26☁️

2 1 0
                                        


Cassidy's POV

Patuloy na nagpapagaling si Tyler sa kanyang sakit. Natutuwa ako na unti-unti na siyang nakaka recover at lumalaban.

"Sky ang ingay naman niyang hawak mo."

*chimes*

"Muli kong pinuntahan kung nasaan si Geo, pero hind ito paulit-ulit tumunog tanging sakan'ya lamang."

Sabay tingin kay Tyler.

"Ano? Talaga? Ang ibig sabihin ba nito na siya ang kailangan mo sa misyong ito?"

"Oo."

"A-ah! Anong nangyayari sa'kin?"

Patuloy ni Sky.

"B-bakit? Akala ko ba ay wala kang nararamdaman?"

"H-hindi ko rin alam, parang may humuhugot sa'kin."

Kumalma na si Sky nang
tumigil ang nararamdaman niya. Anong nagyayari sakan'ya?

"Nasaan ba si Cass? It's been days hindi natin siya nakikita."

Narinig kong sabi ni Drake habang kausap si Clei. Nandito rin pala sila para dalawin si Tyler.

"Nandito ako.."

Pinilit ko silang hawakan pero hindi ko magawa. Bakit si Sky kaya akong hawakan?

"Pinuntahan ko rin si Cassy sa apartment pero walang tao dun, baka naghanap na siya mag-isa? Hays. Sana nagsabi siya sa'tin, nag-aalala ako for her."

"Nakausap ko na si Mom, ibabalita ko sana sakaniya na may kakilalang Cara Arevallo ang Mom ko."

Nabuhayan ako sa sinabi ni Drake, alam kong wala na ako pero bigla akong sumigla sa sinabi niya kailangan ko laging sundan si Drake.

Sumunod ako kay Drake, at nakauwi na ang parents niya from New Zealand.

"Hijo, ang kakilala kong Cara ay ang pinsan ko pero nandito rin siya sa Manila."

Patuloy lang akong nakikinig sa sinasabi ng Mom ni Drake.

"May anak po ba siya na babae?"

Tanong ni Drake.

"Actually, I don't know much about her dahil it's been almost a decade simula nung hindi kami nagkita."

Nalungkot naman si Drake.

"Bakit hijo? Ano ba ang kailangan mo kay Cara?"

"I'm just helping a friend."

"Sinong friend? If you really want to know the further details, we can go to your Tita Cara tomorrow. Bakit hindi natin isama ang friend mo?"

"I'll try to call her, hindi ko na rin siya nakikita since then,
ang weird."

**********
Drake's POV

Tawag ako nang tawag kay Cass pero hindi siya sumasagot. Kailangan ko siyang makausap about sa biological mother niya, at sana ang hinahanap naming Cara Arevallo ay ang pinsan nga ni Mommy.

"Clei, hindi pa rin sumasagot si Cass."

"Puntahan na lang natin siya sa apartment."

Kausap ko ngayon sa phone sa Clei.

Sinundo ko siya sakanila at nandito na kami ngayon sa apartment ni Cass.

"Walang tao?"

Sabi ni Clei.

"Cass! Cassidy!"

Sigaw ko, kasi baka tulog lang siya.

"Si Clei and Drake ito."

Pinihit ko ang doorknob sakto namang bukas ito. Teka, bakit hindi siya nag l-lock?

"Wala talagang tao Drake. Nasaan ba si Cass?"

********
Cassidy's POV

Pilit nila akong tinatawag pero nandito lang ako pero hindi ako nakikita. Gusto kong sabihin na kasama pa rin nila ako.

"Kailangan ko 'yung picture na pinakita sa'tin ni Cass dati sa canteen, 'yung nasa wallet niya."

"Oh! I remember that. Hanapin natin."

Teka, wala na 'yun sa wallet ko, nandito 'yun sa kwarto ko kailangan ko maituro sakanila. Paano ba? Kailangan ko magawa 'yung ginagawa ni Sky!

"If naghahanap mag-isa si Cass, tutulungan ko pa rin siya. Gagawin ko 'to, hahanapin ko ang biological mother niya."

"I will support you, Drake."

At patuloy na silang naghanap habang ako ay nag-iisip ng paraan paano ko maituturo na nasa bedside table ko ang picture.

"Ito! Wallet 'to ni Cass!"

Sabay bukas ni Clei sa wallet ko.

"Cass! Wherever you are, hindi kami nagnanakaw ha! We're just trying to help."

Sigaw ni Clei at natatawa naman si Drake.

"Wala 'yung picture dito!"

Habang kinalkal pa rin ni Clei ang wallet ko.

"I guess, we have no other choice kundi tignan sa kwarto niya ang iba pang gamit."

Sabi ni Drake kay Clei.

"Sige, tama!"

Nasa bedside table ko ang picture na nasa ilalim ng libro. Kailangan ko matulak ang libro para mapalingon sila dito. Pilit kong hinahawakan ang libro pero hindi ko pa rin kayang hawakan. Naiinis na naiiyak na ako ngayon.

" 'Wag mo idaan sa inis. Isipin mo na gustong-gusto mo itong hawakan na hindi mabigat ang iyong loob."

"Sky? Sky! Ikaw na lang ang mag alis nitong libro tutal nahahawakan mo diba?"

"Kailangan mo rin matutunan. Subukan mo ulit."

"Pumikit ka at ramdamin mo ang gusto mong gawin."

Paulit-ulit kong ginawa ang sinabi ni Sky, at sa huling pagkakataon, nagawa ko nang alisin ang libro.

"Haha! Sky! Nagawa ko na nagawa ko rin sa wakas!"

Nakita ko namang nagkatinginan si Clei at Drake.

"May tao ba diyan?"

Sigaw ni Clei.

Lumapit naman si Drake sa pwesto nang nahulog na libro.

"C-Clei, ito 'yung picture."

"Ayan nga 'yun! Kailangan mo madala 'yan madala bukas sa Tita Cara mo."

"Sumama ka sa'min Clei."

Umalis na sila Drake at Clei na may halong pagtataka paano nahulog ang libro pero hindi na nila ito pinagaksayahan pa ng oras. Ang importante ay nakita na nila ang picture. Sobrang saya ko at nakatagpo ako ng mga tunay na kaibigan gaya nila Tyler, Drake at Clei.

Scared to DeathMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon