Cassidy's POV
"Hey Cass, are you aready?"
"ready for what?"
"you know..start na ng class mo next week. June 8 right?"
"Ow yeah, onga pala.."
"kasama mo naman si Drake diba?"
"Yup!"
"Can I ask you a favor?"
"Sure! ano 'yun?"
"Can you please keep an eye on Drake for me, please?"
Nag puppy eyes pa si Clei. Haha!
"Okay! okay, I will..pero bakit naman?"
"baka mamaya may girls na umaaligid sa ultimate crush ko, kalbuhin ko sila."
At nagtawanan kaming dalawa.
Oo tama kayo magkasama nanaman kami ni Clei dito sa apartment ko. Close na nga kasi kami. Haha!
Ilang oras pa ay umalis na rin si Clei kasi may family dinner daw sila.
Haaaaay, June 1 na tapos na ang summer. Pero 'di pa rin kami okay ni Tyler.
Naglakad-lakad muna ako sa labas kasi naman sobrang nakakainip talaga sa bahay.
*riiiing* *riiiiing*
"Hello Aling Mildred bakit po kayo napatawag?"
"Cassy si Tyler hindi na lumalabas ng kwarto, nag-aalala na kami sakan'ya."
"Sige po papunta na po ako."
agad-agad akong pumunta sa bahay ni Tyler.
Inabangan ako ni Aling Mildred at sabay kaming umakyat sa kwarto ni Tyler, tinatawag pa rin namin siya pero wala talaga. Pumasok ako sa dati kong kwarto at dumaan sa terrace, magkadugtong lang kasi ang terrace namin..bukas naman ang pinto sa terrace niya kaya nakapasok ako.
"Tyler! Tyler!"
"Tsk. Ano ba natutulog ang tao ang ingay niyo."
nagtakip siya ng unan at tinalikuran ako.
"Nag-aalala lang naman kami sa'yo, baka mamaya kung ano na nangyari. "
"Umalis ka na 'di kita kailangan."
"Ty, galit ka pa rin sa'kin kahit hindi ako ang gumawa nun?"
"Bakit sa tingin mo ba sino pa ang ibang gagawa nun? Multo?"
"Hindi nga kasi ako 'yun, may lalaki na naki-text sa'kin..tapos hindi ko na hinawakan ulit ang phone ko, uminom ako tyler pero hindi ako lasing ng mga oras na 'yon. Tapos bigla-bigla ka na lang lumapit sa'kin at sinigawan ako."
"Reasons, naki-text lang naman pala sa'yo eh, kung hindi ikaw ang nag-text nun bakit parang sa message may alam 'yung tao? Ikaw lang naman ang may alam ng bagay na 'yon."
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala, basta sinisigurado ko na hindi talaga ako 'yun. Kung totoo 'yung sinasabi mo sakin na may tiwala ka, magtitiwala ka talaga sa'kin at maniniwala ka sa mga sinasabi ko."
Lumabas na'ko ng kwarto niya at nagpaalam na kay Aling Mildred.
*Boog*
"Sorry Miss, I'm sorry"
"ok lang "
"Cassy? "
"Sabrina?"
sabay na sabi namin,
"Bakit ka umiiyak Sabrina?"
"Cassy may nagsabi saakin na may alam si Tyler sa totoong nangyari kay Kysler, bakit hindi niya sinabi sa'kin"
Umiyak nanaman siya at yumakap sakin. P-paano niya nalaman?
"P-paano?"
"Someone called me and sinabi na may alam si Tyler about it."
Hindi kaya 'yung guy na tumawag sakanya at saakin pati 'yung nakitext ay iisa?
Who is He?!
Anong balak niya?
BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomanceA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)
