CHAPTER 38: Something New

300 12 8
                                    

Chapter 38: Something New

ALANNAH: Demi, kamusta? Okay lang naging biyahe niyo?

Nakapila sa reception si Demi nang matanggap niya ang chat message na iyon ni Alannah. Ilang saglit pa niya 'yong tinitigan bago siya sumagot.

DEMI: I'm good.

She knew Alannah didn't deserve such short reply. Alam din niyang nag-aalala lang ito sa kanya. Sinubukan pa nga nito kanina na magpaalam sa sariling adviser kung maaari siyang isama sa klase nito for the whole excursion, kaso hindi raw iyon puwede.

And honestly, marami siyang gustong isagot dito: "I'm good. It's been a while since I had a long trip like this one. I didn't know, may ganito kaganda palang lugar dito malapit sa Manila."

Kaso wala siyang energy. Kahit manghang-mangha siya sa ganda ng lugar na pinuntahan nila, wala siyang ganang maging excited. How would she enjoy the view and the experience if she was stuck with people who were never comfortable being around her? Maski ang kaklase niyang babae na nakatabi niya sa bus, hindi siya kinibo sa buong biyahe.

"Ah, it's you again." sambit ni Demi pagkapasok niya sa hotel room na kanyang tutuluyan. Naabutan niya roon ang kaklase niyang nakatabi niya kanina sa bus. Uupo sana ito sa higaan kaso napahinto ito sa ere nang makita siya.

Demi knew her name at the very least. It was Camille. Isa ito sa matatawag niyang nerd sa kanilang klase dahil sa suot nitong salamin at dahil halos lagi niya itong nakikitang nag-aaral mag-isa. Hindi nga lang ito nagre-recite parati. At tuwing magre-recite naman ito, lagi na lang itong nauutal na para bang lagi itong may kinatatakutan.

Imbes na umupo, nagmamadali itong lumayo sa higaan at tumayo sa may bintana. Yumuko ito, hawak-hawak ang parehong kamay.

"Geez, what's wrong with you?" may pagka-irita niyang tanong. She'd understand if Camille couldn't speak well. Pero ang kumilos pa ito nang ganon na para bang may balak siyang gawin na masama rito? Heck, all I wanna do is take a rest!

"A-a-ah ano, s-s-saan mo ba-mali, mali! Where do you-ay, hindi, nakakaintindi ka nga pala ng Tagalog." binatukan nito ang sarili.

Napangiwi si Demi. "Are you okay?"

"O-oo, oo, okay lang!" tensyonado itong natawa. "Uhm, s-s-saan mo ba gustong humiga?"

Natulala rito si Demi bago tiningnan ang buong kuwarto. Its theme was old Filipino-style bedrooom with a couple of queen-sized bed.

Ayon sa adviser at class representative nila kanina sa reception area, apat na magkaka-klase of the same gender ang magsasama sa iisang kuwarto. And thinking that she would have to share a room with three of her classmates that she wasn't close or much familiar with, lalo siyang nakaramdam ng panglalata.

"I'll take the furthest side." dumiretso siya sa pangalawang higaan. Pagkababa niya sa sahig ng back pack niya, humiga siya kaagad sa side ng kama malapit sa bintana at saka pumikit.

Naramdaman niyang kumilos ang kaklase niya, dahan-dahan. Mukhang parehong kama ang pinili nito dahil umupo ito sa kabilang side.

Demi couldn't understand. Clearly, hindi ito kumportable sa kanya. May choice itong pumuwesto sa kabilang higaan hangga't bakante pa iyon, pero pinili nito ang kaparehong higaan niya.

Hindi katagalan, dumating na ang dalawa pa niyang makakasama sa kuwarto. Hindi siya kumibo, pero naramdaman niya ang muling pagtayo ni Camille.

"Uy, wow, Camille!" bati ng isa sa mga bagong dating. She sounded hyperactive. "Hello!"

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon