14☁

20 3 0
                                    

Tyler's POV

"Tyler, kumain ka na"
hinain ni Aling Mildred ang pagkain sa harap ko.

"Hindi pa po ako nagugutom."

"Naku. Masama 'yang hindi kumakain, si Jade ba ang dahilan kaya ka ganyan?"

"A-ano po? H-hindi po."

Nakakamiss din pala 'yung babaeng 'yon, nasanay akong nandito siya at wala na akong maasar at wala ng nangungulit sa'kin.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nag-online sa social media account.

Sometimes it's not the person you miss, it's the memories.

then, Post.

Ngayon ko na lang ulit binuksan itong account ko,
ang daming notifications.

148 friend requests
99+ notifications
2 messages.

Well, mas excited ako
mag-open ng messages.

1 message

From: Geo Gonzales

Dude!

Tss. Dude lang haha 'di na ako magrereply. At matagal na rin naman niyang chat 'yun before pa kami magkita dati para magpatulong hanapin si Sabrina.

1 message

From: Unknown User

I know your secret.... ;)

Ha? Sino 'to? I viewed the  profile pero walang laman ang timeline niya, unknown user ang name at nakita ko ang alternative name niya,
(Your nightmare)

Wala din laman ang abouts.

To: Unknown User

What are you talking about? Do you know me?

From: Unknown User

I know you and you know me.., Ha.Ha.Ha.

To: Unknown User

What? What do you mean
'I know your secret'?

From: Unknown User

Bye. Killer ;) gtg.

I was so shocked. How could this be?! Last time I remember si Jade lang ang nakakaalam nito. Did she just tell this to anyone?

Cassidy's POV

Andito ako ngayon sa comp shop. Wala kasing wifi sa apartment.

Ay, add ko kaya si Tyler.

Search: Tyler Drew Tuazon

Scroll down, scroll down.. wala naman eh

Search: Tyler Tuazon

Aha! Add friend.

Stalker na ba 'ko sa lagay kong 'to?

Pag scroll down ko nabasa ko status niya, 20 mins. ago lang.

Sometimes it's not the person you miss, it's the memories.

34 likes 2 comments

Pfft. Ang drama naman nito. Hahaha!

Umalis na rin ako agad pagkatapos ko mag search ng part time jobs na pwede kong pasukan na trabaho.

"Hi"

"Ah! Sky 'wag ka nga manggulat lagi!"

"Hindi ka ba naiinip? Wala kang ginagawa dito"

"Naiinip, kaso sa isang buwan pa ang start ng classes."

"Ahh"

Ang lame naman ng usapan namin -.-

"Ahm, nagugutom ka ba? Gusto mo ng makakakain?"

"Huwag ka na mag-abala, ang isang tulad ko ay hindi nagugutom."

"Oh? Di nga? Hindi ka nakakadama ng gutom?"

"Hindi."

Sa ngayon medyo naaaninag ko na ang muka niya, konti lang naman.. maitsura siya. Kung tao lang siguro mto. Ang gwapo niya.

Ay ano 'ba to. Pati anghel..naku! Pero dati naman siguro siyang tao diba? 

"Bakit dati hindi ko talaga maaninag ang itsura mo?"

"Kasi hindi ka naniniwala sa'kin, pero kapag tuluyan ka ng maniwala sa'kin ay makikita mo na ang
itsura ko"

"Ibig sabihin medyo naniniwala na ako sa'yo?"

"Marahil :)"

"Siya nga pala , an--"

Oo nga eh , 'yung kausap ko nawala nanaman hays. Siya na nga lang kasama ko nawawala pa ng parang bula lagi. Akala ko ba lagi ako sasamahan?

Scared to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon