Twenty-eight

497 77 3
                                    

Amy's POV



Sobra akong nag-aalala kay Jaydee dahil hindi siya bumalik mula sa restroom. Nagmamadaling pumunta sina Gabb at Laney sa kung saan. Wala silang sinabi sa amin. Baka tungkol kay Jaydee? hindi ko alam. Ano ba ang nangyayari?


Nakita ko sina Laney at Gabb na tumatakbo papunta rito. Ano kaya ang nangyari? Bakit ganyan ang mga mukha nila?


Laney: Amy, umuwi ka muna sa mansyon. May van na naghihintay sa iyo sa labas ng school.


Mabilis na sinabi ni Laney. Ano ka ba Laney? Rapper ka ba? Daig mo pa si Flow G.

Amy: H-ha? Bakit? Ano nangyari? Teka teka nga. Ano ba kasi ang nangyari? Relax ka muna.

Gabb: Na kidnapped si Jaydee tapos natagpuan siya namin pero nasa mabuting kalagayan na siya. Nandoon siya ngayon sa mansyon. Nagpapahinga na siya roon. Wag kang mag-alala dahil naaresto na ang dumukot sa kanya. Sina Jie, Lyza, Rhea, at Rianna ang dumukot sa kanya. Nasa kulongan na ang mga iyon. Sasampahan sila ng kaso si Jaydee.

Laney: Nawa'y bantayan mo siya roon sa mansyon. Baka biglang may mararamdaman siya. Hindi pa natin alam. Basta. Take care of her muna. You can go out naman kasi we already talked sa mga guards na pwede kang palabasin sa campus.

Ha-a? Si Jaydee na kidnapped? Wait lang. Nagsi-sink it pa sa akin ang lahat na nangyayari.

Amy: Si-sige mauna na ako. Ako na ang bahala kay Jaydee at huwag na kayong mag-alala. I will call you na lang if something is wrong with Jaydee.

Gabb: Sige, mag-ingat ka Amy. Alagaan mo si Jaydee.








Tumango na lang ako at kinuha ang mga gamit ko sa room tapos lumabas na ako. Tumakbo ako ng mabilis para pumunta sa gate at sumakay ako sa van. Sinabi ko sa driver namin na iuwi na ako.



Nag-aalala pa rin ako sa kanya. I told my driver to hurry up driving. Nakarating na kami sa mansyon kaya agad akong bumaba sa van at pumasok sa mansyon. Umakyat ako ka agad sa aming silid.


Dali dali kong binuksan ang pinto at nakita ko si Jaydee na kalahating hubad. Teka. Naka sports bra siya ha.

I immediately covered my eyes. Oh my. Sensored dapat. What I did was so embarrassing. I turn around.

Jaydee: HAHAHHA it's ok. Just open your eyes. Don't be shy.

I feel like she's walking towards me.

I can hear her breath... Breathe in, breathe out Amy............

I think nilapit niya yung mukha niya sa akin.

Jaydee: I said it's ok and just open your eyes. May shirt na ako. HAHAHA don't worry.

I open my eyes. I look all over her face. Wala namang sugat..

Amy: Sino ang naglakas loob na nagkidnap sa'yo? Sinaktan ka ba? Anong ginawa sa'yo? Nasaan na yung hayop na yun?

She just laugh at me. She holds both of my cheeks.

Jaydee: Baby chill. I'm perfectly fine and active. Wala akong sugat or something. 100% fine from top to bottom.

Baby?! I feel butterflies........

Amy: B-baby baby ka dyan. Anong pinagsasabi mo? Tskkk... Advance ka ata ah?

Jaydee: Dyan naman tayo papunta eh. Diba baby?

I really want to change the topic... Kinikilig kasi ako. Baka makita niya pa na namumula na ako.

Amy: Kumain kana ba? Nagugutom na ako eh. Tara na sa baba. I haven't eaten anything pa.

THE BAD GIRLWhere stories live. Discover now