Chapter 5

17 4 0
                                    

Ilang minuto na at narito parin ako, walang ginawa kundi titigang mabuti ang mukha ni Prime na bagaman tadtad ng sugat ay maamo parin. Ngayon ko lang rin siya nasilayang matulog ng matagal at tila matiwasay. Parang ayokong isipin na ganito siya lagi, walang reaksyong makikita at nakapikit lagi. Gusto ko nalang na magising siya at bahala nang hindi mawala ang ngisi sa mga labi.

Kahit pa sinabi ng doktor na ligtas naman na siya, hindi parin ako panatag lalo at mula pa kahapon at ngayong madilim na naman ay hindi parin siya dumidilat.

Napabuntong hininga ako. ngayon ko lang rin naalala na nagawa kong magtagal ng halos dalawang araw dito. Samantalang ayaw na ayaw ko ang amoy ng hospital.

Tiningnan ko ang benda niya sa ulo. Sumunod ay ang mukha niya na naman. Kumunot ang noo ko dahil sa galit at pag-aalalang nararamdaman. pero hindi ko siya masusumbatan gayong wala akong karapatan. Isa pa, sa kalagayan niya ay mas pipiliin ko nalang manahimik kaysa i-stress-en pa siya lalo.

"Bakit kasi napakalapitin mo sa disgrasya? Tuwing naaalala kita ay halos ang duguang ulo at ilong mo nalang ang aking nakikita. Hindi mo na inalala ang mararamdaman ng mommy mo, Sobra-sobra ang pag-aalala niya nang mak-" natigil ako sa pagsasalita.

Nakita ko ang marahang paggalaw ng kaniyang daliri. Tinitigan ko iyon at napangiti nang unti unting makagalaw lahat. Sunod kong inabangan ay ang pagdilat niya. Dahan dahan niyang minulat ang mga mata kaya napatayo ako.

"Prime, gising ka na!" Hindi ko napigilang lumapit para matingnan nang malapitan ang pagdilat niya.

Kumunot ang noo niya at kumurap-kurap na tila sinasanay ang mga mata sa liwanag. Nagkatitigan kami ng tuluyan niyang maidilat ang mata.

Lumayo ako at ngumiti sa kaniya.
"Dito ka lang. manatili kang dilat, okay?" Akma ko siyang tatalikuran nang higitin niya ang aking pulso para pigilan.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa namamaos na boses.

Liningon ko siya at hinawakan ang kamay na pumipigil saakin.

"Huwag kang mag-alala, pupuntahan ko lang ang mommy mo at ang doktor. Ligtas ka na, Prime. Kaya 'wag kang matakot." Sabi ko ng nakangiti. Siya naman ay walang reaksyon akong tinitigan. Inasahan kong luluwag ang kapit niya pero lalo lang ata iyong humigpit.

Kumunot ang noo ko at muling naupo sa harapan niyang silya.

"Natatakot ka ba? Ligtas ka na. Tsaka, nag-aalala ang mommy mo sayo. Kailangan niyang malaman na gising ka na para mapanatag ang loob niya." Buong pag-aalala akong tumitig sa kaniya. Nababatid kong ito na nga siguro ang huling pagkikita namin. Dahil hindi ko alam, feeling ko ay dahil saakin kaya siya ganito. Pakiramdam ko ay minamalas siya tuwing malapit ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay tama siya, na nadadamay ko siya sa katangahan ko..

"Saglit lang ako," huli kong nasabi.

Marahan siyang tumango bago ako binitawan. Lumabas ako at naabutan ang mommy niya sa pasilyo, may dalang paper bag at mineral water. Kausap niya ang doktor. Lumapit ako at nginitian ang ginang.

"Gising na si Prime." Anunsyo ko.

"Talaga!?"

Nanlaki ang mata ng ginang at agad lumakad papuntang kwarto kung nasaan si Prime. Sumunod sa kaniya ang doktor. Nagtatalo ang isip ko kung susunod din ba pero sa huli ay lumakad na palayo. Lumabas ako at naabutan si Melvin sa labas, nakaupo sa motor.

Kaninang umaga pa siya narito dahil bilin ni mama ay pauwiin na ako ngayon. Pero tumawad ako kaya ngumiti nang salubungin niya ako dahil sa pagtitiis niyang hintayin parin ako.

"Kumusta na si Suarez? Okay ka lang ba?" Agap niyang tanong.

"Ayos lang ako. Gising narin si Prime." Sagot ko.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon