CHAPTER 4: Luck, Oblivion

6.3K 179 52
                                    

CHAPTER 4: Luck, Oblivion


ITO na...

Halos hindi na huminga si Andy nang umapak na sila ni Alannah sa loob ng mausoleo ng pamilya nito.

Kinakabahan na ba siya?

Hindi siya sigurado... Pero desidido pa rin siya sa nais niyang mangyari.

"Prinse—"

Si Marky Añonuevo iyon, ang ama ni Alannah, na natigilan magsalita nang makita siya. Napanganga pa ito habang buhat-buhat ang napakalusog na apat na taong anak na lalaki—si Gibson.

Kilala ni Andy si Gibson dahil sa mga kuwento ni Alannah. Apat na taon pa lang ito pero grabe na ang pagka-laki nito. Napakahilig daw kasi nitong kumain.

Sa tabi naman ng mag-ama ay may isang babae ang nakangiti habang nakaupo sa monoblock chair at hawak-hawak ang napakalaking tiyan. Kasalukuyan kasi itong nagdadalantao. At alam ni Andy na ito ang kinikilalang ina ngayon ni Alannah. Si Monic Añonuevo na Tita Nix na niya kung tawagin dahil maka-ilang beses na niya itong nakausap.

At sa tabi ng mesa ay nakatayo si Gabriel. Nakasimangot ito habang inaabala ang sarili sa pagkain ng hotdog-on-stick.

"Daddy, Mommy," masayang simula ni Alannah sabay hawak sa braso ni Andy.

Ito na talaga.

Pasimple siyang huminga nang malalim.

"Manliligaw ko po. Si Andy."

Sa wakas, naipakilala na siya ni Alannah.

"Good afternoon po." Nakangiting bati ni Andy sa kabila ng dismayadong itsura ng ama ng dalaga.

"Hi, Andy!" Masayang bati naman sa kanya ng ina ni Alannah.

"Tita Nix," nilapitan niya ito. "Para po sa inyo."

"Hala, ang sweet naman." Ngiting-ngiti nitong tinanggap ang inabot niyang bouquet ng mga bulaklak at saka inamoy. "Woah, ang bango! Thank you ha, Andy! Oh, 'yang isa, para naman kanino?" Usisa nito sa isa pa niyang hawak na bouquet.

"Ah, para po kay Tita Yvette." Lumapit siya sa tapat ng pinaglagukan ng abo ng totoong ina ni Alannah at nilapag sa tabi ng litrato nito ang dala niyang mga bulaklak.

Happy birthday po... Bati niya sa kanyang isipan habang nakatitig doon sa litrato ng ina ni Alannah. Mukhang may sakit na ito roon sa kuha dahil sa turban na nakabalot sa ulo nito. Pero maganda pa rin ito, at kitang-kita ang mga namana ni Alannah mula rito.

Pati ang litrato ng lolo ni Alannah na katabi lang ng sa ina nito, pinansin niya at mentally ring binati.

"Teka, teka, teka." Ayun na naman ang ama ni Alannah. Nang lingunan ito ni Andy, hindi na nito buhat si Gibson at nakapamewang na lang. Nakakunot-noo ito habang pinagpapalit-palit ang tingin sa kanya at kay Alannah na nakatayo pa rin doon sa pinasukan nila. "Anong ibig sabihin nito ha? Alannah? Anong manliligaw mo ang pinagsasabi mo?"

Halos mapanguso si Alannah, pero mas pinili nitong ngumiti sa ama. "Daddy naman... Alam mo na po ang ibig sabihin no'n..."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Nix habang inaamoy pa rin ang hawak na mga bulaklak. "Nanligaw ka rin noon 'di ba, Marky? Kaya alam mo na ang ibig sabihin no'n."

Naguguluhang tumingin si Marky sa asawa. "Uy, mahal kong reyna. Alam mo na ba ang tungkol dito?"

"Ahuh."

"Aba—kailan pa?"

"Nung bakasyon."

"Nung bakasyon?"

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon