CHAPTER 44: Scream

237 14 7
                                    

CHAPTER 44: Scream


HOLIDAY Fair day came. Demi had been all set for their class project. Excited siya, but at the same time, she couldn't help but feel anxious. Hindi niya inaasahan na maraming tao ang pupunta sa school nila para roon. Hindi kasi gaya ng School Fair nila noong umpisa ng school year na exclusive lang for Double A students, this time, ang Holiday Fair naman nila ay open para sa ibang tao.

"Demi, Camille, bakit kayo nandito?" namimilog ang mga mata ni Josie habang napatigil sa pagma-make up ng sarili nang makita sina Demi at Camille na magkasabay na pumasok sa makeshift changing room sa loob ng classroom nila.

Hindi na nagtaka si Demi sa naging reaksyon ni Josie. Randomly kasing hinati ang schedule ng klase nila para tumao sa attraction nila. Sa morning schedule na-assign sina Josie at Bella, habang afternoon schedule naman sila ni Camille.

"N-n-nandito kami para tumulong!" sagot ni Camille.

"Anong parang tumulong? Magtigil nga kayo! Mamaya pa ang schedule niyo e!" tumayo't nagpamewang si Josie. "At ito na lang ang pagkakataon niyong makaikot at ma-enjoy rin itong fair. Kaya huwag niyo na aksayahin oras niyo rito. Kaya alis, alis!"

Tinulak sila pareho ni Josie palabas ng classroom.

"Basta huwag niyo kalimutang bumalik by 1:00pm ha?!" nakapamewang ulit na paalala ni Josie bago bumalik sa loob ng classroom.

Nagkatinginan sina Demi at Camille, ang mga mata nila ay halatang makikitaan ng pagka-panic.

Mahigit isang buwan na nang makipagkaibigan si Demi kina Josie, Bella, at Camille. She had already gotten used to their presence, even to their noise combined. Pero tuwing sila na lang ni Camille ang nagkakasama, gaya sa pagkakataon na iyon, ramdam na ramdam nila ang pagka-ilang nila sa isa't isa kaya halos hindi sila mag-usap na dalawa. Gaya kanina nang magkakitaan sila sa labas ng kanilang subdivision, nagbatian lang sila ng good morning at tahimik na naghintay ng bus na masasakyan.

Sa bus, nagtabi naman silang dalawa pero hindi na sila nagkausap hanggang sa makarating na sila sa Double A kung saan nagtanungan sila kung didiretso na ba silang classroom. They both said yes, kaya nagsabay na lang din silang umakyat sa classroom nila.

Demi didn't know why exactly, but it always felt awkward whenever one of them tried to say anything to each other. And somehow, that always made her feel frustrated. She wanted to be better at making friends, pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na mailang at mahiya.

"A-ano, Demi! Okay lang ba k-k-kung samahan kitang umikot?" Tila nakitaan ni Demi ng kinang ang mga mata ni Camille. She felt her eyes did the same.

"Of course, of course, okay lang." Tumango-tango siya.

Demi admired how Camille always tried her best to try things out, kahit gaano pa iyon kahirap sa parte nito bilang may speech disorder na iniinda. Samantalang siya na may kakayahang magsalita nang diretso at maayos, madaling mawalan ng gana.

"Meron ka na bang naisip n-n-na una mong gustong puntahan?" Camille asked.

Natigilan siya at unang naisip ang stage play nina Alannah, Andy, at Michael. But her, thinking that she'd see Michael...

Napahawak siya sa kanyang dibdib sabay iling.

No, no, no. The play's gonna start at 11am, anyway. 9:30am pa lang. It's too early to go there at this time.

"Okay ka lang, Demi?" nagkaroon ng pag-aalala sa boses ni Camille habang nakatitig sa kanya.

"Ah, yes! Okay lang ako, sorry to make you worry."

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon