Drake's POV
On the way na kami ngayon papunta kay Tita Cara, I'm with my parents and Clei.
Huminto kami sa isang malaking bahay.
*ding dong*
"Just a minute!"
Sigaw ng babae mula sa bahay.
"Cara. Kumusta ka na!"
Galak na sabi ni Mom sa kan'yang pinsan.
"Amara! Buti at napadalaw ka ulit dito. Naku! Ito na ba si Marlo?"
Sabay turo sa'kin.
"Oo, siya na nga at ito nga pala ang girlfriend ni Drake, si Clei."
"Hello po, nice to meet you po."
Ang ganda talaga ngumiti ni Clei.
Pumasok na kami sa loob ng bahay at kumakain kami ngayon ng lunch.
"Hindi talaga ako makapaniwala ang bilis ng panahon, binata na si Marlo maliit pa lamang siya noon nung dinala mo siya sa Alabang. Ngayon ay may girlfriend na rin. Haha!"
"Dinadaig na ang mga moves ko sa girls!"
Biro naman ni Dad.
"Ikaw talaga John, palabiro ka pa rin! Haha!"
Idk, pero may resemblance sila ni Cass kapag ngumingiti at tumatawa.
"Tita Cara, may anak din po ba kayo?"
Napahinto naman si Tita Cara sa pag kain at nabitawan ang kubyertos.
"Drake, we can talk about it after eating."
"Amara it's okay."
Ngumiti naman siya.
"M-meron akong anak."
"Nasaan na po siya? Babae po ba or lalaki?"
Sunod-sunod kong tanong kay Tita Cara.
"Drake."
Mahinahong awat sa'kin ni Mom. Gusto ko nang matapos ito dahil nag-aalala na kami sa biglaang pagkawala ni Cass.
Tinapos muna namin kumain ng lunch at andito kami ngayon sa sala.
"Ang totoo niyan Cara, kaya rin kami napapunta dito ay may tinutulungan si Drake na kaibigan pero hindi namin nakasama dito."
Mahinahong sabi ni Mom habang hawak ang kamay ni Tita Cara.
"T-tungkol saan?"
"Kilala niyo po ba itong baby sa picture?"
Sabay abot ko ng picture.
Pagkakuha ni Tita Cara ng picture bigla naman siyang napaluha at hinawakan ito nang mahigpit.
"S-saan..saan mo nakuha 'to?"
Maluha-luhang tanong sa'kin ni Tita Cara.
"Sa kaibigan po namin 'yan na gusto naming tulungan
ni Drake."
"Tita Cara, kayo po ang nasa picture?"
Hindi pinansin ni Tita Cara ang tanong ko, sinagot niya ng isa pang tanong ang tanong ko.
"A-anong pangalan niya?"
Parang sinusubukan lang alamin ni Tita Cara na ang babanggitin naming pangalan ay si..
"Si Cassy po."
Biglang sabi ni Clei.
"Cassy?"
"Cassidy Jade Pamintuan po."
Deretsong sabi ko kay
Tita Cara.
"S-siya nga itong anak ko. Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."
"Bakit po bigla niyo na lang po iniwan ang pamilya ninyo?"
"Ma-mahirap din para sa'kin na iwan sila ni Javier, ang aking asawa at aking anak na si Cassidy. Alam kong simula pa lang ay mali na ang gagawin ko pero kailangan ko silang iligtas dahil nagalit ang mga magulang ko nang malaman nilang mabuntis ako at magpakasal pagkatapos pa lamang ng aking pag-aaral. Nahirapan kami ni Javier, may trabaho siya pero hindi sapat para saamin. Nagkasakit ng malala si Cassidy, kaya humingi ako ng tulong sa'king mga magulang. Kapalit nito ay iiwan ko sila, dahil kilala ang aming pamilya, nadungisan ko ang reputasyon ng aming pamilya. Kuha ang picture na ito sa Alabang sa bahay namin dati, kung saan pinakilala ko si Javier at ang aming anak, pero hindi natanggap ni Dad ang mga desisyon ko, tanging si Mom lang ang kakampi ko pero wala kaming nagawa. Alam kong mali lahat nang nagawa ko, inuna kong mag pakaanak sa'king mga magulang, bago maging ina at asawa sa'king pamilya. Pagkatapos nang lahat, hinanap ko ang pamilya ko pero hindi ko pa rin makita si Javier."
Paliwanag ni Tita Cara habang iyak pa rin nang iyak.
"Cara...alam kong mahirap, pero panahon na para bumasi ka sa'yong anak."
"Oo Amara, alam ko...nasaan siya ngayon? Gusto ko siyang makita."
"Hindi po namin mak- -"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may nagsalita na kasama dito ni Tita Cara dito sa bahay.
"Ma'am Cara! Gumalaw po ang daliri ni Sir!"
"Sir?"
Sabay-sabay naming tanong kay Tita Cara.
"Sandali titignan ko lang siya."
Dahil sa curiosity ay sinundan namin siya paakyat sa taas.
Laking gulat ko nang makita ko ang Sir na tinutukoy kanina. Seryoso ba 'to? Imposible! Totoo ba 'to?
BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomansaA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)
