Ilang minuto na akong gising pero imbes na bumangon para tulungan si mama na maghanda sa pag-alis papuntang palengke ay mas pinili kong manatili munang nakahiga at titigan ang nakitang panyo nung isang araw. Ang panyo na ngayon ko lang ulit naalala dahil sa nangyari kagabi.
Binaybay ko ng isang daliri ang pangalang nakapagitna sa logo ng panyo. Team Road monsters. Wala namang espesyal sa logo. Pero marahil ay dahil sa mga narinig kagabi kaya ganito nalang ako ka-curious dito.
Isang lalaking nakahelmet at lether jacket na pula, nakatagilid at nakasilid ang kaliwang kamay sa pocket ng jacket. Iyon ang laman ng bilog na logo. Sa baba niyon ay ang apelyido ng may-ari.
Napabuntong hininga ako. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras isipin ang tungkol sa grupong 'yon? Katulad ng sabi ng kapatid ko, mga grupo iyon ng kalalakihang racer. Isang bagay na nakakatakot gawin, lalo pa at may mga bata din palang involve. Nasisiguro kong hindi ko sila gugustuhing makita na makipagkarera.
Nang maulinagan ko ang boses ni papa sa baba ay tumayo narin ako para lumabas na. Naabutan ko silang nagkakape ni mama sa maliit naming sala. Wala pa si Long-long, malamang na hindi pa gising.
Dumiretso ako sa kusina para magtimpla rin. Pagkatapos ay naupo sa harap nila.
"Ma, sasama ako sa palengke ngayon." Sabi ko.
"Wala ka naman bang gagawin?"
Nag-isip ako kung meron ba, pero wala naman kaya umiling ako.
"Wala naman,"Tumango siya, pagkatapos ay mataman akong tinitigan.
"Kumusta pala ang kaarawan ni Alma?" Pagkuwan ay tanong niya.
"Masaya naman, Marami siyang bisita."
Humigop ako ng kape at tiningnan kung may magbabago ba sa reaksyon ni mama ukol sa sinabi ko.
"Mabuti," maikli niyang saad.
Hinintay ko siyang dugtungan pa ang sinabi pero sa huli ay bumaling kay papa para mag-usap ng ibang bagay.
Kumpara kay Aling Alma, tahimik si mama. Kung ano ang mga hinanakit at galit niya, nananatili iyong nasa kanya. Ni hindi ko siya kailanman nakitang magalit ng sobra. Kung may problema nga ay hindi niya ipinaparinig sa 'min ni long-long. Malalaman ko nalang kapag may sumugod ditong pinagkakautangan namin.
Pero okay din ang katulad ni Aling Alma. Talagang hindi iyon nagkikimkim ng mga gusto niyang sabihin, hindi ka pe-peke-in. Ang maganda lang ay hindi niya isinasali ang ibang bagay sa isang away. Katulad namin ni Melvin, kahit may iringan sila ni mama ay pinipilit niyang ipaintindi sa 'kin na labas kami doon.
Nang umaga ngang iyon ay sumama ako kay mama sa palengke. Araw-araw ay sa baba ng sementeryo kami dumadaan dahil bukod sa malapit, iwas pa pamasahe.
Malayo palang ay dinig na namin ang ingay galing sa mga kasamahan ni mama na tindera at mga kostumer. May isa pa doong nakikipagbuno pagkadating namin.
Galing sa dalang bayong, tinulungan ko si mama na ilabas ang mga gulay at idisplay sa aming pwesto. Sa baba ng upuan ni mama ay naroon ang ice box na naglalaman ng preskong isda. Binuksan niya muna 'yon bago lumingon sa 'kin.
"Bumili ka nalang muna ng selopin. Kulang na iyong para sa gulay," bilin niya.
Agad akong umalis para sumunod. Pero nasa kabilang kalsada ang mga tindahan kaya kailangan ko pang tumawid. Tumingin ako sa magkabilaan para masiguradong ligtas akong makakadaan. Nang wala na ay agad akong tumakbo patawid.
Doon ako bumili sa nakagawian kong tindahan. Sa mura at may mabait na tindera.
"Balik ka ulit!" Sigaw ni Sheila habang kumakaway sa 'kin.
BINABASA MO ANG
To Keep You
Romance[COMPLETED] "I'll embrace these broken pieces, just to keep you." Effraime Suarez was a troublesome guy. Eventually changed by his total opposite lady named Karina. Just as he tried his best to deserve her, he never expect things between them to sud...