CHAPTER 25: Resolution
DEMI wasn’t sure. Ayun yata ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganon katinding kaba? Subukan man niyang alalahanin kung may nangyari na ba sa kanya noon na ikinakaba niya nang ganon, wala talaga siyang maisip o maalala.
Nakaupo si Demi sa isa sa mga dining chair sa kainan ng pamilya Chua. Sa kaliwa niya, nakaupo rin si Michael. At sa tapat nila, nakaupo ang ina ng binata.
Micki Chua. May kung anong intimidating sa dating nito kaya siya nakakaramdam ng kaba. Siguro sa mga mata at kilos nito?
Feisty. Ayun ang isang salita na pumasok agad sa isipan ni Demi para i-describe ang ina ni Michael. And she couldn’t help but compare her to her own mom. Feisty rin ang aura ng mama niya e. Ayun lang, malambot ito sa kanya. Lagi siyang ini-spoil at nilalambing. Hindi gaya ng nanay ni Michael na may pagka-istrikto at pagkataray.
“Hindi ko na alam,” salita ni Micki pagkabuntung hininga. Nakabagsak ang mga balikat nito at hindi maipinta ang mukha habang nakatingin sa kanila ni Michael. “Hindi ko malaman kung ano nang iisipin o papaniwalaan ko.”
Pasimpleng humugot nang malalim na hininga si Demi, ang mga mata niya ay nakatuon sa bakanteng hapag kainan. Kakaiba sa pandinig niya ang boses ng nanay ni Michael, marahil dahil tumatak sa utak niya ang pagsigaw na ginawa nito kanina nang mahuli sila na magkatabing natutulog sa sahig.
“Michael!”
“Bakit ka may kasamang babae dito? Ha?!”
“Ezekiel! ‘Yong anak mo! May babae dito sa kuwarto!”
Ayun ang mga sinigaw nito sa kanila kanina bago nag-walk out, habang sila ni Michael ay parehong naestatwa lang sa pagkakaupo sa sahig. Wala sa kanila ang nagawang makapagpaliwanag agad dito.
“Ma naman,” salita ni Michael na ginulo ang sariling buhok gamit ang isang kamay. Naalala ni Demi, ganon din ang ginawa nito kanina matapos mag-walk out ng ina. “Nagpaliwanag na po ako. Bakit po ba ayaw niyo akong paniwalaan?”
Nagpaliwanag na nga si Michael pagkapuwesto na pahkapuwesto nilang tatlo roon kanina sa kainan. Habang nagpapaliwanag, hindi natinag ang matigas na ekspresyon ng mukha ng ina nito. Doon pa lang alam na ni Demi na hindi ito madaling makukumbinsi kahit ano pang katotohanan ang sabihin ni Michael tungkol sa sitwasyon nila.
“Demi, tulungan mo kasi akong magpaliwanag.” Frustrated nang sabi sa kanya ni Michael.
“Ah,” tumingin naman siya sa ina nito. “T-tama naman po si Michael. We did not do anything—”
“Kahit magkatabi kayo natulog?” pagmamatigas ng inang kausap.
“No,” nafu-frustrate na rin siya. “Just like what he said, hindi po talaga kami nagtabi. It only happened na ilang beses na akong nahulog sa kama kagabi at ilang beses na rin akong sumampa pabalik until it came to the point na sobra na akong antok para bumangon ulit. Surely, Michael was already that sleepy too so he did not bother about it anymore. Ayun lang po ‘yon. Nothing sexual happened between us. Oh, please. Wala naman po kaming relasyon. Michael is too far from my ideal type of guy for me to let him touch me.”
Wala nang nagsalita sa mag-ina matapos niyang magpaliwanag. Pareho ang mga ito na natulala sa kanya. Si Michael, nawalan ng ekspresyon ang mukha. Ang ina naman nito, bahagyang napakunot-noo sa kanya.
Shit. What have I said?
“Every thing’s my fault, though.” pag-ako na lang niya sa nangyari para iligtas si Michael. “Ako po ang lumapit sa anak niyo for help. Michael was initially against it. Ayaw niya talaga akong patuluyin dito. But he knew I had no one else to turn to, that was why he considered it in the end, letting me stay here for only three days.”