Cassidy's POV
"Lumayas ka dito wala kang utang na loob pagkatapos kitang kupkupin nanakawan mo pa 'ko!"
"t'yang hindi ko po kayo ninakawan wala akong kasalanan"
"Kitang-kita ko na nasa damitan mo 'yung pera ko! Hala sige alis na! layas! 'wag ka ng babalik dito wala kang utang na loob"
Sigaw sakin ng tiyahin ko , halos lahat ng tao ay nasa labas pinapanuod ang nangyayari samin. Saan naman ako pupunta ngayon?
Wala nakong tatay naaksidente siya noon kaya naman tiyahin ko na ang nagpalaki sakin kapatid siya ni papa,Nanay? Hindi ko alam dahil kahit kailan hindi ko pa siya nakikita.
Nalilito na'ko kung saan ako pupunta ngayon, napagdesisyunan ko na lang na pumunta na lang ng Maynila pero sapat lang tong pera ko pamasahe at pangkain ng isang araw lang. Sa totoo niyan wala akong ninakaw na pera, hindi ako ganun nagulat na lang ako nasa damitan ko na bigla.
Habang nasa byahe ay wala akong ibang inisip kung ano na ang magiging buhay ko dito, saan ko naman hahanapin ang mama ko? habang tinitignan ko ang larawan namin ni papa at malabong muka ni mama sa litratong to ay karga pa 'ko ni mama pero sobrang tagal na nito at luma na kaya nama'y medyo burado na at hindi ko na maalala kung anong itsura niya.
Ilang oras lang ay nasa Maynila na'ko. Gutom na rin, pero kailangan ko pang tipirin ang natirang pera sakin mula sa baon ko at naiipon sa sideline sa school.
"Waaaaah! Waaaaahhh! huhu!"
Bigla akong napatingin sa batang nadapa kaya naman agad ko itong tinulungan.
"bata, tumayo ka dyan ,ayos ka lang? masakit? nasaktan ka b--"
"Obvious ba?! syempre nasaktan siya kaya nga umiiyak eh!"
Nagulat na lang ako nang may lalaking nagsalita sa likuran ko.
"Ah,eh tinatanatanong ko lang naman."
"Papa! Papa! ouchy , I have a wound na. waaahhh!"
Papa? may anak na siya? eh mukhang kasing edad ko lang naman siya ah.
"A-anak mo?! may anak ka na?" takang-taka kong tanong sa kanya.
"Ano bang pakialam mo?!
tara na Reese baka mahawaan ka pa ng kung ano diyan sa tabi."Ang sungit! kainis! Reese?
ang cute naman nung name ng batang babae. Kaso 'yung tatay ang panget ng ugali."Sungit batang ama naman."
"Narinig kita."
"Wala ka ring pakialam!"
Tumingin lang siya ng masama sa'kin at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Tss! 'kala mo kung sinong gwapo. Gwapo? Wala akong sinabi. Meron ba? wala ah.Naglakad-lakad pa 'ko hanggang sa may nakita akong mataas na building.. na ewan ko ba pero may sarili atang utak ang mga paa ko, at pumasok na lang ako bigla.
"Yes Ma'am? How may I help you?"
Teka ano nga bang gagawin ko dito? tumingin muna ako sa paligid ...naka damit sila ng mga pang-opisina kaya naman...
"Ah miss saan po dito 'yung mag-aapply ng trabaho?"
"Ma'am just turn right then at the lobby, look for
Mr. Reyes.""Okay. Thanks Miss."
Mr.Reyes, Mr. Reyes Mr. Reyes
Paulit-ulit kong sinasabi para 'di ko makalimutan.
May pinto doon sa dulo kaya kumatok na'ko.
Good thing dala ko lahat ng gamit ko nung pinalayas ako."Excuse me sir, I'm here to apply for a jobz"
"Please introduce yourself."
"I'm Cassidy Jade Arevallo Pamintuan, 19, currently taking up- -"
Hindi ko natapos ang pagpapakilala ko nang biglang magsalita si Mr.Reyes.
"May I see you're curriculum vitae? "
"Ah, here sir."
"Sorry miss but we are not accepting an undergraduate."
"P-pero sir 4th yr. college nanaman po ako this coming school year, baka pwede naman po sana kahit mag working student po ako or kaya kahit ano na pong trabaho okay po sa'kin."
"But miss..."
"Sir sige na po kailangan ko lang po talaga."
Tumingin muna siya at sinagot ang tawag sa telepono.
"Ok miss, may gustong kumausap sayo, pumunta ka na lang sa 3rd floor then may aassist na sayo doon."
"O..okay thank you so much po!"
Galak kong sabi sakaniya.
Pag-punta ko sa 3rd floor ay
may sumalubong sa'kin na babae and I think she's a secretary."Sir ito na po siya."
Bumungad sa'kin ang isang not-so-old man maybe he's just in mid 40's.
"Please have a seat."
"I heard that you're looking for a job well in your case you're undergraduate so, I've decided na sa ibang trabaho ka na lang ipasok."
"A-ano pong trabaho?"
"To be a babysitter."
"B-Babysitter po?"
"Yes. Sa bahay ng anak ko, and I want you to take care of my grandchild. If you're just interested."
Tsk. Kung 'di ko lang talaga kailangan ng pera at ng trabaho para sa tuition ko next SY. Tatanggapin ko na ba? ay teka...
"Ilang taon na po 'yung batang aalagaan ko?"
"4 years old."
"Well. Ahm... Sir
I'll accept it!""Good. You can start now, ipapahatid kita sa driver. Mukhang dala-dala mo na lahat ng gamit mo kaya naman, do your job well."
"T-thank you sir."
Hinatid na ako ng driver sa isang malaking bahay..oo malaki lang, hindi mansyon.
"Good afternoon Ma'am, pasok po kayo, itinawag na po saakin ni Mr.Tuazon na may bagong darating na mag-aalaga sa bata."
Salubong sa'kin ng isang kasambahay habang nakangiti saakin, parang siya ang mayordoma ng bahay
na ito."Good afternoon din po."
At ngumiti rin ako pabalik.
Maganda 'yung loob ng bahay, super simple yet elegant and wala din masyadong furnitures at sobrang linis. Inayos ko na rin 'yung gamit ko sa kwarto na binigay sa'kin, malaki na 'tong room para sa'kin dahil mag-isa lang ako sa loob.
And si Aling Mildred pala
'yung kanina,"Saglit lang hija, magdidilig muna ako ng mga halaman sa likod."
"Sige po ako na po bahala dito Aling Mildred, salamat po."
Naglibot-libot muna ako sa bahay kasi hinahanap ko
'yung bata, pero dahil mainit naisipan ko munang uminom, ang layo ng kusina mula dito sa salas.inom.inom.inom.inom
inom.inom.ino--"Hoy! Sino ka?! Bakit ka nandito?"
Nabuga ko na 'yung tubig sa sobrang gulat. Sino ba 'to? tsk. Ingay.
"Yaya! Yaya! bakit ba kayo nag papapasok ng kung
sinu-sino dito sa bahay?"Grabe ah, sinu-sino? 'Di ko na kinaya at humarap na ako sa lalakeng maingay sa likod ko. Hmp!
"Hoy mister hindi a--"
"Ikaw?!" sabay naming sabi
"Ikaw 'y-yyung batang ama?"
"Ikaw 'yung pakielamera! What are you saying batang ama. Ha! Patawa ka!"
"Eh kasi may anak ka na 'yung batang babae--"
Wait, batang babae? ibig sabihin aalagaan ko anak niya? Naku po sana hindi nagmana sa ugali niya. Hay!

BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomanceA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)