11☁

40 3 0
                                    

Cassidy's POV

Kasama ko ngayon si Drake sa mall, nag-aya kasi siya eh. Wala rin naman akong magawa sa bahay kasi umalis si Tyler at si Reese naman nakay Sabrina.

"Hindi ka na ba mag-aaral ulit?"

tanong ni Drake habang kumakain ng fries.

"Mag-aaral, hindi ko pa kasi alam kung saang univ. atsaka nagiipon pa ako ng pang tuition ko :)"

"This school year 4th yr. college pa lang ako, baka gusto mo dun ka na lang mag-aral sa univ. na pinapasukan ko"

Yeah. Mas matanda ako kay Drake ng one year, hays sana tapos na ako ngayong taon na 'to kaso pinalayas ako samin. Kung 'di lang ako nag stop nakatapos na 'ko.

"Ahm, sige try ko baka kumuha na lang ako ng scholarship, salamat."

"Okay, samahan kita kung gusto mo para naman
ma-tour din kita sa campus"

"Same tayong 4th yr, ano bang program kinuha mo?"

"BSIT"

"Ako rin!"
He said with amusement.

Tumango ako at kumuha ng fries na kinakain n'ya,

"Drake, alam mo ba kung anong nangyari sa kapatid ni Tyler?"

I'm just trying to know
kung may clue siya.

"Kysler? Well...nabalitaan ko na lang na wala na siya then nawala si Tyler for about a month, hinanap namin siya pero 'yun pala nagpakalayo layo at nag unwind.. siguro kasi hindi niya matanggap pagkawala ng kuya niya"

"Matagal mo na bang kakilala si Tyler?"

"Since high school,
teka bakit mo pala biglang na'tanong?"

"W-wala, sige ibang topic na lang, may girlfriend ka ba ngayon?"

"Wala. Gusto mo ikaw
na lang?"
Hinampas ko si Drake at ang lakas nang tawa ng loko.

"Seryoso nga Drake kasi, meron ba?"

"Wala nga, eh ikaw may boyfriend ka?"

"Wala na kami"

"Ow sorry 'bout that"

"Wala 'yun.. alam mo kasi napapansin ko sa sarili ko ang bilis kong ma-fall hindi ko alam kung bakit."

"Wait..don't tell me you like me na?"

"Ang hangin mo!"

Nahampas ko nanaman tuloy siya, hilig akong asarin parang si Tyler. Haha!

"Pa'nong mabilis mo
ma-fall?"

" 'Pag nakasama ko ng matagal tapos, ewan ko basta hindi ko maexplain"

Parang kay Tyler ang bilis kong nagkagusto wala pang kalahati ng kwento namin nahulog na'ko agad. Baka naman infatuation lang?
Baka nga. Kasi hindi naman masyadong deep pa 'tong nararamdaman ko eh. Siguro nga infatuation lang.

"Cassy, sorry but I need to go may emergency kasi sa bahay hahatid na lang kita sainyo."

"Thanks but no thanks, iwan mo na lang ako dito puntahan mo nalang yung emergency sainyo.. wala naman kasi akong gagawin sa bahay"

"Are you sure?"

Tumango ako at ngumiti sakan'ya tapos umalis na rin siya agad.
Makapaglakad-lakad na nga lang.

Wait. Teka. Lumakad ako patalikod

Tyler?!

He's with Clei? Nandito sila sa isang resto sa mall.

Ang lakas ng tibok ng puso ko.. Augh. Ano ba 'to?
I hate this kind of feeling.

Am I , j-jealous?
No way, hindi pwede.

Umalis na 'ko dun hindi ko na keri. Hayaan na nga tss.
Kaya pala umalis siya ng bahay -.-

Mga hapon ay umuwi na rin ako sa bahay, pagdating ko nandun na si Tyler.

"Saan ka galing?"
Sabi ni Tyler

"Sa mall"

"Ikaw lang mag-isa?"

"I'm with Drake."

"You guys are dating?
Wow! Good for you."

Good for me? Akala ko pa naman magseselos siya.
Ano ulit Cassidy? Wala.

Wala, sino ba naman ako para...para. Hayyy,
Tigil na nga.

*********

"Jade! Jade! Jade!"

Ano ba mtong lalaking 'to, alas dose na ng madaling araw.

"Ano ba 'yun Tyler? 'Wag ka nga maingay diyan."

"Jade! Jade may multo."

Tapos nagtatatakbo siya sa kwarto ko at humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Hoy umayos ka nga, walang multo dito para kang bata!"

"Meron nga! bumukas ng kusa 'yung cabinet ko!"

"Imagination mo lang 'yan tss"

"Jade patulugin mo na kasi ako dito sige na, just for tonight."

Nakatalukbong pa rin siya
ng kumot.

"Hindi"

"Jaaaaaade please?"

"Sige diyan ka sa lapag"

"What?!"

"Oh bakit?"

"Hoy parte pa rin 'to ng bahay ko, kung gusto mo sa lapag ka!"

Grabe 'to ah.

"Tss. Tabi nga umusog
ka dun"

Tabi kami pero may
unan sa gitna.

"Ang sikip" reklamo ko

"Taba mo kasi"

"Hindi kaya ako mataba! tsk"

"Jade why am i feeling this?"

"A-ang alin?"

Palapit nang palapit sa'kin 'yung mukha ni Tyler.

"Parang may something akong nararamdaman...parang gusto kong...."

"Waaah! Stop it Tyler it's
not funny"

"What? I'm just going to tell you na parang gusto kong mag-aircon ang init dito sa room mo. Naiinitan ako!"

Tumayo siya at binuksan ang aircon.

Pagkagising ko ang lapit ng mukha niya sa'kin, ang ganda ng lips niya. Nagblush ako nang bigla kong maalala nung kiniss ako ni Tyler.

Haaaay. Ang aga-aga Cassidy! Kung anu-anong iniisip mo >.<

Bumangon na'ko at pumunta sa kitchen, tulog pa rin si Tyler.

"Iha nakita mo ba si sir Tyler? Bukas kasi pinto ng kwarto niya at wala siya dun."

"K-kasi nandon po s-sa kwarto ko"

"Ano?! Bakit? Tabi ba kayo natulog?"

"H-ha? A-ah opo eh "

napakamot na lang ako
sa ulo.

"Kasi po parang bata si Tyler kaninang madaling araw, may multo daw sa kwarto niya"

"Ay naku 'yaan na, pakidala na lang 'to iha sa labas ha. Parating na  kasi 'yung kukuha ng basura
maya-maya"
Iniabot sa'kin ni Aling Mildred 'yung garbage bag.

"Sige po"

Pagdating ko sa labas ng gate binaba ko na 'yung hawak ko.

"Hi"

"Ah! Sino ka?!"

"...." hindi siya nagsalita, ngumiti lang at umalis na agad.

Sinundan ko siya pero wala na agad. Ang weird naman.

Scared to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon