"
"Sige,"
Bigla niya akong hinalikan sa noo. Sa gulat ay napahawak ako sa kanyang dibdib. Hinuli niya lang ang mga kamay ko at matamis paring ngumiti.
BINABASA MO ANG
To Keep You
Romance[COMPLETED] "I'll embrace these broken pieces, just to keep you." Effraime Suarez was a troublesome guy. Eventually changed by his total opposite lady named Karina. Just as he tried his best to deserve her, he never expect things between them to sud...