5☁

42 3 0
                                        


Tyler's POV

*Ding dong*

"May pinadeliver ka pa ba?" nagtatakang tanong saakin ni Jade

"Wala na, teka ako na lang magbubukas."

Pagpunta ko sa gate nakita ko ang taong ayaw kong makita pa kahit kailan.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Tyler anak Death Anniversary ng kuya Kysler mo ngayon, hindi ka ba pupunta?"

"Para saan pa ba? Para ipamukha no saakin na dapat ako ang namatay at hindi siya? Ganun ba Mr. Tyson?"

"Hindi ganun 'yun anak ang sinasabi ko-"

"Ang sinasabi mo dapat ako na lang 'yung namatay na dapat 'yung pinakamamahal mong anak ang buhay kasi siya naman talaga ang minahal niyo DAD."

"Respetuhin na lang natin ang kuya mo."

Tuluyan na siyang umalis at tumakbo ako sa loob ng bahay nagpalit lang ako ng damit at pumunta sa puntod ni Kuya.

Doon binuhos ko lahat ng nararamdaman ko. Walang may alam, walang nakakaalam na ako ang dahilan sa lahat ng 'to..kung bakit namatay ang kapatid ko. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako, pagkagising ko gabi na pala pero hindi muna ako umuwi, nakakita ako ng mga lalaking tambay kaya naman hinamon ko sila ng suntukan, nung una ay lumalaban ako pero mas ginusto ko na hindi lumaban mas gusto kong ako na lang ang masuntok, baka sakali matauhan na'ko sa mga nagawa ko. Manhid na ang katawan ko, wala na'kong nararamdaman mas nararamdaman ko na lang ang sakit dito sa puso ko.

Narinig ko na lang na may babaeng sumigaw at biglang humarang sa gitna para hindi ako masuntok.

Nakita ko na si Jade pala 'yon. Bakit nya ba
ginagawa 'to?

Umuwi na kami at kinwento ko sakaniya lahat, hindi ko alam pero ni isa wala pang nakakaalam ng nagawa ko, hindi ko maintindihan kung bakit ko sinabi sakanya ang sikretong 'to o baka dahil siguro tama siya at kailangan ko ng karamay?
Sa yakap na'yon ni Jade ay nakaramdam ako ng unawa,

Binago ko ang sarili ko, hindi na ako ang nerd na tinatawag at pinagkakatuwaan ng ibang tao. Nagbago ako pero kahit kailan hindi ako naging masaya... para sa'kin napakalungkot ng buhay ko, masyadong dramatic. Bihira lang ako makaramdam ng saya, dahil simula ng iwan kami ni Mama ay lumayo ang loob ko sa dad ko, nagkaroon siya ng ibang babae na naging dahilan ng paghihiwalay nila at nadagdagan pa nang nadagdagan. Wala na akong pakialam kahit magbago pa siya ngayon.

*******

Pagkagising ko sobrang sakit ng ulo at katawan ko, pagkita ko sa katawan ko ay may mga band aid. Si Jade kaya ang may gawa nito? Siguro nga dahil wala naman si yaya Mildred dito kagabi.
Bumaba na'ko para kumain ng almusal.

"Tyler kumain ka na nagluto ako tsaka tinimplahan kita ng kape, sigurado ako masakit ang ulo mo dahil sa hangover."

Sobrang blooming ng mukha ngayon ni Jade anong meron?

"Anong meron? 'Kala ko ba hindi ka marunong magluto?"

"Well, nanood ako ng
cooking videos haha."

"Nandyan na ba si yaya Mildred?"

"Onga pala. Nag text sa'kin ang anak niya kanina, sabi daw ni Aling Mildred ay may sakit ang asawa niya kaya daw kung maaari ay hindi muna siya makakauwi."

"Ganun ba... si Reese
kumain na?"

"Oo nakakain na kami
kanina pa."

Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain, 'yung luto niya? Pwede na rin  naman ang lasa.
Sinigang ang niluto ni Jade.

Pagkatapos ay nilagay ko na sa sink 'yung pinagkainan ko at hinugasan ito.

"Ah Jade 'yung kagabi pala, 'y-yung nasabi ko sa'yo.."

" 'Yun ba? wala sakin 'yun"

"Hindi ka ba natatakot sa'kin? Nakapatay ako Jade Nakapatay. ako."

"Hindi ako natatakot sa'yo, kasi kung mamamatay tao ka ay matagal mo na'kong pinatay , naniniwala ako sa'yo Ty... hindi mo sinasadya lahat ,aksidente 'yun at hindi mo ginustong mangyari ang lahat ng 'yon"

Na-touch ako sa sinabi niya, ngayon lang ako nakakita ng taong totoong naniniwala sa'kin at hindi ako tinalikuran. Sabagay dahil siya lang naman nakakaalam ng lahat. Hindi ko namalayan na nahalikan ko na pala si Jade, masyado akong natuwa sa kan'ya, ilang segundo pa ay siya ang nag-alis ng labi nya.

"Tyler?!"

"I'm- I'm sorry, kalimutan mo na lang ang nangyari"

Cassidy's POV

"I'm-I'm sorry, kalimutan mo na lang ang nangyari"

Kalimutan? Kinuha niya ang first kiss ko tapos kalimutan? Hindi ko maintindihan kung bakit ginawa ni Tyler 'yon. Nabigla ng sobra.
Hay,, ang awkward tuloy.

Hindi ko pinapakita na affected ako kahit naiinis ako dahil first kiss ko 'yun! Ang romantic ng naiimagine ko para sa first kiss ko tapos sa hindi ko pa boyfriend nangyari?!

Niyakag ko si Tyler na
mag-mall kaming tatlo tutal wala namang ginagawa sa bahay at para naman sandali ay makalimutan niya muna ang nangyari.

"Tyler, sino si Sabrina?"

"Ha? Bakit mo naitanong? Saan mo nakilala si Sabrina?"

"Basta sino siya? Mama ba siya ni Reese?"

"Alam mo na rin pala nagtatanong ka pa? Tss.
Oo, pero ewan ko kung nasaan siya at iniwan niya sa'kin si Reese..."

"Pero alam ba ni Reese na hindi ikaw ang tunay niyang Papa?"

"Oo, Tito Papa ang una niyang tawag saakin pero parang pinaiksi na lang niya dahil wala naman daw siyang Papa, ako na lang daw ituturing niya"

Nakita ko namang nalungkot nanaman si Tyler, kung hindi siguri nawala si Kysler ba 'yun? Okay sana ang lahat. Pero bakit hindi ko magawang makita na mali na napatay si Tyler?

"Punpunta muna akong comfort room ah."

Paalam ko kay Tyler at  hintayin na lang nila ako sa labas.

Maghuhugas sana ako ng kamay nang nagkasabay kami nung babae sa harap
ng faucet .

"Sige miss ikaw na muna."

Sabi niya at ang ganda ng ngiti nya. Tingin ko ay matanda siya sa'kin.., I think she's 25 and above?

"Okay, thanks."

Nginitian ko naman siya pabalik, pagkatapos ko maghugas ay nag-ayos ako ng buhok.

Biglang nagsalita 'yung babaeng habang naghuhugas ng kamay.

"You know what ang ganda ng buhok mo, pwede na pang-commercial."

Tumawa siya ng mahinhin.

"You know what may kahawig ka 'di ko lang matandaan eh."

Hindi ako makatiis at sinabi ko na dahil kanina ko pa talaga iniisip habang nag-aayos ako ng buhok.

Nagtitigan kaming dalawa,

"What do you mean?"

"Wala. Bye Miss."

"Wait, what's your name?"

"I'm Cassidy."

"Nice to meet you.
See you around"

Nginitian ko na lang siya at naisip ko na hindi ko natanong ang name niya. Tsk

Sa labas ay nakita ko agad si Tyler na karga si Reese.

Wait. Reese, Reese? Omg. this can't be. That girl? hindi kaya siya si Sabrina?

Kamuka niya si Reese. What's happening to me at hindi ko narecognize agad?

"Jade ok ka lang?"

"H-ha? oo ayos lang"

Ilang oras pa kami nag-gala sa mall at nang mapagod ay umuwi na din, That Sabrina girl I need to see her again. I really hope so.

Scared to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon