CHAPTER 10: Round One

4.7K 133 22
                                    

CHAPTER 10: Round One

FINALLY!

Mabilis na tumayo si Demi mula sa seat niya pagkatunog na pagkatunog ng school bell na nagsi-signal ng lunch break nila.

Siya ang unang-unang tumayo sa buong klase. Tumayo na siya kahit nasa harapan pa ang kasalukuyan nilang guro at hindi pa tapos sa sinasabi. Napatingin tuloy ang lahat sa kanya.

"I'm... I'm dying to go to the restroom, ma'am." Sabi niya habang nakatingin nang diretso sa kanilang guro. Umarte pa siya na kunwaring namimilipit. "So please—please excuse me."

"O-okay," mukha namang nag-alala sa kanya ang ginang nilang guro.

At siya? Nagmadali na siyang lumabas ng classroom.

Pagkasara ng pinto, tinigil na niya ang pag-arte at nakangiti nang tumakbo pababa ng building.

Sobra siyang nae-excite. Bakit ba naman hindi? Eh makakasabay na niya si Andy na mag-lunch! Nagle-level up na ang relasyon nila!

Pagkababa ni Demi, dumiretso takbo siya sa kabilang building kung nasaan ang classroom ni Andy. Maingat niyang iniiwasan ang mga estudyanteng maaari niyang mabangga. Tinitingnan niya rin nang maiigi ang bawat makakasalubong niya. Mahirap na, baka magkasalisi pa sila ni Andy.

Naabutan niyang nagsisilabasan na ang mga kaklase ni Andy nang makarating siya sa classroom nito. Tumabi na lang siya para hindi makaabala. Doon siya pumuwesto ng tayo sa tabi ng pintuan ng classroom, on the same spot kung saan siya kinausap ng binata kahapon at sinabihang maganda ngumiti.

Napangiti nang malapad si Demi nang maalala ang mga sinabi sa kanya ni Andy kahapon. Malakas ang pakiramdam niya, silang dalawa talaga ang para sa isa't isa.

"Uy, Demi!"

Nanigas si Demi nang marinig ang boses na iyon—boses ni Andy!

Tamang kakaapak lang ni Andy sa labas ng kuwarto nang makita siya nito, ang singkit nitong mga mata ay namimilog dahil sa gulat.

"Hi, Andy."

Matamis niyang nginitian ang binata. Ang puso niya, hindi mapigilang magwala habang ang mga mata niya ay hindi naman magawang kumurap.

Damn it. Andy looked too manly and too handsome in her eyes that she couldn't look away from him. Gustung-gusto niya na titigan lang ito.

"Ikaw naman, hindi ka na dapat umakyat dito. Pinagod mo pa sarili mo. Sana sa canteen ka na lang naghintay." Sabi ni Andy sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang concern para sa kanya. 'Yung puso niya tuloy, lalong nag-party sa loob ng dibdib niya.

"Sus." Ngumuso siya, then ngumiti. "Okay lang 'to."

Nginitian din siya ni Andy—nang biglang lumabas si Alannah mula sa kuwarto at nakita sila.

"Hi, Demi!" Masayang nitong bati sa kanya.

Tsk. Pinigilan ni Demi ang sarili na simangutan ito at pilit na lang na nginitian.

"Hi..." Sagot niya.

"Tara, baba na tayo." Yaya pa ni Alannah sa kanya, sabay tingin kay Andy.

"What?" Nasabi niya bigla.

Fuck. Bakit ba kasi nagyaya si Alannah na bumaba na? Kasama ba ito? Kasama nila ni Andy? Si Andy lang naman ang niyaya niya kahapon ah?

"Tara. C'mon, ganon." Paliwanag ni Andy sa kanya na para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ni Alannah.

I know! Gusto niyang isigaw. Gusto rin niyang ipalinaw kay Andy ang gagawing pagsabit ni Alannah sa lunch date nilang dalawa. Pero oo nga pala... Nagliligawan nga pala ang mga ito... Natural na iyon... But still! Hindi niya iyon matanggap at nanggagalaiti siya sa inis!

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon