12☁

26 3 0
                                    

Cassidy's POV

"Jade ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo diyan"

"I-ikaw lang naniniwala sa multo 'no!"

Tinignan pa ni Tyler kung saan ako nakatingin,

"M-may lalake kasi dito kanina t-tapos bigla na lang nawala"

" 'Di nga?"

"Oo nandyan siya kanina dyan mismo sa kinatatayuan mo"

"Jade ano ba nananakot ka naman eh"

Napatalon siya at nagtago sa likod ko. Haha!

"Duwag ka pala hahaha"

"Tss"

Pagkakain ng umagahan ay naupo na lang kami rito sa salas, walang magawa ang boring. Si Reese ay nakay Sabrina pa rin.

Nag text na lang ako kay Drake para samahan ako sa university.

"Tyler alis muna ako"

"Saan ka pupunta?"

"Basta"

Pagkalabas ko ng gate nanadun yung Daddy ni Tyler.

"Good afternoon po Sir"

"Hello iha, good afternoon, how's Reese?"

"Ah si Reese po.."

Patay anong sasabihin ko? Hindi pa niya alam na Bumalik na si Sabrina,
si Tuler kasi ayaw ipagsabi eh.

"Sir ahm si Reese po kas--"

"Jade naiwan mo 'yung phone mo-- What are you doing here?"

Biglang nainis si Tyler sa presensya ng ama niya.

Binigay sa'kin ni Tyler 'yung phone ko at nagpaalam na'ji sakanila. Malamang
mag-uusap sila.

Nagkita kami ni Drake sa isang resto at dumiretso na kami sa univ.

Hansford University......

Nag-enroll si Drake at ako naman ay nag-take ng exam para sa scholarship.
Kapag naipasa ko 'to baka magenroll na rin ako.
May sapat naman na akong savings for miscellaneous fee.

After ng isang oras.

"Here's the result Ms. Yuzon"

Sana pasado..

Yes! I passed.

"Drake! Drake naka pasa ako"

"Congrats Cass! Ano
mag e-enroll ka na rin ba?"

Tumango ako at sumabay na sakan'ya mag enroll.
Ilang hours pa ay natapos rin kami, grabe ang haba ng pila.

I am now officially a Hansfordian.

Umuwi na rin kami

"Ano 'yan?"

"Ah, uniform."

"Bakit meron ka niyan?"

"Syempre para sa pasukan papasok na'ko"

Nabigla si Tyler nang sabihin ko sakan'ya na mag-aaral
ako sa HU.

"Oh bakit , ano bang
kagulat- gulat dun?"

"W-wala naman, akyat na'ko"

Tumango lang ako at umakyat na rin sa kwarto ko.

"Hi"

Nagsusuklay ako sa harap ng salamin nang biglang may nagsalita, 'di ako pwedeng magkamali, siya 'yung kanina sa labas ng gate.

"Waaah! Sino ka ba?!"

Nakita ko siya na nakalutang  at puting-puti ang suot, pero masyadong malabo ang mukha niya tanging mata lang ang naaaninag ko, then 'yung ibang parte ng mukha niya is somehow blurred.

"Ako ang anghel mo"

"A-anghel ko?! Bakit? Kukunin mo na ba ako may kasalanan ba ako, mamamatay na ba ako? ha?"

Hindi ko talaga mapaliwanag 'yung nararamdaman ko.

"Hindi naman, gusto lang kitang bantayan."

"Bakit?"

"Kasi nga ako ang anghel mo"

Pagkatapos ng sinabi niya na 'yon ay nawala na siya.
Nakakakilabot naman talaga. Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko pero hindi talaga ako nananaginip. Naku naman.
Bumaba na lang ako sa salas baka mamaya bumalik pa siya. Buti na lang at nandun ulit si Tyler.

"Tyler, Tyler, Tyler"

"Oh bakit?"

"Tyler 'yung multo na sinasabi mo dati totoo ba 'yun?"

"Haha 'yun ba? Hindi 'no niloloko lang kita."

"Aba! Anong trip mo kagabi? Pero takot ka sa multo?"

"Medyo" 
sabi niya habang nahihiya pa.

Teka, sabi kanina, angel daw siya.. so hindi siya multo? Magkaiba 'yun diba? Kung angel siya ba't siya nandito sa lupa? May mission  ba siya saakin? Bakit ko siya nakikita? Ay. Ano ba 'tong nangyayari na 'to. Hays.

Umiling na lang ako at dito nagpahinga sa sofa ayoko muna sa kwarto.

*********
A/N:
Disclaimer:
This is a work of fiction.
All characters and events are entirely fictional.

Photos included in this story are not mine. CTTO.

Thanks and Happy Reading!🧡

Scared to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon