Cassidy's POV
Siya na ba ang Mama ko? Gustong-gusto ko siyang mayakap, gustong-gusto ko siyang hawakan. Pero hindi ko magawa, lumaki ako nang walang sama ng loob sakan'ya dahil naniwala ako na may dahilan siya kung bakit niya kami iniwan ni Papa.
"Sky gusto ko siyang mayakap."
"Matatapos din ang lahat
ng 'to."
Pagkatapos ng kwento ni Mama ay iyak ako nang iyak. Nandito ako Ma. Nandito na ako, makakasama na kita ulit kapag natapo ko ang aking misyon.
Umakyat silang lahat sa taas at sumunod kami ni Sky pero naunahan namin sila.
Totoo ba 'to? Bakit..bakit kamukha ni Sky ang nakahiga sa kama? Hindi pwede! Buhay pa ang katawan ni Sky?
"Sky...katawan mo 'yan diba? Ikaw 'yan!"
Nakatulala pa rin si Sky habang nakatingin sa katawan niya.
"Hindi ko alam..a-aray!"
"Sky?! Anong nangyayari?"
"Masyadong malakas! Jade!"
Hinakawan ko maigi ang kamay ni Sky pero napapabitaw na siya.
"Sky!"
Nawala na nang tuluyan si Sky at nabitawan niya na rin ang maliit na jar, bumagsak na ito at tuluyan nang nasira.
Nakita ko na lang na gumising na ang lalaking nakahiga sa kama.
Kay Sky talaga ang katawan na nakahiga? Buhay na siya? Paano ako. Paano ang misyon ko.
Kaya ba mas tumutunog lagi ang hawak ni Sky kapag malapit siya kay Tyler dahil siya ang dahilan nang inaakalang pagkawala ni Sky, at hindi masyadong tumutunog kapag malapit kay Geo dahil siya ang nakakita sa lahat nang nangyari sa noong araw na 'yon?
Unti-unti nang nabibigyan ng kasagutan ang mga bagay na punong-puno nang katanungan dati.
"Kysler?!"
Narinig kong sigaw ni Drake.
Kysler?! No way, patay na ang kuya ni Tyler, hindi ba kapangalan lang? Pero hindi ko pa nakikita ang itsura ni Kysler, pero sila Drake kilala nila si Kysler. Totoo ba ang lahat ng 'to? Paano? Paanong buhay si Kysler?
"Kilala mo siya Marlo?"
Tanong ni Mama kay Drake.
"K-kapatid po siya ng isa pa naming kaibigan."
"Omg. Is this real? Kysler? Hindi ba kamukha lang ni Kysler? Pero ikaw na ikaw talaga!"
Tugon ni Clei.
May dumating naman na doktor dito sa bahay.
" 'Wag po muna natin biglain ang pasyente, let's wait for him to slowly recover and get himself back. We need to do some therapies, he's been in a coma for 4 years. Good thing is mabilis naging conscious ang katawan niya."
Tulala lang si Sky, este Kysler.
"Hijo, can you hear me? Do you know your name?"
Tumango naman si Kysler,
"Ak-ako si Kysler."
Siya nga si Kysler! Habang pagala-gala lang kami hindi niya naaalala kung sino siya, dahil inalis ang alaala niya pero ngayong nakabalik na siya sa katawan niya, nanumbalik na lahat. Kilala niya pa kaya ako? Nakikita niya kaya ako?
Tumalon ako at kumaway-kaway sa 'di kalayuan sa pwesto niya. Laking gulat ko nang mapatingin siya sa'kin nagtama ang mga mata namin.
"S-sino siya?"
Pabulong na sabi ni Kysler. Nakikita niya ako? Nakikita niya ako! Teka, hindi ako nakikilala ni Kysler?
"Sinong tinuturo mo
Kysler? Sinong siya?"
Gulong-gulong tanong ni Drake habang tumitingin sa pwesto ko pero walang nakakakita sa'kin bukod kay Ksyler.
"It's normal, dahil sa tagal ay naninibago siya sa mga nakikita niya, so far ay okay lahat ng vital signs ni.. Kysler right? Magpalakas ka and we will do some therapies for you."
"Thank you po, Doc."
Sabay hatid ng Mom ni Drake sa doktor papunta sa labas.
"Tita Cara, naguguluhan po ako, paano po napunta dito si Kysler? Ang buong akala po namin ay wala na siya."
Ngayong buhay si Kysler, walang kasalanan si Tyler, makakalaya na siya. Sobra akong natutuwa sa mga nangyayari pero ito pa rin ako hindi nila nakikita. Nandito pa rin sila sa kwarto ni Kysler.
"Isang gabi, sobrang lakas ng ulan, hinahanap ko nun si Javier pero nabigo ako sa paghahanap, habang pauwi ako ay may lalaki akong nakita sa gitna ng kalsada, wala na siyang malay, dinala ko muna siya sa bahay at bumalik ako ulit sa lugar kung saan ko siya nakita, pinatignan ko rin sa cctv ang nangyari, nasagasaan siya kaya na coma. Dito na lang namin pinagpatuloy ang
pag-aalaga sakan'ya dahil ang tingin ko'y mas magiging komportable siya dito sa bahay at mas marami kaming mag-aalaga habang hinihintay siyang magising. But from time to time may nag r-rounds na doctors and nurses."
Tinignan ko si Kysler, nagpapahinga ulit siya at tulog nanaman.
"S-sino ka?"
Bigla namang tanong ni Kysler sa'kin. Nakikita pa rin ba niya talaga ako?
"A-ako?"
Sabay turo sa sarili ko.
"Oo, ikaw."
Grabe, si Sky nga talaga kausap ko ang tipid lagi sumagot.
"Nakikita mo ako?"
Nagbubulungan lang kami dito ni Kysler.
"Oo, tsaka ikaw lang ang nandito sa tabi ko."
Tinignan ko ulit ang paligid, lahat sila ay nasa couch dito sa kwarto.
"Sorry naman. Teka! Hindi mo ba ako naaalala? Ako 'to si Jade! Lagi tayong magkasama 'no."
"Hindi ko maalala."
Kailangan din ba niyang maalala ako para manumbalik ako sa dati kong buhay? Kagaya nang ginawa niya sa'kin naniwala ako sakan'ya kaya nakita ko na nang tuluyan ako itsura niya.
"Nakikita mo ba maigi kung anong itsura ko?"
"Hindi."
"Look, kailangan mong maniwala sa'kin, hindi ako nakikita ng ibang tao ikaw lang ang nakakakita sa'kin ngayon. Kailangan mong maniwala na...ako ang
iyong anghel."
Ginaya ko lang ang sinabi niya sa'kin dati. Habang sila Drake ay busy pa rin sa
pag-uusap.
"Talaga? Hindi ka nila nakikita? Teka, ano? Anghel?"
"Kysler, hijo gising ka na pala ulit, kumusta ang pakiramdam mo?
Ahm, Ako nga pala si Cara but you can call me Tita Cara, this is Amara my cousin, this is Jhann his husband, this is Drake and Clei, hijo siguro ako ay hindi mo kilala dahil nakita kita sa kalsada na walang malay habang pauwi ako. Naaksidente ka pala nang gabing 'yon. Pero si Drake and Clei, kaibigan mo sila."
"P-pasensya na po Tita Cara pero hindi ko pa po masyadong maalala lahat."
"Ayos lang 'yun bro, magpahinga ka lang at magpalakas."
Pauwi na sila Drake, sobrang pasasalamat ang nararamdaman ko dahil sa tulong nilang lahat.
"We need to find Cass. I'm very sure matutuwa siya sa ibabalita natin."
"Yes, we need to find her."
Narinig kong pag-uusap ni Drake at Clei.
Hindi na ako sumunod sakanila, kailangan kong mapaniwala si Kysler, upang makabalik ako sa dati
kong buhay.
Bigla kong tinignan ang kamay ni Kysler pero wala na ang hawak niya laging maliit na jar. Bumagsak nga pala ito kanina habang pabalik siya sa katawan niya.
********
A/N: This chapter is dedicated to vista0428 🧡
BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomansaA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)
