33

393 58 3
                                    

Gen POV
Lumipas ang ilang linggo. Minsan hindi sumabay si Jaydee kay Amy sa kanyang mga taping dahil sa conflict ng schedule. She's quite busy with her new business na kakabukas lang. Marami siyang nakilalang investor nitong mga nakaraang araw.

Naiintindihan naman ni Amy ang sitwasyon ni Jaydee at ayos lang sa kanya na hindi nakarating si Jaydee.

Isa rin siyang businesswoman like Jaydee kaya naiintindihan niya talaga si Jaydee.

May taping ngayong araw si Amy kaya naisipan ni Jaydee na sumama dahil wala naman siyang schedule or gagawin.

Jaydee: Mahal, tara na mahal. Baka malate pa tayo. Magagalit ang director niyo kung male-late ka kaya tara na at baka pagmultahin ka na naman niya.

Amy: HAHAHA chill lang Baby. Handa na ako. So tara na?

I extended my arms para mahawakan niya ito. Hinawakan niya ang braso ko at sabay kaming lumabas at sumakay sa kotse. Bago kami umalis ng bahay, nagpaalam muna kami sa aming mga kaibigan.

Nakarating na kami sa taping area. Gusto ng direktor na magsimula na kaagad. Nagpalit ng damit si Amy ayon sa script. Inayosan na siya ng make up team niya. Sinuportahan ko lang siya. Nandito lang ako sa tabi niya if ever na kailangan niya ako.

Pinatawag na siya ng direktor kaya lumabas na siya pagkatapos niyang magmake up.

Director: 1! 2! 3! Action!

Amy: Bakit mas pinili mo siya?! Huh?! Mas maganda ba siya sa akin? Mas matalino ba siya? Ano ang kulang sa akin? Nababaliw na ako kakaisip lang kung may kulang ba sa akin?! Ano?! Hindi ka magsasalita?! Ano?! Magsalita ka!

Joshua: Tama na! That's the problem with you! You're always overthinking! Itigil na natin to. Nakakasawa na. Ayoko na. Palagi na lang ganito ang toxic na ng relasyon natin. Hindi ka ba nasasawa na palagi tayong nag-aaway? Kasi ako, sawang-sawa na. 

Amy: Hindi! Hindi akong nagsasawa kasi mahal kita! May bago na ba? Bakit ka ganyan? Parang nagbago kana. Hindi na ikaw ang dati kong nakilala. Hindi na ikaw ang dati kong jowa!

Joshua: Hindi na talaga! Kasi nagsasawa na ako! Let's just end this. Thank you for the past 2 years. Good bye.

Tumalikod si Joshua at umalis. Umiiyak si Amy. I think the director loves it.

Director: CUT!

Break na siguro..

Director: Nice! Amy, you improved a lot! Good job! Next scene naman tayo after 20 minutes!

Lalapit na sana ako kay Amy. May dala akong tissue at water. Papalapit na sana ako ngunit naunang bigyan ni Joshua si Amy ng tissue at water. Hindi man lang ako nakita ni Amy. Baka tutok na tutok lang talaga siya.

Lumapit ako kay Amy. Hinarangan ko si Joshua. Wala akong pake. Ako yung jowa niya. Kinuha ko yung tissue ni Amy. Pinunasan ko yung pawis at luha niya. Ngumiti naman siya kaya ngumiti rin ako.

Jaydee: You did great, baby. I'm sure you will some awards after this movie.

Amy: Sana nga baby..

Binigyan ko siya ng water.

Amy: Thank you baby koo!

Jaydee: You're always welcome, baby.

Nakita kong nakatingin samin si Joshua kaya mas lalo akong nagiging sweet kay Amy. Alam kong may gusto ka sa asawa ko at hindi ako papayag na lalandiin mo ang future wife ko.

After 20 minutes, nagsimula na sila para sa isa pang eksena, pero hindi kasali si Joshua sa eksenang iyon. Malaki ang pag-improve ng acting skills ni Amy kaya I am so proud of her.

THE BAD GIRLWhere stories live. Discover now