CHAPTER 47: Red Holidays

259 14 10
                                    

CHAPTER 47: Red Holidays


CHRISTMAS day.

Kauuwi lang ni Demi sa kanyang pamilya sa Amerika two days ago. Hindi pa nakaa-adjust ang kanyang body clock sa timezone nila roon but there they were, nag-biyahe nang dalawang oras papunta sa bahay ng kanilang kamag-anak para doon mag-celebrate ng Pasko.

"Demi, bakit hindi ka na lang matulog muna?" malambing at may pag-aalalang tanong ng kanyang ina na nakaupo sa passenger seat sa tabi ng kanyang ama na abalang magmaneho ng kanilang sasakyan.

Good thing the party was already over. They were on their way back home, pero dalawang oras na naman ang kanilang ibabiyahe pauwi. And Demi was dead tired. Parties always made her feel tired, especially family reunions and Christmas parties. Her social battery couldn't last long—and her patience, too. Paano ba naman, ang mga kamag-anak nila, wala nang ibang ginawa halos bukod sa magyabangan at magpintasan.

Umiling siya sa kanyang ina bago may kahinaang sumagot. "I'm good."

"Okay. Just tell me if may kailangan ka, ha?" Hinaplos ng kanyang ina ang napakalaki nitong tiyan kasabay ng pagbaling ng paningin sa harapan.

"Siguro sa susunod, huwag na tayo um-attend ng Christmas party nila." suhestiyon ng kanyang ama.

Halos mapanguso ang kanyang ina. "Tradisyon na 'yon ng pamilya niyo, e."

"Ang toxic naman."

"Magtatampo sina Mama at Papa sa atin." Pagtukoy ng kanyang ina sa mga magulang ng kanyang ama.

"E 'di yayayain ko silang magpunta na lang sa bahay natin! Ako naman ang anak nila. Aba, sa akin sila dapat magpunta kaysa sa iba naming kamag-anak. Lalo na madadagdagan na ang apo nila. Hindi makatatanggi ang mga 'yon." Sabay abot nito sa tiyan ng asawa habang nagmamaneho. "Kaya pagkalabas nitong si Junior, gawa ulit tayo ng isa pa para happy-happy tayo mag-celebrate ng Pasko—aray!" Tinapik ng kanyang ina palayo ang kamay nito.

"Anong gumawa ulit? Buti sana kung ikaw ang magbubuntis ano? Ang hirap kaya! At hindi nga sabi Junior ang ipangangalan ko rito sa bunso natin!"

Natawa na lang ang kanyang ama sabay abot sa isang kamay ng kanyang ina at halik doon.

"Joke lang, askal. Sapat naman na sa akin ang dalawa nating anak."

Napakurap si Demi habang pinapanood ang kanyang mga magulang. For the nth time that day, naalala na naman niya si Michael.

Would he want a couple of kids of his own? Or would he settle for one? Would he even want one?

Then she zoned out, her forefinger tracing her lips as she recalled herself kissing him.

That kiss, it was just so out of the blue. Hindi niya maintindihan ang sarili noon. Basta nang pantayan siya nito dahil sa pamimilipit sa sakit na dinulot ng pagsuntok niya siya tiyan nito, natuon na lang bigla ang kanyang paningin sa mga labi nito. And then she felt the urge within her to feel his lips on hers. Next thing she knew, hawak at hatak na niya ito sa mukha, ang mga labi nila ay magkalapat na.

Michael's lips were a bit dry. Hindi gaya ng kay Andy. Andy's lips were really kissable. Moist and soft. Kung quality lang, panalo na ang mga labi ni Andy. Pero 'yong kay Michael, kahit na ganoon, may lamang pa rin e. Like she wouldn't complain if he'd kiss her deep with those lips.

Wait—what the hell? Napatakip ng bibig si Demi, ang mga mata niya ay namimilog.

How could she think of such thing? E, wala pa nga siyang kaide-ideya kung ano nang iniisip o kung anong naramdaman nito matapos ng kanyang ginawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon