Tyler's POV
Nakauwi na ako ngayon dito sa bahay pagkatapos kong ihatid si Jade sa apartment niya.
Matutulog na sana ako nang biglang naka receive ako ng text message.
From: 099*******
Time is ticking.
Hindi ko maintindihan ang sinabi ng sender, wrong send lang siguro. Kaya hindi ko na lang r-replyan.
Cassidy's POV
Kanina ko pa hawak itong picture at paulit-ulit na binabasa ang nakasulat sa likod.
Picture taken April 18,1997
18:26pm, Alabang.Naka military time pa ang pagkakasulat ni Mama,
6:26pm. So this picture was taken after the day I was born.Teka.. hindi namin kami nanirahan sa Alabang dahil sa San Juan, Manila kami tumira dati bago lumipat sa bahay nila Tiya Erlinda. Hindi kaya, sa Alabang nakatira si Mama?
Agad kong tinawagan si Tyler para samahan sana ako sa paghahanap ulit, at sakto naman dahil papunta na siya kahit hindi ko pa sabihin.
"Ginawa mo pa akong thirdwheel, Ty."
Banggit ni Drake dahil isinama rin siya ni Tyler, marami daw kakilala si Drake dito sa Alabang dahil dito nanirahan ang gradparents niya noon bago mag stay sa U.S. for good.
"Kung alam ko lang, sana isinama ko si Clei."
Dagdag pang sabi ni Drake.
"Yieee ikaw ah, si Clei agad naisip mo, pwede naman si Geo."
Pang-aasar ko kay Drake,
napatingin naman ako agad kay Tyler dahil naalala kong may gusto nga pala siya kay Clei kaya nanahimik na lang ako.May gusto pa kaya siya kay Clei?
"Asan nga pala si Geo? Ang tagal nang hindi nagpaparamdam. Haha."
Pag change topic agad ni Tyler.
"Actually, hindi ko rin alam I texted him last night pero walang response. Baka busy sa business nila."
Ilang oras pa at nakatulog na si Drake habang on the way pa rin kami papuntang Alabang, napapansin kong kanina pa nananahimik si Tyler, ano kayang problema nito?
"Bakit?"
"A-ano? Anong bakit?"
"Bakit mo 'ko tinitignan?"
Sabi ni Tyler habang nag d-drive pa rin, nakita niya pala na tinitignan ko siya? >.<
"Ah, wala kanina ka pa kasi tahimik. Hehe."
At tumingin na lang ako sa ibang direction.
"Sa wakas nakarating din sa Alabang."
Sabi ni Drake habang naguunat pa ng katawan. Nandito kami ngayon sa bahay ng grandparents ni Drake. Pero walang ibang nakatira, tanging care taker lang. Ang ganda ng bahay, halatang mayayaman ang nakatira. Sosyal haha!
Nag meryenda muna kami bago magumpisang magtanong-tanong ulit.
Busy naman si Drake sa pag contact ng mga kakilala niyang may mga connections baka sakaling kilala ang nanay ko. Si Tyler naman nagtanong-tanong na rin sa labas ng village, ako naman ito papalabas na ng bahay nila Drake, lakad lang ako nang lakad at nagtatanong sa lahat ng nakakasalubong ko.Nang mapagod kaming tatlo bumalik kami dito sa bahay ng grandparents ni Drake, we decided na dito na magpalipas ng gabi.
*ding dong*
Agad namang tumayo si Drake para tignan kung sino ang nag d-doorbell.
"Warrant of Arrest po para kay Tyler Tuazon."
Narinig naming sabi ng pulis, kaya naman napatayo kami
ni Tyler."Sir, bakit ho kayo may warrant of arrest, a-ano po nangyayari?"
Sunod-sunod kong tanong sa pulis. Naguguluhan ako, alam ba nila? Sinong nagsabi?
Tinignan ko si Tyler pero nananahimik lang siya."Kayo ho ba si Tyler Tuazon? May warrant of arrest po kami para sainyo, sumama na lang po kayo at sa prisinto magpaliwanag."
Nakita kong hindi pumapalag si Tyler at sumama lang siya ng tahimik pero ako pinipigilan ko pa rin sila.
Pinigilan ako ni Drake.
"Sundan na lang natin sila, Cass. Let's go!"
At nagmamadali kaming umalis para sundan ang
mga pulis."D-drake, paano nila nalaman na nandito tayo sainyo?"
Bigla namang napaisip si Drake sa tanong ko.
"Hindi ko rin alam, ang alam ko lang naman na sinabihan ko kung nasaan tayo ay si Geo, dahil gusto ko sana siya sumama saatin maghanap."
Si Geo? May alam ba siya?
BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomanceA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)