Cassidy's POVNandito naman ako ngayon sa bahay ni Clei, at dahil sobrang close nila ni Tyler, ang dami naming napagkwentuhan about him at sa family nila.
Hayy namiss ko rin bigla si Reese.
"Oh, bakit naman nakatingin ka dyan sa kawalan? Haha."
Napatigil ako sa pag e-emote nang magsalita si Clei.
"Wala lang haha, namiss ko lang si- -"
"Omg! si Tyler 'no?!"
"Huy hindi ah! Si Reese kasi!"
"Biro lang! Hahaha"
"Well, if you want, pwede natin sila puntahan? What do you think?"
Dagdag na sabi ni Clei.
At pinuntahan namin ang bahay ni Sabrina, at sinalubong naman kami kaagad ni Reese, medyo pumayat siya dahil tumataas na ang height! Pero
sobrang cute at maganda pa rin!After kina Sabrina ay inihatid na ako ni Clei sa apartment.
"Hi"
"Sky"
Sambit ko habang hindi ko siya tinitignan dahil naglilinis ako ng lamesa.
"Alam mo nang ako 'to ah? Hehe."
"Sanay na ako sa pagsulpot mo galing sa kawalan! Haha!"
"Bakit pala ang tagal mong hindi ako binisita? May misyon ka rin ba sa iba?"
Dagdag kong tanong sakaniya.
"Hindi ako nawala, hindi mo lang napapansin pero palagi akong nagmamasid."
"Eh bakit palagi kan- -"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil wala na rin pala akong kausap. Haha ang bilis sumulpot ang bilis din mawala.
Dahil sa pagod ay nakatulog na rin ako.
**********
Someone's POV
Naririnig ko ang lahat sa paligid ko pero bakit hindi ako makabangon? Hinang-hina
pa rin ako.Nanatili akong nakikinig sa aking paligid.
"Doc, gigising pa ho ba siya?"
"Depende po sa everyday result ng state of consciousness ng patient and on aiming to overcome all of this. In his case, lumalaban siya and we will keep monitoring his vital signs from time to time. 'Wag po tayo mawalan ng pag-asa. Excuse me po."
Naramdaman kong hinawakan ako sa kamay nang nagsasalitang babae kanina.
"Magpalakas ka at magpagaling, hijo."
Tinapik-tapik niya ang aking kamay.
*********
Cassidy's POV
Humangos ako papuntang pintuan dahil kanina pa may nag d-doorbell.
"Tyler, ikaw pala."
"Magbihis ka, aalis tayo."
"Saan naman tayo pupunta?"
"Diba sinabi ko sa'yo dati tutulungan kita hanapin ang biological mother mo?"
Naalala pa niya 'yun, actually nakalimutan ko na rin simula nung napag-usapan namin iyon dati.
"Wala ka bang naaalala sa Mom mo? Name or picture?
Siguro naman may picture kayo?"Sunod-sunod na tanong ni Tyler habang nag d-drive, hindi rin namin alam saan kami maguumpisa.
"Hindi ko alam ang pangalan niya, ah oo picture! May picture kami kasama si Papa kaya lang blurred na ang itsura niya doon."
BINABASA MO ANG
Scared to Death
RomanceA twisted story about love, friendship and family. (I started writing this last 2015. I just recovered my account this 2020. Hope you guys like it!)