Suot ang maganda at eleganteng dress na bigay ni Prime, umikot ako sa harap ng salamin. Ngumiti ngiti ako na parang katulad ng mga nakikita kong modelo sa tv. Pinasadahan ko ng tingin ang damit. Bahagya akong nalungkot sa isiping baka ipinahiram niya lang ito at babawiin din pagkatapos ng lakad namin ngayon.
Umupo nalang ulit ako para ayusin ang mukha. Dapat ay bawasan ko rin ang pagiging ambisyosa.
Una kong sinuot ang kwintas na siyang laman ng parihaba na kahon. Sunod ay ang hikaw. Napatitig ako sa aking anyo. Talaga bang ako ito? Pakiramdam ko ay nakalutang ako habang tinatanaw ang sarili suot ang mga nagkikislapang alahas.
Nang makontento ay ang buhok ko naman ang inayos ko. Sinuklay ko lang iyon at hinayaang lumadlad.
Tapos na ako at nakatitig nalang ulit sa sarili na parang may kulang. May kulang ba talaga o takot lang akong mainsulto na naman ni Prime? Baka kailangan kong magkolorete? Pero wala kaming ganoon dito sa bahay.
Napasulyap ako sa pulbos. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad naglagay ng kaunti sa aking mukha. Sinigurado kong hindi ako magmumukhang white lady. Pagkatapos ay paulit ulit kong kinagat kagat at dinilaan ang labi. Pumula agad iyon at naging malambot tignan.
Bumaba na ako nang masulyapan ang nakatakdang oras. Ang alam nila Mama ay imbitado ako sa debut ng isa sa naging classmate ko nitong grade 12. Ayoko mang magsinungaling ay wala rin akong magawa. Baka nga totohanin ng kumag na 'yon ang banta niya.
"Mag-iingat ka," bilin ni Mama.
Hilaw akong ngumiti. Kung alam lang niya na malaking disgrasya ang kakasamahin ko ngayon, baka hindi niya na ako paalalahanan pa. Hindi alam ng lalaking iyon ang salitang 'ingat'.
Napalunok ako nang tuluyang makalabas. Mula sa malayong harapan ng aming bahay, may biglang umilaw kaya naitakip ko ang dalawang kamay sa mukha. Sinundan iyon ng busina. Alam ko na agad na siya iyon kaya lumapit na ako.
"You are 3 minutes late." Galing sa suot na relo, marahan at nabuburyo niya akong inangatan ng tingin.
Napanguso ako.
"Tatlong minuto lang naman.. nagpaalam pa ako kila Mama," paliwanag ko na huli ko na namang naisip kung bakit ko pa ginawa? Kailangan matuto ng lalaking ito na ako itong hiningan niya ng pabor kaya dapat talaga siyang mag-adjust! Teka, hiningan ng pabor? Baka tinakot?"You're really losing my patience. Sumasagot ka pa,"
"Ikaw kasi! Ako dap-"
"Shut up. Araw-araw ka nalang may kasalanan sa 'kin,"
Ano raw?
"Araw-araw? Grabe ka naman, eh kahapon na nga lang tayo nagkita uli?" At tama bang sabihin na ako ang may kasalanan sa' ming dalawa kung siya naman itong lapit ng lapit saakin? Nananakot pa!
"Sakay na at iba na ang tingin ko sa bubong niyo."
Nanlaki ang mata ko at napaangkas na nga. Narinig ko pa ang mahina niyang pagngisi sa ginawa ko. Ang kumag na 'to! Ni hindi muna pinansin kung bagay ba sa 'kin ang mga pinasuot niya.
Himalang mabagal ang pagmamaniobra niya ngayon. Pero tuwing inaalis ko ang kapit sa kanya ay parang gusto niyang magpalipad. May balak pa ata itong ihulog ako.
Huminto kami sa isang malaking gate. Awtomatiko iyong bumukas nang tumapat si Prime. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong mamangha dahil agad niya na akong hinila papasok. Isang maganda at makalumang mansyon ang bumungad saakin. Dalawang palapag iyon na ngayon ay binubulabog ng malakas na tugtog.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko bago paman kami makaakyat sa hagdanan papasok.
Tumaas ang kilay niya nang harapin ako.
"I didn't give you permission to speak, sumunod ka nalang."
BINABASA MO ANG
To Keep You
Romance[COMPLETED] "I'll embrace these broken pieces, just to keep you." Effraime Suarez was a troublesome guy. Eventually changed by his total opposite lady named Karina. Just as he tried his best to deserve her, he never expect things between them to sud...