20☁️

4 2 0
                                        

Cassidy's POV

Tanghali na ako nagising at sa isang araw na pala ang start ng classes! Naglinis ako ng bahay at inihanda ang mga gagamitin ko bukas.

"Hi."

"Sky! Long time no see!"

Pangaasar ko sakan'ya.

"Nakikita kita pero hindi mo ako nakikita."

Palagi na lang 'tong may sagot.

Abala pa rin ako sa pag-aayos ng gamit.

"Bakit ba laging ang bilis mo mawala?"

"Lagi lamang limitado ang aking oras sa tuwing magpapakita ako sa'yo."

"Astig ah! Para kang alien Sk
- -"

As usual. Nawala nanaman po siya. -.-

After lunch, nagkita na ulit kami ni Tyler para hanapin ang nanay ko.

Teka, malamang ang buong pangalan niya ay Cara Arevallo dahil iyon ang aking middle name!

Sinabi ko agad ito kay Tyler para pangdagdag sa informations namin. Kung saan-saan kami napadpad at tanong nang tanong kahit saan. Pero wala, hays.

Nagpahinga muna kami ni Tyler at kumakain kami ngayon dito sa isang resto, sobrang gutom na gutom na kami pero hindi ko magawang kumain ng madami dahil hindi ako mapakali gusto ko ng mahanap si Mama.

Bumalik na ulit kami sa paghahanap pero nag gagabi na, at pagod na rin kami. Habang on the way na kami sa apartment ko, tinignan ko ulit ang picture naming tatlo, inilapit ko pa ito maigi sa mukha ko pero medyo burado na talaga ang itsura ni Mama.

*beeeeep!*

Malakas na busina ni Tyler sabay preno ng malakas.
May mabilis na kotseng nagpaharurot at muntik na kaming masagi. Buti na lang at walang nangyaring masama sa'min.

Nabitawan ko ang picture na hawak ko, kinapa-kapa ko ito sa ilalim ng inuupuan ko, pabaliktad ko itong nakuha, at nakita ko ang likod ng picture, may sulat pala ito..bakit hindi ko naisipan dati na tignan ang likod ng picture na 'to? Lagi lang nakaipit sa picture side ng wallet ko. Ngayon ko lang ito tinanggal para tignan ng malapitan.

Scared to DeathMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon