Chapter 9

17 4 0
                                    

Hindi ko napigilang mapapikit, lalo nang tahimik at mabining umihip ang hangin. Kaagad pinuno ng kaniyang mabangong amoy ang aking ilong. Mayroong pagtutol sa aking isip na itigil na ito ngunit nadaig iyon ng masarap na pakiramdam, na hindi ko alam kung saan nanggaling. Ang alam ko lang ay parang ayaw ko na matapos pa ang sandaling ito. Merong nagsasabi sa aking loob na kung sa ganitong paraan lamang kami magkakasama ng kalmado, wala ang kahit anong pang-iinsulto, pananakot niya, ang pagkainis at ang pagtutol kong magkaroon pa ng ugnayan sa kaniya, mas pipiliin kong manatiling ganito na muna.

Ilang minuto rin kaming ganoon. Tahimik at kapwa kayakap ang isa't-isa, hindi namin napansing may padaan palang motor.

"Aba'y! Anong ginagawa niyo diyan!?"

Napadilat ako at agad umatras. Sumunod naman si Prime at agad idinantay ang mga kamay sa barandilya. Naiyuko ko ang ulo sa hiya, kinagat ko ang labi at napapikit dahil ni hindi ko namalayang naipulupot ko narin ang mga braso sa kaniya.

Nilingon niya ang humintong motor na nababatid kong si Mang Danny. Nakayuko rin akong sumilip at nakita ang pagsipat saakin ni Danica, ang babaeng anak ni Mang Danny.

"Mga batang 'to talaga, Oo. Magsiuwian na nga kayo!" Sigaw ulit nito, pero nakita ko namang kumindat siya kay Prime.

"Danny, bilisan mo na at inaantok na ako!" Si aling paning na sinampal pa ang braso ng asawa.

Nagpaandar na paalis si Mang Danny. Bumusina siya bago tuluyang makalayo.

Biglang ngumisi ang kaharap ko kaya naibaling ko ang paningin sa kaniya.

"That's Mang Danny." Sabi niya.

Tumango ako.
"Kilala mo pala,"

Hindi na siya dumugtong pa, bagkos ay ngumuso saakin.

"You didn't call me. I told you to call immediately,"

Ang galing niya sa bagay na ito. Iyong gusto niya ay siya nalang ang laging sundin, tapos wala ka ring karapatan umalma o magreklamo.

"Wala naman kasi akong cellphone," kahit na kanina ko pa siya pwedeng tawagan. Sadyang ayaw ko na siyang sundin pa.

"Liar, I know Melvin bought you one."

Kumunot ang noo ko. Bakit niya alam?

"Alam mo nalang lahat ng nangyayari sa kaniya. Tapos ngayon ay dineny mo pang ikaw nga ang may gawa nun sa kanila?" Parang ngayon ko lang naalala ang galit.

Tumaas lang ang kilay niya at nagkibit balikat.

"Give me your number,"

"Huwag mong ibahin ang usapan!" Sigaw ko, naiirita na naman sa kaniya.

"I told you, I won't explain things I didn't know. Wala akong alam kung ano ang nangyari. Pero kung gusto mo talaga itong pag-usapan, then I'll stay here all night to listen."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniya o ano. Siya ang pinakatamang salarin sa nangyari, pero tama nga bang nagpadalos dalos ako gayong wala naman akong matibay na ebidensya?

Gusto kong sampalin ang sarili. Konklusyon ko lang lahat iyon pero ganito nalang ako makabintang.

"I bet you didn't care what I just said, right?" Maliit siyang ngumiti.
"It's fine, though. Gumaan naman ang pakiramdam ko. Thanks for coming down, I'm relieved now."

Nagbaba ako ng tingin. Pakiramdam ko ay sumobra ako. Tama nga siguro siya, mas masama ako sa 'ming dalawa. Paano ko nagagawang ganituhin siya dahil lang sa isang konklusyon gayong sinabi niyang sinadya niya ako dito para kumalma.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon