2☁

35 3 0
                                        

Cassidy's POV

"Sino nagpasok sa'yo dito para magtrabaho?!" tanong sakin nung masungit.

Sino nga ba? Sino nga ulit 'yun. Ah! alam ko na nakita ko name niya sa table.

"Si ahm.. Mr. Tyson Tuazon"

"Right! That old man!"

Aba! bastos to ah.

"At bakit naman!?"

"Siya lang naman ang walang kwenta kong tatay."

Sabay talikod sakin at umakyat na ng hagdan.
Bakit ba siya galit dun? Pero hindi lang 'yun eh lagi siyang galit, masungit at parang galit sa mundo. Ano kayang problema niya?

"Hi are you ate Cassy?"

bungad sakin ng cute
cute na bata.

"Hi Reese right?"

"Yes! Hihi!"

Ayun nga dahil ang trabaho ko ay mag-alaga ng bata ay naglaro kami maghapon at mabilis ko naman siyang nakasundo. Super kulit nya at buti na lang hindi sya nagmana sa tatay niyang masungit.

"Ah Reese, where is you're mom? "

Tanong ko habang sinusuklayan ko siya ng buhok.

"She's in far far awaaaaaay, papa said"

Parang may kumurot sa puso ko dahil hindi sya nakaramdam ng pag-aalaga at pagmamahal ng ina.

"Did you already see her?"

"Ah-ah not yet ,papa said she left me when I was still a baby"

Bakit ba kailangang may inang ganun? Pero, lahat ng bagay may dahilan.
Napagod na siguro siya kaya naman nanood na lang kami ng tv sa salas at nakasandal siya sa'kin.

"Hinaan mo nga 'yan baka mabingi yung bata."
sabi nung tatay na masungit.

"Oo na tss."

Binalik niya na lang ulit ang atensyon niya sa pagbabasa ng dyaryo at uminom ng kape. Lakas maka ama talaga ha! Hahaha.

Pagsapit ng gabi ay
sabay-sabay na kaming kumain, as expected ako ang nagpapakain kay Reese.

"Ayusin mo ang kalat na oh andami ng kanin na nakakalat tsk"

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at patuloy lang sa pagpapakain kay Reese.

Gabing-gabi na, hindi pa rin ako inaantok kaya naman nagpunta muna ako sa terrace para magpahangin.

"Ba't ka nandito?"

Si Sungit pala!

"Ah! kagulat ka naman"

"Tss. Bakit hindi ka pa natutulog? maaga ka pa gigising bukas"

"nagpapahangin lang muna saglit, eh ikaw ba?"

"Wala kang pakialam"

"Bakit ba ang sungit mo? ano bang problem mo sakin?"

"Ewan ko. Wala wala"

"Pwede ba kahit ngayon lang 'wag ka muna magsungit. Ahm, ano nga palang pangalan mo?"

Tinignan niya lang ako at tumingin na sa baba habang nakasandal.

"Ikaw ano pangalan mo?"

Tanong niya habang nakatingin pa rin sa baba.
Ano bang meron dun? Hahaha. Char

Ay teka, Ako unang nagtanong ah. Aba ang hinhin ah, pwede naman pala siya hindi magsungit.

"Cassidy"

"Full name"

Augh. -.-

"Cassidy Jade Pamintuan."

"Panget naman"

"Wow hiya naman ako sa'yo, ano ba pangalan mo?"

"Tyler Drew Tuazon"

"Eh? panget din naman hahaha"

Totoo ba 'to? Ngumiti siya. ngumiti talaga siya.

"Ngumiti ka...."

"Tss."
At bumalik nanaman sa pagsusungit!

"Nga pala, ilang taon ka nung nagkaroon ka ng anak? si Reese"

"patawa ka talaga hahaha natatawa ako kapag sinasabi mong may anak ako hahahaha"

Baliw 'to.

"Ano nga? bakit ba. hindi ko maintindihan"

"Alam mo Jade, si Rees--"

"Eww Jade ayoko nun "

"Bahala ka 'yun ang itatawag ko sa'yo, Alam mo kasi JADE si Reese hindi ko siya anak, anak siya ng--"

"Hala! ampon siya?"

"teka lang kasi! Si Reese anak ng kapatid ko, kaso nga lang....hay! mahabang kwento, saka na lang tinatamad na'ko tsaka inaantok na rin"

At naglakad na siya papunta sa taas. Ganun na lang yon? bibitinin niya 'ko sa kwento. Ugh. What a day.

Scared to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon