Tyler's POV
Tyler is a killer.
Napapikit na lang ako habang binabasa ko 'yung text message.
*Flashback*
"Clei, can I borrow your phone for awhile? Hindi ko kasi makita phone ko eh baka na misplaced ko lang."
Hindi ko rin mahanap si Jade kaya no choice, kay Clei na lang ako nanghiram.
"Sure sure, here."
Pipindutin ko na sana 'yung name ko sa contacts ni Clei , nang biglang may text message na nag-pop out.
From: Cassidy Yuzon
Tyler is a killer.
Nahawakan ko ng mahigpit ang phone at hinanap si Jade.
*End of flashback*
Pagkatapos namin magusap ni Jade umalis ako at nagpunta sa carpark para maglabas ng sama ng loob pinagsusuntok ko ang manibela ng kotse ko at gusto kong makalimot bumalik ako sa party at nagpunta sa bar.
Cassidy's POV
Great! Just Great! This is what you called a date? Tss.
Umalis na ako dun sa party ni Clei pero nagpaalam naman ako sakan'ya. Nung paalis ako parating pa lang si Geo at Drake. Pero dahil masama ang pakiramdam ko, hindi ko na sila nakausap, agad-agad akong umalis. Hays.
*Boog*
Pinunasan ko agad ang luha ko at tinignan 'yung taong nakahandusay.
"Hey! Okay ka lang?"
"A-ahh muka ba kong ok?!"
"Tyler?! Lasing na lasing ka"
"'Wag mo kong hawakan! Sinungaling ka!"
Naiiyak na lang ako sa mga paulit ulit na sinasabi nya sa'kin.
"Tyler, hindi ko ginawa 'yun..hindi ako yun"
"Eh sino pa? Multo?!
Patawa ka!"Ngumisi lang siya at pinaharurot na ang sasakyan.
Napayuko na lang ako at umiyak nang umiyak.
"Huwag ka ng umiyak."
Inangat ko ang ulo ko at tinignan kung sino ang nagsalita, si Sky pala.
"Sky..nakikita ko na ng maigi ang mukha mo, ibig sabihin ba nito naniniwala na'ko sayo?"
"Marahil."
"Teka, parang may
kamukha ka...""Sino?"
"Hindi ko matandaan, 'pag naalala ko na."
Nginitian lang niya 'ko at umupo sa tabi ko.
"Umuwi ka na, baka kung anong mangyari sa'yo dito."
"Kasama naman kita diba, sabi mo ikaw ang anghel ko."
Tumayo siya at naglakad, sinundan ko naman siya.
"Teka daan 'to pauwi sa bahay ah"
"Oo nga"
Pagpasok ko sa bahay wala nanaman si Sky,
"Magpahinga ka na, pagod ka"
nandito na ulit siya nakatayo siya sa dulo ng kama ko na para bang binabantayan ako.
Naramdaman kong
bumibigat na ang mga mata ko hanggang sa nakatulog
na ako.*Riiiiinnnngggg*
Nagising ako bigla sa phone ko na ring nang ring.
Sinagot ko na lang ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
"Hello"
"Kumusta ka naman?"
"Sino 'to?!"
Tinignan ko kung sino 'yung tumawag pero unregistered number.
"You'll know. Soon"
"Umagang umaga ang lakas ng trip mo!"
"Well, see you around Cassidy."
What the.. sino 'yun?
"Umupo ka nga muna Cass nahihilo na 'ko sa'yo eh, relax ka lang"
"Clei paano ako mag-rerelax? that jerk knows my name."
"Wait, this caller, is it a guy
or --"Pinutol ko kagaad yung sasabihin nya.
"Guy"
"Patingin nga ako ng number, maybe its registered with mine."
Inisbot ko sakan'ya ang phone ko at busyng busy na isa-isahin lahat ng contacts niya. Change topic, who knows pwede pala kami maging close friend ni Clei, kahit na dati ay napagseselosan ko siya kay Tyler, but now nalaman ko na si Drake pala ang gusto niya.. alam na rin niya na gusto ko si Tyler at natawa siya nung sinabi ko na pinagselosan ko siya dati.
Kung bakit siya nandito? well, sabi niya binisita niya lang ako, dahil bored siya sa bahay nila. Kaya kinwento ko na rin 'yung about sa tumawag saakin.
"Cass, walang nag match sa contacts ko, I suggest na magpalit ka na ng number."
"Sige-- gosh Clei his calling again"
Inagaw niya sa'kin 'yung phone at sinagot ang tawag
"What do you want?!"
Biglang nanlaki ang mga mata ni Clei.. ano kayang sinabi sakan'ya?
"C-clei ano daw?"
"Wait let me clear this, may kaaway ka ba or kaya ka nandito sa Manila because may napatay ka sa province niyo? Omg."
"OA mo, wala 'no mabait kaya ako."
"Pero Cass be careful. Always. If you need help just call me."
"I will, thank you"
"No prob."
Sino naman kaya 'yung tumatawag na 'yun?

BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomantizmA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)