Cassidy' POVKatatapos lang ng theraphy ni Kysler, tuloy-tuloy ang pag galing niya kasabay nang pagpapagaling ni Tyler, pinuntahan ko siya nung nakaraan. Masaya rin pala maging ganito ang bilis makapunta lugar na gustong puntahan.
Nagpapahinga ngayon si Kysler at malapit na rin mag 5pm.
"Hi."
"Jade."
Oo, sinabi ko kay Kysler na Jade ang itawag sa'kin.
"Pamilyar ah! Ganitong-ganito eksena natin lagi kapag nagpapakita ka sa'kin dati."
"Haha! Hindi pa rin ako makapaniwala na naging katulad kita?"
"Hoy Kysler! Nauna ka kaya, tinupad mo lang ang isang kahilingan ko kaya naging kagaya kita, nung una ikaw lang ang may misyon, pero nauna mo nang matapos ang sa'yo."
"Teka, bakit naaaninag ko na ang itsura mo, dati hindi?"
"Talaga?! Ibig sabihin niyan unti-unti ka nang naniniwala sa'kin!"
"Gano'n ba 'yun?"
"Oo. Sabi mo sa'kin."
*knock knock*
"Kysler, hijo may bisita ka sa baba."
"Susunod po ako Tita Cara."
At ngumiti siya sa Mama ko.
Ayokong sabihin kay Kysler na siya ang biological mother ko. Dahil gusto ko 'yung nakikita niya na ako kapag tinuro ako ni Kysler.
Sumabay ako sa pagbaba ni Kysler. Si Mr. Tyson, Sabrina, Reese, Drake at Clei ang bisita ni Kysler. Si Tyler na lang ang kulang at ako...
Nagulat silang lahat pagkakita kay Kysler ito ang unang beses na bumisita sila kay Kysler matapos sabihin ni Drake na buhay siya.
"K-Kysler anak..."
Maluhaluhang sabi ni Mr. Tyson, tears of joy.
"Tita Cara.."
Nagaalangang lumapit si Kysler sa dad niya. Marahil ay hindi pa niya maalala
nang lubos."Huy ano ka ba! Daddy mo 'yan siya si Mr. Tyson Tuazon."
Sabi ko sakaniya at tinignan niya naman ako pero muling binaling ang tingin niya kay Mr. Tyson.
"H-hello po Dad."
"Kysler, nakakaalala ka na?"
Tanong ni Mama kay Kysler.
"Ahm, konti pa lang po."
Sus, pero ang totoo ako ang nagsabi sakaniya. Haha!
"Daddy!"
Sigaw ni Reese kay Kysler at sabay yakap. Masaya ako para kay Reese kumpleto na ang pamilya nila.
"Daddy?"
"Anak natin siya Kys, ako
si Sabrina.""Finally! I'm with my real dad now!"
At nagtawanan naman silang lahat.
"Hi, what's your name?"
Tanong ni Kysler habang hawak ang mukha ni Reese.
"My name is Scarlet Thereese, you can call me Reese po. Daddy!"
Masayang sabi ni Reese.
"Maraming salamat Cara, tatanawin kong isang malaking utang na loob ang pag-aalaga mo sa'king anak."
![](https://img.wattpad.com/cover/37033806-288-k318221.jpg)
BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomanceA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)