Chapter 11

14 4 0
                                    

Mabilis akong umalis sa tindahan matapos makabili. Habang patawid ay nararamdaman ko ang titig ni Prime saakin.

Nang makabalik ay lumipad agad ang paningin ko sa kanya na nasa malayong harapan, sa kioskong kahit hindi pansin, kitang kita naman sa pwesto namin kung sasadyaing tignan. Halos makita ko ang titig niya saakin. Pero dahil malayo ay malakas ang loob kong tumbasan iyon.

"Woi!"

Nagbawi ako ng tingin at ngumiti kay Melvin. ngumisi siya saakin.

"Ubos na ang gulay," imporma niya.

"Talaga? Ang bilis ah!" Namangha ako nang makitang ubos na nga iyon!

"Ano? Bilib ka na sa 'kin niyan?" Tumaas ang kilay niya saakin.

"Mm.. ngayon lang." Inabot ko sa kanya ang isang mineral at ang isa naman kay Mama.

"Aling Lorena, pwede ko bang hiramin si Karina ngayon?" Bigla niyang tanong mula sa likod ko.

Pareho namin siyang nilingon ni Mama.

"Saan ba kayo?" Si Mama.

Kinamot niya ang batok, Ngumiwi sa sasabihin.

"Sa.. racing sana."

Napatitig ako sa kaibigan. Sigurado ba siya? Papanoorin niya ako ng ganoon?

"Hindi ako sasama," agad kong sinabi. Ayaw ko nga. Baka atakehin ako doon habang pinanonood siyang makipagkarera sa hangin.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone sa aking bulsa pero mas pinansin ko ang reaksyon ni Melvin sa sinabi ko.

"Bakit naman? Ayaw mo 'kong panoorin?"

"Ayoko. B-baka kasi katulad 'yan nang mga napapanood ko sa tv, iyong tumatalon ang motor sa itaas ng mga bundok. Nakakatakot kaya 'yon!" Ayaw kong ipaalam sa kanya na minsan ko na siyang nakitang ganoon.

Tumawa lamang siya at ginulo na naman ang buhok ko.

"Ano ka ba? Hindi naman ako sumasali sa motocross, racing lang talaga. Last na kasi 'to, enrollment na namin next week."

Gusto ko siyang sikmuraan sa kanyang kasinungalingan pero sumimangot lang at ngumuso sa kanya.

"Ano bang kaibahan no'n? Pareho lang namang karera, pakikipaghabulan kay kamatayan."

"Ilang taon na akong nagraracing, Karina. At kita mo naman, gwapo parin." Sinabayan siya ni Mama, pareho silang tumawa samantalang umiling lang ako.

"Sige na, Karina. Pagbigyan mo na." Si Mama.

Masama kong tinignan si Melvin. Ito marahil ang dahilan kaya desperado siyang ibenta ang mga gulay namin.

"Sige na. Iuuwi naman kita agad. Promise." Itinaas niya pa ang kanang kamay.

Tumango nalang ako. Alam ko namang hindi niya ako isasama kung maselan nga iyon. At kung talagang racing lang iyon at hindi motocross, makakaya ko nga sigurong tagalan.

"Yes!" Tumalon pa siya sa saya. Napigil ko ang ngiti nang umiling si Mama sa reaksyon niya.
"Sa'n mo ba gustong mananghalian? Libre ko na,"

"'wag na, sasabay ako kila Mama."

"Pero pinagpaalam na kita. Saka ngayon ka lang naman hindi makakasabay, ah?"

"Nagpaalam ka para sa racing, hindi pati pananghalian." Tinuro ko siya.

"Ang damot damot mo magbigay ng oras, alam mo ba 'yon?!" Ganti niya rin sa akin.

Aba't!

"O siya, sige na, Karina. Pagbigyan mo na." Si Mama.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon