Chapter 3

23 5 0
                                    

"Karina! Akala ko ba ay nagpapahinga ka?" Bungad ni Aling Alma pagkakita saakin.

"Magandang umaga, Aling Alma. Nangako akong pupunta ngayon para manghingi ng pasensya dahil sa nangyari kay Melvin kahapon.. Pasensya na ho talaga," yumuko ako dagdag sa sinabi.

Lumapit sa 'kin ang ginang at sinipat ang tuhod ko. Kunot noo at nag-aalala niya akong tiningnan.

"Wala ka namang kasalanan, Kusa kang ipinagtanggol ng anak ko. Tsaka.. dapat nagpahinga ka nalang, iha."

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ng ginang. Alam ko namang magpapaliwanag sa kaniya ng maigi si Melvin. Pero hindi yata ako mapapalagay na magpahinga nang hindi nalalaman ang tingin niya sa nangyari. Buti nalang at malawak ang pang-intindi niya.

"Ayos naman na ako. Isa pa ay nag-aalala rin ako kay Melvin." Nag-aalala kong saad.

Ngumiti ang ginang at iginiya ako papasok sa sala nila.

"Tulog pa. Alas dyes na iyon nagigising, mabuti pa ay bulabugin mo."

Napakurap ako sa sinabi ng ginang.
"H-ho?"

Tumaas naman ang kilay niya ng lingunin ako.
"Oh, bakit? Gigisingin mo lang naman, Karina! Ikaw bata ka, ano ba iniisip mo?" Tumawa ang ginang sa sinabi.

Napayuko naman ako dahil sa pag-iinit ng pisngi.

Syempre, sariling kwarto ni Melvin ang papasukin ko. Pribadong lugar ng isang tao. Paano nalang pala kung hubo't hubad iyong natutulog?

"Hayaan niyo nalang siguro muna. Siguro ay iniinda pa nun ang sugat niya,"

Umupo ako sa malawak na couch nila. Sumunod naman ang ginang sa aking tabi.

"Hay naku, Karina. Hindi na ako natatakot sa batang 'yan. Medyo nasanay narin akong umuuwi siya ng bugbog sarado." Litanya niya.

Kumunot naman ang noo ko.
"Bugbog sarado? Ibig sabihin ay nakikipagbasag-ulo si Melvin?" Pero sabi naman niya ay hindi, ah?

"Ano pa nga ba? Tumitibok nga ang ulo ko kahapon sa pag-aakalang nakikipag-bugbugan na naman 'yan ng walang dahilan," bumuntong hininga si Aling Alma.
"Mabuti pa ay akyatin ko na. Hindi pa rin kasi ako nag-agahan, sabayan mo kami, ha?"

Tumango ako at pinanood nalang siyang umalis para magtungong hagdanan.

Ngumuso ako. Hindi nga ako nagkamaling isipin na nakikipagbasag-ulo si Melvin. Pero kahit nahuli na ay nagawa niya paring magsinungaling. Para saan pa pala at umapila siya sa mga pagpapatiwakal na ibinibintang niya kay Prime kung ang ginagawa niya ay parang ganun narin?

Tahimik akong nagmuni muni dahil matagal nang umalis ang ginang at hindi parin bumababa. Naagaw lang ang atensyon ko nang may marinig na kalabog sa labas. Kinabahan ako dahil sa wala naman ng ibang nakatira sa bahay kundi ang mag-ina lamang. Kahit katulong o gwardiya ay wala sila. At ang narinig kong kalabog ay kakaiba.

Kahit nag-aalangan ay tumayo ako at marahang sumilip sa kurtinang nakatabing sa tinted na salaming bintana nila. Natakpan ko ang bibig pagkakita sa basag na salamin ng sasakyan nila sa labas. Pati ang motor ni Melvin na palagi niyang ginagamit ay nakahandusay sa semento, basag din ang mukha.

"Aling Alma!" Hindi ko napigilang sumigaw sa pag-aalalang nasa tabi tabi lang ang gumawa niyon at maaaring may iba pang motibo.

"Karina, bakit!?" Dali daling bumaba ang ginang, nakapinta ang pag-aalala sa mukha nang lumapit saakin. Kasunod niya ay ang pumipikit pang anak.

Napalunok ako. Namumutla rin ata. Hindi ako nakapagsalita at basta nalang tinuro ang labas.

Kunot noong lumapit ng pinto si Melvin at matamlay na inikot ang seradura para buksan iyon.
Mula sa gilid ay nakita ko ang pag-awang ng labi niya.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon