23☁️

8 2 0
                                    

Cassidy's POV

Start na ng classes today pero hindi ko pa rin
na a-absorb lahat ng nangyari.

Nakaupo na ako dito sa loob ng room, buti na lang ako pa lang mag-isa kaya nakakapag-emote pa ako.

*riiiing*

Tinignan ko 'yung tumatawag sa phone ko.

"Hello Drake?"

"Nasa room ka na? I'm on my way na."

Oo nga pala kaklase ko si Drake, same program kami.

"Yup. Wala pa ngang dumarating na iba ako pa lang."

"Alright. in 5 mins. nandyan na ako."

After 5 mins. dumating na nga si Drake may mgangilan-ngilan na rin kaming classmates na dumating.

"Dito tayo sa harap Cass?"

"No way. Dito na lang tayo sa likod. Haha"

"A-alam mo na ba ang nangyari kay Tyler?"

Pabulong na tanong sa'kin ni Drake.

"Hindi pa bakit? Anong
nangyari?"

"He's already in jail, dahil wala na rin magagawa ang lawyer umamin na si Tyler."

Nagbubulungan kami ni Drake nang biglang dumating na ang prof. namin sa subject na IT Fundamentals.

After namin magpakilala lahat, ay nag lecture na ang prof. namin dahil mapapadalas ang kanyang pag absent dahil tinatapos niya ang kanyang Masteral Degree.

Lecture lang siya nang lecture, pero hindi ko na-absorb lahat. Gusto kong puntahan si Tyler, gusto ko siyang makita at kumustahin.

"Ms. Pamintuan, Pamintuan right?"

sabay tingin sa paper na hawak niya ng lists ng names namin with 1x1 picture.

"Y-yes Ma'am."

"You're here, but you're mind is outside of this class."

"S-sorry po."

At bumalik na lang siya ulit sa pagtuturo buti hindi nagtanong dahil wala talaga akong naintindihan. Augh, mag focus ka nga Cass.

Napatingin ako bigla sa notebook ni Drake.

Arevallo? Arevallo pala ang middle name niya? Hindi kasi kami nagbanggit kanina ng middle name mostly naman first name lang at surname.

"Drake!"

"Hmm?"

Sagot niya habang hindi ako tinitignan, dahil nag t-take down notes siya ng lecture.

"A-Arevallo ka?!"

Pasigaw na pabulong kong tanong sakan'ya.

"Oo, bakit?"

At tumingin na siya sa'kin.
Tinitigan ko naman siya, hindi naman kami magkamukha dahil si Papa ang kamukha ko.

"Arevallo din ako."

Sabay pakita ko ng I.D. ko.

"See? Cassidy Jade A. Pamintuan. Ikaw naman, Drake Marlo A. Alfonso"

Nakatingin pa rin sa'kin si Drake pero napapangiti siya.

"Haha! So ano 'to mag kamag-anak tayo? Wow!"

"Possible!"

"Cass! I was so dumb! Bakit hindi ko napansin na ang hinahanap natin na Mama mo is Cara Arevallo?"

"Hays! So ano may kakilala ka bang Cara Arevallo?"

"Not sure, hindi ko kasi masyadong kilala ang family relatives ko sa mother side dahil mas close and nakilala ko ang family relatives ko sa father side. But don't worry, I'll ask my Mom!"

"Thank you Drake!"

Nag dismiss na kami ng klase at magkasama kami ngayon nina Clei at Drake sa cafeteria.

"Omg! Pinagseselosan ko pa naman ng slight ang closeness niyo 'yun pala may possibility na relatives kayo! I'm so happy magiging relative ko rin si Cass!"

Ah, oo nga pala. Sila na ni Drake. Hindi ko na namalayan ang love story nila dahil masyado akong busy sa buhay-buhay ko ngayon. Hehe.

"Sooner, babe."

Sabi ni Drake na kinakilig naman ni Clei. Haha.

"Okay, thirdwheel ako gano'n?"

At nagtawanan naman kaming tatlo.

After kumain, bumalik na kami sa kanya-kanya naming klase. 

"Sa wakas! Uwian na, hatid na kita Cass sabay ka na sa'min ni Clei?"

"Ahm, pass muna hehe baka may dadaanan muna ako."

"Si Tyler ba?"

"Hmm. Pinagiisipan ko ngang punatahan. Nabisita mo na ba siya?"

"Not yet, I still want to give him some space to think, hindi ako galit kay Tyler, but don't get me wrong mali pa rin ang nagawa niya."

Tumango na lang ako kay Drake at ngumiti.

Nauna na rin siyang umalis at tinapik ako sa balikat.

"T-Tyler.."

Magkatapat kami ngayon sa lamesa, buti ay umabot pa ako sa visiting hours.

"Don't be, 'wag kang maawa sa'kin Jade."

Malamig na panimulang
sabi ni Tyler.

"I just want you to know na nandito ako lagi sa tabi mo. And of course, pati ang Dad and other friends mo."

"Alam ko kasalanan ko kaya ako nandito, I knew this day would come. Okay na ako sa tiwala kong hindi mo sinira, ikaw lang ang pinagkatiwalaan ko ng sobra Jade."

Iyak na ako nang iyak dahil alam ko namang pinagsisihan pa rin ni Tyler ang nagawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinunasan naman ang luha sa'king pisngi kahit naka posas siya.

"Shh. I'll be fine Jade. 'Wag ka nang umiyak."

"P-pero Ty.. hindi ka na makakalabas dito."

"I know.. pero promise I'll be fine and promise me that you'll be okay."

Tumango naman ako at nag promise.

"May bumisita na ba sa'yo dito bukod sa'kin?"

"Yes. Si D-dad and Sabrina."

Dad na ang tawag niya hindi na old man. Nagkaayos na kaya sila?

"May I know kung okay na kayo ni Mr. Tyson?"

"Probably, yes. We had our heart to heart talk haha."

Malungkot na pagkakasabi ni Tyler pero alam kong masaya siya. He's not completely happy dahil sa nangyari kay Kysler and sa situation niya ngayon.

"Tapos na po ang visiting hours, Ma'am."

Sabi ng pulis kaya naman nagbitaw na kami ng hawak ni Tyler.

Sana hindi pa ito ang katapusan, naniniwala akong magiging maayos din ang lahat.

Umuwi na ako sa apartment at natulog agad pagkatapos kong malinis at kumain.
It's been a long day.

Scared to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon