CHAPTER 29: Cornered

1.8K 74 25
                                    

CHAPTER 29: Cornered


“KUYA!”

Kalalabas lang ni Andy mula sa kuwarto niya nang salubungin siya ni Aia. Nakangiti ito sa kanya, ang mga mata ay halos magningning dahil sa excitement na nararamdaman. Kung bakit ito nae-excite, ayun lang ang hindi alam ni Andy.

“Ano?” walang gana niyang tugon sa kapatid.

“Ang guwapo mo.” Ngumiti ito nang nakakaloko.

Napangisi siya. “Alam ko.” Tinalikuran niya ito at dumiretso sa hagdanan. Alam niya rin e, may hihilingin na naman ito sa kanya kaya inuuto siya.

“Kuya!” Sinundan siya ni Aia sa pagbaba. “Sama akooo.”

Sabi na nga ba. Nakabihis na siya at handa nang umalis. May lakad kasi siya ngayon kasama si Alannah.

“Kuya, promise!” Inunahan siya ni Aia na makarating sa ibaba. Taas ang kanang kamay, hinarangan siya nito. “Promise hindi ko kayo guguluhin ni Ate Nah! Basta meron lang akong frappe na iniinom, sapat na sa akin!”

“Sige ba. Kung ibibigay mo sa akin 50% ng allowance mo next week.”

Napanganga saglit ang kapatid niya bago sumimangot. “Bakit 50%?!”

Siya naman ang ngumiti nang nakakaloko. “Deal or no deal?”

“5% na lang, please?!” Pagtawad nito.

Umiling si Andy. “Tabi, tabi.”

Nilagpasan na niya ang kapatid at dumaan sa sala. Naroon ang ama nila, nakaupo sa dulo ng mahabang sofa at nakatutok sa palabas sa TV. Sa kandungan nito ay nakapahinga ang ulo ng kanilang ina habang nakahiga at natutulog.

“Pa, alis na po ako,” paalam ni Andy bago nagsuot ng sneakers sa may front door.

“Mm,” tipid na tugon ng ama niya.

“Papa! Ayaw ako isama ni Kuya!” tampu-tampuhang sumbong ni Aia.

“Hindi ka naman kasi talaga puwedeng sumama,” sagot ng papa nila. “Kahit hindi mo sila guluhin, maiistorbo at maiistorbo mo pa rin sila, lalo na ‘yang kuya mo. Kung kasama ka, hindi siya makaka-damoves kay Alannah.”

Ack! Napahinto bigla si Andy sa pagsisintas ng sapatos.

“Ano ‘yon?” inaantok na tanong ng ina nila.

Patay. Nagpa-panic na nilingunan ni Andy ang mga magulang niya. Ang mommy niya, dilat na ang mapupungay na mga mata.

“Ah, wala.” Natatawang tinakpan ng ama nila ang mga mata ng asawa. “Tulog ka na ulit, Mommy Chelle.”

“Hindi na ako inaantok, Adrian!” Pinilit alisin ng mommy niya ang kamay na nakatakip sa mga mata.

Hay, Papa kasi!

“Mommy, tatawag na lang po ako mamaya kapag pauwi na ako. Bye po!” At nagmadali nang umalis si Andy, ang huli niyang nasilayan ay ang pagnguso ng kanyang ina at kapatid, habang ang kanyang ama naman ay nakangiti nang nakakaloko.

Ang kukulit talaga. Napakamot siya ng ulo pero matawa-tawa rin bago naglakad palabas ng subdivision nila. Mayamaya ay hindi naman niya napigilang mapangiti nang malapad.

Hindi ayun ang unang pagkakataon na lalabas sila ni Alannah nang silang dalawa lang. Pero dahil hindi nila iyon madalas nagagawa, naroon ang excitement kay Andy. Medyo nagagaraan nga lang siya dahil ang dalaga ang nag-aya na lumabas sila. Dapat siya talaga ang mag-aaya rito e. Matagal na niya ‘yong binabalak, kaso palagi siyang nag-aalangan dahil sa ama nito.

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon