Chapter 33

10 3 0
                                    

"Ang pagmamahal ay isang sugal, Karina. Nakakaadik kaya kahit walang kasiguraduhan, kahit malaki ang tsansang matalo kesa manalo ay handa mong subukan. At kung meron man akong natutunan sa pagsugal ko sa'yo, iyon ay ang matutong maghintay. Kasi kahit anong subok ko kung hindi talaga para sa'kin, patuloy rin akong manghihinayang. Ang malala ay baka ikaubos ko lang."

Iyon ang pinakatumatak sa'kin sa buong pag-uusap namin ni Melvin. Hindi ko masasabing masaya ako dahil doon pero iyong bigat sa dibdib ko ay nabawasan. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag marami ang nakakaintindi sa'yo. Pero alam kong may mas isasarap pa ito. Kapag nakuha ko na rin ang pagtanggap nila Mama.

"Tomorrow... I'm gonna face your Parents."

Nagmulat ako sa sinabi ni Prime. Hinarap ko ang kisame at bahagyang lumingon sa kanya.

"Handa ka na ba? Pwede namang sa susunod nalang."

Suminghap siya at sumiksik pa lalo sa balikat ko. Nakakakiliti ang mga halik niya doon.

"What made you think I'm not ready? Alam kong malaki ang tsansa na mabigo ako. Pero hindi naman ibig sabihin na doon nagtatapos ang pagkakataon ko, hindi ba? Ang mahalaga naman ay nasa 'kin ka na. And I promise I'll make them believe me somehow. I can't miss that tomorrow. Hindi na ako makapaghintay na matali na talaga sa'yo."

Lumipad ang kamay ko sa pisngi niya. Tuluyan ko siyang hinarap at nagtanim ng maliliit na halik sa kanyang ilong pababa sa labi. Lalo pang humigpit ang yakap niya sa bewang ko, nagsisimula nang pumungay ang mga mata at may naglalarong ngisi sa mapulang labi.

"Sabihin mo nga sa'kin. Napagplanuhan mo na ba ang tungkol sa kasal?"

"Yes..." Maaligasgas na ang boses niya.
"In fact, we'll go to my real mother tomorrow. After my talk to your parents. Would that be okay? Hmm?"

Ang totoo niyang nanay, ipapakilala niya na sa'kin?

Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanya. Hindi siya natinag, tinanguan niya lang ako.

"S-sigurado ka? I mean... Ano, mag-aayos ba ako bukas?"

Natawa siya at pilit sumiksik sa leeg ko.

"No need. Hindi rin naman mahilig mag-ayos 'yon. Just pack some clothes and we're off to go. Kikitain ko rin ang kaibigan kong mayor. Siya ang magkakasal sa'tin."

Bakit gano'n? Dinalaw kaagad ako ng kaba. Maraming paano ang aking naiisip wala paman. Paano kung hindi rin ako matanggap ng Nanay niya? Paano kung... Husgahan din ako no'n? Kakayanin ko bang tanggapin katulad ng pagtanggap niya sa pamilya ko?

"Prime, Hindi ba masyadong mabilis?"

Tiningala niya 'ko. Ang mga mata ay puno ng panunuya.

"I can feel your heartbeat, Karina. It says, you're just nervous."

"Syempre naman."

"She's gonna be your mother-in-law. Hindi ako papayag na makasal tayong basta nang hindi ka naipakikilala sa kanya. It matters to me. Kilala ko ang pamilya mo, ang mga taong nakapaligid sa'yo. And I want you to know mine too. Especially her."

Ngumiti lamang ako. Tama nga naman siya. Sadyang kinakabahan lang ako. Hindi ko mawari. Kabang may halong excitement ata 'to.

"Kapag mag-asawa na tayo, ikaw ang magdedesisyon sa lahat. I'll provide and you're the one to decide. Iyon ang tungkulin mo bilang misis, hindi ba?" Maya-maya ay sabi niya.

Napaisip naman ako.

"Tulad naman ng ano?"

"Like, where to live? Sa'n mo ba gustong magpatayo ng bahay? Sa malapit sa'min o sa inyo? Pwede rin kung saan mo gustong lugar. Pwedeng sa siyudad o... Ikaw?"

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon