22☁️

7 2 0
                                    

Cassidy's POV

"A-anong nangyayari Cass? Bakit nila hinuli si Tyler?"

Naguguluhang tanong ni Drake habang nagmamaneho.

Sasabihin ko ba? Pagkakatiwalaan ko ba si Drake? Kaso magagalit sa'kin si Tyler. At nagtiwala siya na hindi ko sasabihin kahit kanino.

"H-hindi ko rin alam Drake, tulungan na lang natin si Tyler."

Kailangan managot ni Tyler sa batas pero hindi ko ata kakayaning ilaglag siya.

Pagkarating namin sa police station, agad namin pinuntahan si Tyler. Binabato na siya ng maraming tanong pero nananahimik lang siya.

"Sir magsalita na ho kayo, dahil paparating na ang witness na nag report saamin."

Pamimilit ng pulis kay Tyler.

Si Drake naman ay busy sa kausap niya sa telepono.

"Papunta na sila Ty, don't worry."

Nananahimik pa rin si Tyler, sigurado akong alam niya na kung bakit kami andito ngayon.

"Sinong tinawagan mo?"

Pabulong kong tanong kay Drake.

"Si Sir Tyson at isasama daw niya ang lawyer nila."

Ilang minuto lang ay dumating na ang daddy ni Tyler kasama ang lawyer.

Nakipagusap naman ang lawyer kay Tyler, in private.
Hindi rin malaman ni Sir Tyson ang dahilan kung bakit.

*********

Tyler's POV

Pinipili ko na lang manahimik, dahil alam kong kasalanan ko naman at wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko.
Dumating na ang oras na alam kong mangyayari 'to.

Oras?

*Flashback*
From: 099*******

Time is ticking.

"Sir magsalita na ho kayo,
dahil paparating na rin ang witness na nag report saamin."

*End of Flashback*

Magkaka konekta ba ang lahat ng ito? Sino? Sino ang nakaka alam bukod kay Jade?

"Mr. Tuazon, please speak up I need to know the whole story."

Natauhan ako ng magsalita ang lawyer namin. Wala akong ibang nagawa kundi sabihin ang totoo, simula umpisa.

**********
Cassidy's POV

Tahimik lang kaming naghihintay dito sa labas pero lahat kami ay hindi mapakali.

Lumabas na ng kwarto si Tyler, sinalubong ko
siya pero tahimik pa rin.

"Tyler, hindi ko sinira ang tiwala mo, hindi ko 'to magagawa sa'yo."

Pag aalala kong sabi sakaniya.

"I know this time would come, Jade and I trust you."

*clap clap clap*

"Nakakaiyak naman ang pagdadamayan niyo, hays.
Dadamayan na rin ba kita Tyler Tuazon?"

"Geo?" sabay namin sabi ni Drake.

"Geo, bro bakit naman ganyan ka magsalita kay Tyler?"

nagtatakang tanong ni Drake kay Geo.

"Chief, nandito na po ang witness."

sabi ng isang pulis at nakatingin kay Geo.

"T-teka ano bang nangyayari? Ano 'to Geo?!"
Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Drake ang dahilan.

"Bakit hindi natin pagsalitain si Tyler? Haha!"
pang aasar pa ni Geo.

"Tyler what's happening?"
naguguluhan ding tanong ng daddy ni Tyler.

"Sir ipaliwanag niyo po ang nakita ninyo nung araw na 'yon."
Sabi ng pulis kay Geo.

"Nandun ako at nakita ko.
Tyler killed his brother, siguro nagtataka ka or kayo? Kung bakit ko ito nagawa?
Best friend ko lang naman ang pinatay mo Tyler! Oo! Kaya ako naki pagkaibigan sa'yo dahil gusto kitang gantihan! Pinatay mo ang kaibigan ko! Ang sarili mong kapatid! Hindi ka manlang ba nakonsensya at hindi mo sinuko ang sarili mo?!"

"T-totoo ba ito Tyler? Ikaw ang dahilan ng pagkawala ng kuya mo?"

Naluluhang sabi ni Mr. Tyson pero pinipigilan niya ito.

"Magsalita ka!"

"Oo! Oo! Ako! Ako ang dahilan ng pagkawala niya pero hindi ko sinasadya ang lahat! Hindi ko sinasadya! Masyadong mabigat ang nararamdaman ko nun! Kapag iniisip ko, mas mabigat ang nagawa kong kasalanan sakan'ya at pinagsisisihan ko 'yun, gabi-gabi akong hindi makatulog ng ayos sa nagawa ko! Hindi ko alam ang gagawin ko, I've never felt so alive simula ng magawa ko ang aksidente."

Nakita ko namang gulat na gulat pa rin si Drake at ang daddy ni Tyler. Naiiyak na lang ako sa mga nangyayari ngayon, kaya tumakbo ako sa labas para umiyak.

" 'Wag ka ng umiyak, tumahan ka na."

"S-sky?"

"Ako nga."

"Kasalanan ko rin 'to, sana pinili ko na lang na tulungan si Tyler ayusin ito sa batas, pero pinili ko rin na maging isang kaibigan na hindi siya tatalikuran."

Napapahikbi na rin ako sa kakaiyak habang kausap si Sky.

"Maaayos din ang lahat, magtiwala ka."

"Alam ko nasasaktan din si Tyler ngayon, simula pa nung matapos ang aksidente."

Pinunasan ni Sky ang luha sa pisngi ko.

"N-nahahawakan mo ako?"

Pagtataka kong tanong na ikinagulat din ni Sky.

"H-hindi ko rin alam."

Habang tinitignan ang kanyang kamay. At bigla na lang nawala si Sky sa harap ko.

Yumuko na lang ako at nagdasal na sana matapos na ang lahat ng 'to.

Scared to DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon