Tyler's POV
Narinig ko sa pag-uusap ni Jade at Dad na may cancer ako. Ito na siguro ang kabayaran sa pagkawala ni Kysler dahil sa'kin.
Buhay sa buhay ang kapalit.
Dumilat ako ng onti para tignan si Jade, pagmulat ko ay may nakita akong lalaki, hindi ko masyadong maaninag dahil blurred ang mukha at nanlalabo rin ang paningin ko dahil sa tagal kong nakatulog.
Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Jade.
"Tyler!"
"Okay lang ako Jade."
Hinanap ko 'yung lalaki pero wala na siya. Lumabas na rin si Jade.
"We still have an option, son.
We will do a surgery for you.""What for Dad? Kahit gumaling ako hindi ko kayo makakasama dahil nasa likod ako ng rehas. Pati dito ay naka posas ako."
"Please live for me, ikaw na lang ang pamilya ko."
Pumayag na ako sa gusto ni Dad kahit alam ko namang deserve ko ang lahat ng mga nangyayari sa'kin.
*******
Cassidy's POV"H-hello Drake?"
Sinagot ko ang tawag ni Drake habang umiiyak pa rin ako. Sinabi ko na rin na may sakit si Tyler at papunta na sila ni Clei para dumalaw.
After mahigit isang oras ay dumating na sila.
"Cass! Are you okay?"
Bungad sa'kin ni Clei. Pero tahimik pa rin ako. Pumasok na muna sila sa loob para kumustahin si Tyler.
Ilang araw na rin ang lumipas ay unti-unting nanghihina ang katawan ni Tyler. Bukas na gagawin ang surgery para kay Tyler, ginawaan na rin siya ng iba't ibang klase ng therapy these past few days.
Mabuti na lang at sem break namin, nababantayan at naaalagaan ko si Tyler.Ito na ang araw ng surgery ni Tyler, sana ay maging matagumpay ang lahat at hindi sumuko ang katawan niya dahil hinang-hina na siya. Labis na rin siyang namayat.
Lahat kami ay nandito at hinihintay matapos ang lahat, lahat kami ay tahimik at taimtim na nagdarasal para kay Tyler.
"A-ano pong nangyayari?"
Nakita namin na nagkakagulo sa loob at nakita ko sa monitor na unti-unting nag
f-flat ang wave nito. Nag
pa-panic na kaming lahat, nag aagaw-buhay si Tyler sa loob.Tumakbo ako dahil hindi ko kinakaya ang nakikita ko ngayon.
"Tahan na. Lumalaban siya."
"Sky..."
"Sky tulungan mo si Tyler hindi siya pwedeng mawala, hindi pwede!"
Pamimilit ko kay Sky habang mahigpit kong hawak ang kamay niya.
"Sakaniya mo ba gagamitin ang iyong isang kahilingan?"
"Kahilingan?"
Naalala kong may sinabi si Sky na meron akong isang kahilingan, gagamitin ko ba ito kay Tyler o para sa matagal ko nang hinahanap na biological mother? Pero nag-aagaw buhay na si Tyler kailangan ko siyang mailigtas.
"Oo.. ang isang kahilingan ko ay buhayin mo si Tyler at iligtas siya sa sakit niya."
"Kahit buhay mo pa ang kapalit?"
"A-ano?"
"Buhay mo ang kapalit."
Napatigil ako sa sinabi ni Sky at inalis ko ang pagkakahawak ko sa kamay
niya."Sky... hindi mo sinabi dati na kapalit ng isang kahilingan ang buhay ko? I'm.. I'm scared to death."
"Hindi ko nasabi dahil hangga't maaari ay ayokong ilagay ka sa ganitong alanganin na desisyon."
Tumakbo ako pabalik kung saan nag-aagaw buhay si Tyler nakita kong sinusubukan na siyang
i-revive."P-pumapayag na..ako.. Sky."
Kung ito ang tanging paraan para mabuhay si Tyler gagawin ko.
"Anong mangyayari Sky, mawawala na lang ako bigla?"
"Magkakaroon ka rin ng isang misyon. At kapag nagtagumpay ka ay maaari kang makabalik sa dati mong buhay."
"Anong misyon?"
"Malalaman natin. Sigurado ka na?"
"O-oo..sigurado na."
Paalam, Tyler.
Nakita ko namang na revived na si Tyler at natapos na ang surgery niya.
Tumakbo ako sa pintuan at nagulat ako nang bigla akong tumagos dito. Isa na lang akong kaluluwa?
Tumagos ako ulit sa pintuan at hinahawakan ko sila Clei pero hindi ko sila mahawakan, kinakausap ko rin sila pero hindi na talaga nila ako nakikita.
"Sumama na tayo sa liwanag."
"Pero hindi pa tapos ang misyon natin."
"Sinusundo tayo para sa ating misyon."
Sumunod na lang ako kay Tyler at pumunta kami sa liwanag na sinasabi niya.
Sa bilis ng pangyayari, pagmulat ko ay sumakit ang mga mata ko sa liwanag ng paligid. Masayang lugar ang pinuntahan namin, payapa.
May isang lalaki ang lumapit sa'min pero hindi ko maaninag ang kanyang itsura.
"Maligayang pagdating,
ako si Zacchaeus, nais kong ipabatid na ang inyong magiging misyon ay inyong malalaman pagbalik muli sa mundo ng mga nabubuhay. Kapag kayo ay nagtagumpay maaari kayong makabalik sa inyong dating buhay.""P-paano po kapag hindi kami nagtagumpay?"
Tanong ko na mayroong kaba sa dibdib.
"Kayo ay kanila nang tuluyang makakalimutan. At dito na mamamalagi sa aming paraiso."
Pagkasabi niyang iyon ay binigyan niya kami ng karagdagang 5 araw. Ganun din sa misyon ni Sky. At bigla na lang kaming napabalik dito sa mundo ng mga nabubuhay.
"Sky ilang araw na lang ang nalalabi sa'tin, kailangan na natin matuklasan kung anong misyon natin."
Sa tingin ko ang kailangan ko munang tulungan si Sky, hindi kaya'y iisa kami ng misyon?
BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomanceA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)