Cassidy's POV
"Oh picture, picture Insan!"
Sigaw naman ng pinsan
kong si Drake."Hay nako! Ang lakas talaga ng boses mo kahit kailan."
Reklamo ko sakaniya habang tumatawa. Graduation namin ngayon at present ang lahat.
Masaya ko silang pinagmamasdan,
Sina Mama, Tiya Erlinda,
Tyler, Kysler, Sabrina, Reese, Geo, Tito Tyson, Tita Amara and Tito Jhann na parents ni Drake and Tita Karen and Tito Robert na parents naman ni Clei.Yes, nandito si Geo, nagkaayos na sila ni Tyler nung nakaraan.
At kami naman nina Drake, Clei at ako ay graduate na.
"Congratulations."
Bulong naman sa'kin ni Tyler at sabay abot nang bouquet of flowers.
"Thank you."
Sabay ngiti sakan'ya.
And he kissed me on my forehead.
Yes, kami na ni Tyler few months ago.
"Congratulations Jade!"
Yakap sa'kin ni Kysler.
"Thanks, Sky!"
At nagtawanan kaming dalawa.
They congratulated us, at sabay-sabay kaming nag lunch lahat. Pakiramdam ko ay wala na akong mahihiling pa dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon.
"Oh Jade, Drake and Clei."
"Sa company namin kayo magtatrabaho ah. Kinokontrata ko na kayo."
"Yes, Tito! Wooh!"
Sigaw naman ni Drake. Haha!
Nang matapos ay umuwi na rin kaming lahat, nandito pa rin si Tyler sa bahay namin ni Mama.
"Umuwi ka na gagabihin ka pa niyan lalo."
"Salamat Jade, kung hindi dahil sa'yo wala na ako sa mundo ng mga nabubuhay, at ngayon nakakasama pa kita, kayo."
Ngumiti lang ako kay Tyler.
Alam na nang lahat ang nangyari sa'min ni Kysler."Jade, suot mo pa rin pala 'yang kwintas na binigay ko sa'yo."
"Oo naman, never ko 'tong inalis."
"Hindi ka ba nagtataka bakit isang angel wing lang ang pendant?"
"Hmm, syempre nagtaka pero hindi ko na pinsanin, basta bigay mo."
"Oh."
Binigay sa'kin ni Tyler ang isang maliit na box.
"A-ano 'to?"
"Buksan mo na lang."
Tss.
Pagkabukas ko ay bumungad sa'kin ang isang pendant na isa pang angel wing, at napakagandang singsing.
" 'Yan ang kapares nang isang angel wing na suot mo ngayon."
"Eh bakit may singsing?"
"Tss. Alam mo na 'yun Jade."
Masungit nanaman po siya.
"Haha! Hindi naman natin anniv. or monthsary ah?!"
"Jade, will you marry me?"
Natulala naman ako sa
sinabi niya."Nasabi ko na, sagutin mo na lang nang oo o hindi. Gusto kong ibigay sa'yo 'yang kapares ng angel wing kapag tayo na. Sinabay ko na rin ang pag propose."
Pagkatapos niya magsalita ay bigla ko siyang hinalikan na ikinagulat naman niya.
"Yes, Tyler."
At nagyakapan kaming dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/37033806-288-k318221.jpg)
BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomanceA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)