CHAPTER 16: Argument
I know her...
Hindi nahirapan si Demi na alalahin kung sino 'yung babaeng nasa passenger seat ng sasakyang huminto sa likuran nila ni Michael. Kahit 'yung lalaking driver, naalala niya pa kung sino iyon.
Andy's aunt and uncle.
At 'yung dalawang bata na nakadungaw sa backseat, hindi niya alam ang pangalan ng mga ito, pero alam niya na kambal na pinsan ang mga ito ni Andy.
"Khel, anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ng tiyahin ni Andy sa alien na katabi niya bago siya nito tinitigan at pinanliitan ng mga mata. "Teka... Si Demi ba 'yang kasama mo?"
"Ah, opo Tita Hazel." Tensyonadong ngumiti si Michael. "Si Demi nga po 'to."
"Woah," this time, namilog ang mga mata nito sa kanya. "Bakit kayo magkasama? Kayo na ba, ha?"
"What? No!"
"Hala, hindi po!"
Sabay pa silang tumanggi ni Michael. Nagkatinginan tuloy silang dalawa. Ito, mukhang nagulat sa kanya. Siya naman, nakakunot-noo rito.
"Ay, sabi ko nga hindi. Makatanggi naman kayo." Bumaba na ito ng sasakyan. Sumunod 'yung batang lalaki at humawak sa binti nito, habang 'yung batang babae ay nanatili sa loob. "Putspa, ang jinet dito ha!"
Jinet? Inisip ni Demi na nagkamali lang ito ng pagsasalita. Baka init ang tinutukoy nito, na sasang-ayunan niya sana. Halos 3pm na, pero 'yung sinag kasi ng araw sakto roon sa kinatatayuan nila.
"Aish," naghawi ito ng buhok. "Bakit ba kasi ang hot ko?"
What the... Gustong magtaas ng kilay ni Demi. Well, not that it was not much true. May ganda ang tiyahin ni Andy at may pagka-sexy rin. But isn't she too vain?
Lumapit ito sa gate at nag-door bell sabay sigaw ng, "Hoy, tanga kong pinsan! Pagbuksan mo kami! Ang init dito, dali!"
Napansin ni Demi ang katabing si Michael na medyo napanganga sa ginawa ng tiyahin ni Andy. Halatang nagpa-panic na ito sa nangyayari. Paano ba naman, pag-uusapan pa lang sana nila ang taktika nila eh, bigla namang may dumating.
"Saglit lang!" Rinig niyang sigaw ng Ninong Adrian niya mula sa loob ng bahay.
Lumala ang itsura ni Michael doon. Siniko niya tuloy ito, dahilan para mapatingin ito sa kanya. Kinunutan naman niya ito ng noo, hoping na maintindihan nito ang nais niya sanang sabihin na: "Relax, you idiot!"
"You two okay?" That was Andy's uncle, CJ, karga-karga ang babaeng anak, na biglang tumabi sa kanya.
"Yep." Siya na ang sumagot.
Nginitian siya nito. "Demi, ang laki mo na. Natatandaan mo pa ba kaming mag-asawa? I think you were just four years old back then nung bumisita kayo rito ng parents mo eh."
"I still do remember that, actually. Medyo vague nga lang po, pero nakikilala ko pa po kayo. Tito CJ and Tita Hazel, right?"
"Right!" Aliw na natawa ang tiyuhin ni Andy. "Ayos memorya mo, ha? Unlike Andy. Wala na siya masyadong maalala sa mga panahong 'yon."
Napabuntung hininga si Demi sa katotohanang iyon. Naalala niya eh nung magkabanggaan sila ni Andy noon sa mall, pero hindi siya nito nakilala. Even at school, hindi pa rin siya nakilala—not until Michael told him who she was.
The worse thing about it was, Andy couldn't remember how they were before! They were childhood sweethearts, yes, pero hindi iyon ganon-ganon lang eh. They already kissed—on the lips! They also used to hold each others' hands. And they were even engaged! Niyaya na siya noon ni Andy na magpakasal eh at umoo na siya!