Tyler's POV
Ano kayang nangyayari kay Jade?
Actually, wala naman talagang multo dun sa kwarto kaya tumabi ako sakan'ya sa pagtulog, I just missed my mom and I can see her on Jade. I dont know... but there's something about Jade and I can't still figure it out.
Oh, what am I thinking?
"Tyler"
Napabalikwas ako sa upuan nang tawagin ako ni Jade, may dala-dala siyang maleta.
"Teka! teka saan ka pupunta?"
"Aalis na'ko dito, tapos na trabaho ko, tsaka nakay Sabrina na si Reese eh"
Onga pala. I've already told dad that Sabrina is back and getting Reese for good.
Which is nagkaroon naman kami ni Sab and Dad ng fomal na pag-uusap about it."A-ayos lang naman na dito ka na lang muna tumira ah, tutal wala akong kasama dito."
"Nukaba. Andyan naman si Aling Mildred tsaka 'yung driver"
"Yeah. Aside from them wala na, can you please just stay?"
******
Cassidy's POV
"Yeah. Aside from them wala na, can you please just stay?"
"Tyler I can't"
"Yes you can"
"Tyler hindi mo naiintindihan talaga, kaya ako aalis kasi mag-aaral na'ko tsaka wala na akong gagawin dito, nagusap na rin kami ni Mr. Tyson na aalis na ako dahil tapos na ang trabaho ko."
Ang huli ko na lang nakita ay ang mukha ni Tyler na gulong-gulo.
Lumabas na'ko ng bahay at nakapagdesisyon na rin ako.
Thanks for everything Tyler....
"Okay ka na ba dito Cass?"
Sabi ni Drake habang binababa ang maleta ko, nandito kami sa apartment na uupahan ko... tinulungan ako ni Drake na makahanap ng murang apartment at mag
w-working student na lang ako para sa iba pang
pang-gastos."Oo ayos na'ko rito,
salamat pala ah""Anytime Cass, oh pa'no una na 'ko at bisitahin na lang kita bukas."
"Sige, good night. Ingat!"
He just smiled at me and turned around.
Binagsak ko na lang ang katawan ko sa couch, habang nakatulala ako sa kawalan.
Nakatitig lang ako sa ceiling."Hi"
Waaaah! Mag ka face to face kami nung angel na multo.
"Huy a-anong ginagawa mo dito?!"
"Binabantayan ka, kasi ako ang anghel mo"
"Hindi 'to totoo, hindi...hindi...hindi"
Pinikit ko 'yung mata ko
baka sakali pagdilat ko wala na siya pero..."Hays."
"Nandito pa 'ko :)"
"Onga, nakikita ko. Teka! Bakit ba kita nakikita? Bukas ba ang third eye ko?"
Nginitian lang niya 'ko.
"Ngayong mag-isa ka na lang lagi kitang babantayan at lagi na rin tayong magkikita."
Wala na ba talagang magagawa ang isang tulad
ko dito."Kung angel kita bakit wala kang pakpak?"
"Kasi hindi pa tapos ang misyon ko rito sa lupa, hindi ako pinaakyat sa langit, pinababa ako muli rito sa lupa at binigyan ng dalawang daang araw para sa misyon ko sa'yo."
"A-anong misyon mo sa'kin? Masama ba akong tao?"
"Pati ako hindi ko alam ang misyon ko sa'yi ang sabi lang saakin ay malapit ka sa taong makakapag-bigay ng kapayapaan sa'kin, ikaw lang ang daan at ako na ang anghel mo ngayon"
"Eh parang ako ang magkakaroon ng misyon sa'yo ah? Niloloko mo ba ako? Haha."
Pilit kong iniintindi lahat ng sinabi niya pero naguguluhan talaga ako.
"Ganyan ba ang language mo? Tagalog?"
"Kapag nagsasalita ako ay naiintindihan mo sa lenggwaheng alam mo pero iba ang aking mga binibigkas"
Ano daw? Kapag nagsasalita siya, hindi Tagalog? Pero kapag naririnig ko ang mga sinasabi niya ay Tagalog ang pagkakarinig ko?
Sige medyo nagets ko na,"May pamilya ka ba? Kaibigan o ano ?"
"Wala na akong maalala, tinanggal ang memorya ko dito sa lupa"
"Alam mo ba kung anong pangalan mo?"
"Ako si Sky, 'yun kasi ang binigay nilang pangalan saakin kapag napunta ako dito sa lupa."
"Ah. Teka, ano ba 'yang hawak-hawak mo?"
Tukoy ko dun sa maliit na jar na merong hawakan na golden brown lace.
"Ah ito, kung nakikita mo merong nakalagay sa loob, tutunog ang mga ito kapag malapit na'ko sa taong 'yon na malapit sa puso mo."
Ang dami ko pang gustong malaman pero bigla na lang siyang nawala.

BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomanceA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)