Chapter 17

12 3 0
                                    

Inabala ko ang sarili sa sumunod na mga araw para lamang makalimutan ang paghihintay sa nalalapit na linggo, kung kailan ko inasahang makita na naman siya.

At sa mga araw na 'yon ay lagi na akong nagcocommute para makaiwas kay Melvin. Ayokong magkatampuhan kami pero alam kong lalala iyon hangga't nakikita niya ang pakikipaglapit ko kay Domi. Sa kabilang banda naman, para pang kaawa-awa si Domi sa ginagawa kong pag-iwas. Lagi niyang hinahanap ang lalaki. Minsan pa ay umaabot sa puntong gusto niya itong silipin sa department nila. tulad ngayon.

Nauuna palagi ang labasan namin kesa kila Melvin kaya pumayag ako. Sinamahan ko siya pero nagpaiwan ako sa hagdanan at doon nalang naghintay habang panay ang silip niya sa classroom nila Melvin. Alam na alam niya kung nasaan ito. Samantalang ngayon lang ako nagawi sa parteng 'to ng building.

At tulad ng parati ay may natanggap na naman akong text galing sa kanya.

Melvin:

Hintayin mo 'ko, sunduin kita.

Bagaman naiiwasan ko siya sa umaga, hindi naman ako nakakalusot sa hapon. Hindi rin nakatulong na nababalewala ang pagtitipid ko dahil sa tampuhan namin. Inisip ko pang makipag-areglo sa kanya pagdating kay Domi. Hindi naman kasi maganda ang mga sinasabi niya tungkol dito.

Sinilip ko si Domi at nakitang may kausap na siya ngayon sa gitna ng bintana ng classroom kung saan siya nakasilip kanina. Nagdesisyon akong bumaba ng hagdanan at magpunta sa railings. Nasalubong ko nga lang ang paglapit din ng isang babae doon. Nginitian niya ako. Alanganin akong gumanti dahil pinoproseso ko pa na medyo may kahawig ito.

May hawak siyang binder, binuklat niya iyon nang huminto at sumandal rin sa railings.

Sumulyap siya sa akin. Nasundan ko rin ang pagbaba ng tingin niya sa I.d ko. Malawak ang ngiti niyang sinalubong ako ng tingin.

"Nursing? Same," banggit niya.

"Ah! Oo..."

"May hinihintay ka rin?" Tanong niya uli.

Hindi na tuloy natanggal ang mga mata ko sa kanya. Pamilyar siya pero mas pumaibabaw ang mangha ko sa kinis at ganda nito. Ang mga mata ay singkitin na lalong nadedepina 'pag ngumingiti. Sobrang nipis din ng mga labing mamula-mula pa. Napatikhim ako nang mapadako ang paningin sa nagkakasalubong niyang kilay. Noon lang ako nag-iwas ng tingin.

"I was asking if you're waiting for someone too."

"Oo..." Hindi na ako sumulyap. Nakakahiya na para akong tanga na nakatitig.

Umayos ako ng tayo at napansing hanggang tenga lang niya ako. Matangkad siya kumpara sa akin.

"Pareho pa din."

Muli ko siyang nilingon at naabutang maikling nakangiti habang sinusuyod ng tingin ang sulat. Gusto ko sanang magtanong pa pero naitikom ko ang bibig, nahihiya na.

Tahimik akong tumayo sa tabi niya habang siya ay abala sa binabasa. Nabulabog lamang nang maulinagan namin pareho ang tawag sa akin ni Domi, nagmamadaling bumaba ng hagdanan.

"Karina, gotta go! Pakiabot kay Melvin, ah!" Dinampot niya ang palad ko at may linagay na card. Maganda ang disenyo. Hindi ko na siya napigilan pa nang magmadaling umalis. Nabitin lamang sa ere ang gusto kong sabihin.

"That's Dominique Cuesta. Classmates?" Ang babae na naman.

Mapagpasensya akong ngumiti sa kanya nang mapansing sinara na ang binder at hinarap na ako.

"Oo."

Nagtagal ang tingin niya. Nailipat lang nang may mga bumaba sa hagdanan. Umingay bigla ang paligid. Hinarap ko ang railings nang may iilang bumati sa babae.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon