CHAPTER 32: To Stay

2.2K 64 13
                                    

RECAP(dahil napakatagal na since last UD!):

Alannah set Andy and Michael up to meet and reconcile—with the help of Demi. But as the two girls were heading out of the mall, Alannah fainted and got hospitalized. She was diagnosed to be anemic, and then ito na!

Sorry for the long wait! Thank you rin to those who stick with LMB up until now. Labyu, guys! 😘

***

CHAPTER 32: To Stay


“MOMMY!”

Tumakbo nang napakabilis Alannah. Ilang taon na ba kasi mula nung huling beses niyang nakita ang Mommy Yvette niya? Ayaw niyang bilangin. Basta sobrang tagal na, dahilan para sobra niya rin itong na-miss.

Kahit hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito, nakakasigurado siya na iyon ang kanyang ina. Kaya nang makalapit na siya rito ay agad niya itong niyakap.

“Mommy…”

Masaya. Alam ni Alannah, ayun ang nararamdaman niya. Pero sa kabila no’n ay may luhang tumulo mula sa pareho niyang mga mata.

Doon siya ginantihan ng yakap ng kanyang ina. Ang yakap na iyon, pareho iyon ng yakap na ginawa nito sa kanya noong huling gabi silang natulog nang magkasama. ‘Yong higpit, ‘yong paghaplos ng kamay nito sa kanyang buhok.

“Mommy, bumalik ka na po, please?” pakiusap niya rito, pero hindi ito sumagot. “O ako na lang… Ako na lang ang sasama sa inyo.”

Bumitaw na ito ng yakap sa kanya at hinarap siya nang hawak ang magkabila niyang pisngi. Sa wakas, malinaw na niyang nakita ang mukha nito. Gaya sa mga luma nitong litrato, napakaganda pa rin nito. Hindi na ito kagaya nung huli nilang pagkikita. Ngayon ay mahaba na ulit ang buhok nito, mapula ang mga labi, at mukhang wala nang sakit na iniinda.

“You’ll be fine.” malambing na sambit ng mommy niya habang hawak pa rin siya sa kanyang mga pisngi. “Mahal na mahal ka ng Daddy mo, pati na ng Mommy Nix mo at ng mga kapatid mo.”

Lumala ang pag-iyak ni Alannah. Pakiramdam niya ay iiwanan na naman siya nito gaya noon.

Ayoko po. Huwag na kayo umalis ulit. Huwag niyo ako iwan ulit, Mommy. Gusto niya ‘yong sabihin pero hindi niya na nagawa dahil sa kanyang paghagulgol.

Muli siyang niyakap ng kanyang ina. Lumala naman ang pag-iyak niya, nang biglang may ibang boses siyang narinig.

“Ate Nah?”

Napadilat si Alannah at tumambad sa kanya ang mukha ni Gibson na may matatambok na pisngi. Doon agad niyang napagtanto—nananaginip lang pala siya. Napanaginipan lang pala niya ang totoo niyang ina.

"Ate, bakit ka umiiyak?” Naiiyak na rin si Gibson. “Gutom ka na ba, Ate? Gusto mo na bang mag-eat para ‘di ka na umiyak?”

Natawa si Alannah kasabay ng pagpupunas sa kanyang mukha gamit ang isang kamay

Grabe. Umiyak nga ako sa pagtulog ko?

Na-weird-uhan siya sa kanyang sarili. Pero… tila gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pag-iyak niyang ‘yon.

Natigilan siya sa pagpupunas ng mukha at saglit na natulala bago binaba ang isa niyang kamay sa kanyang dibdib.

Mula nang ma-ospital si Alannah, kung ano-anong hindi maganda ang naramdaman niya. Bukod sa literal na naghihina siya, pakiramdam din niya ay nawalan na siya ng silbi. Wala na ngang silbi, naging pabigat pa sa ibang tao—sa mga kaklase niya, sa mga kaibigan niya, at sa pamilya niya.

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon