Cassidy's POV
"Nasaan si Aling Mildred? Bakit kanina ko pa hindi nakikita."
Tanong ko kay Tyler habang siya naman ay naka-upo sa couch at nakataas pa ang paa sa mini table at nagbabasa ng dyaryo.
"Tinago ko."
Aish!
"Ano nga kasi!?"
"Sinisigawan mo ba 'ko? amo mo pa rin ako."
"O sige. Nasa'n ba kasi?"
"Secret. No clue."
"Sagutin mo nga ako ng maayos."
"Sige na nga sasabihin ko na, nasa bulsa ko."
"Ewan ko sayo. Kaasar!"
Narinig ko na lang ang malakas na tawa ni Tyler sa sala.
Hilig niya talaga akong asarin araw-araw. Oo hindi na siya "masyadong" masungit. Minsan na lang , mas napapadalas ang pang-aasar niya.
"Reese c'mon take a bath na."
"Fine. Is it okay if I will be the one to choose my dress?"
"Oo naman."
Habang pinapaliguan ko si Reese sobrang likot niya talaga at binabasa niya rin ako para daw sabay kami maligo. Hayyy.
"Am I look like a princess?"
tanong niya saakin habang nagpapacute pa. Haha!
"You always look like a princess!"
"Really?"
"Yes! Ah, Reese do you know where yaya Mildred is?"
"Papa said, she's on her day off and I don't know what that means."
Talaga naman 'yung Tyler na 'yon. 'Di pa sinabi na day off pala ni Aling Mildred.
"Jade. Tutal wala si yaya ikaw na lang maglinis ng bahay. "
"Ano? hindi yun kasama sa trabaho ko 'no."
"Nagrereklamo ka?"
Wala akong nagawa kundi maglinis ng buong bahay. Pagod na pagod na'ko. Ito namang si Tyler nangungulit pa.
"Tapos na po SIR"
"Good. Umupo ka rito"
Habang sumesenyas yung kamay na umupo din sa couch.
"oh bakit naman?"
"Mag-uusap tayo."
"Tungkol saan?"
"Wala ka bang pamilya?" tanong agad ni tyler.
"Wala."
"Magulang mo?
kamag-anak, kaibigan, wala?""Papa ko wala na. Tiyahin ko ang nagpalaki sa'kin.Mama ko naman hindi ko pa nakikita, kaibigan? onti lang dun sa probinsya namin pero mga hindi ko din ka-close"
"Sorry about your father."
"wala 'yun.. ayos langz"
"Kapatid?"
"Wala akong kapatid."
Biglang nag change ang mood niya at hindi na nagtanong pa tungkol sa'kin.
"Nagugutom na'ko magluto ka na."
Sabi ni Tyler habang hinihimas pa ang tiyan.
Luto? 'di ako marunong.
"Ah eh, ano 'di ako marunong."
BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomanceA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)