CHAPTER 34: The Deal
2:00PM
"I wanna go home..." bulong ni Demi sa sarili habang nakasalampak ang ulo sa ibabaw ng desk.
Kasalukuyan siyang nasa Double A at kasalukuyan din siyang mag-isa roon sa classroom nila. It was a Friday, but not a regular Friday. Last day iyon ng School Sports Festival nila kung kailan ginaganap ang finals sa lahat ng participating sports. Kaya naman sinususpinde ng school officials ang regular classes sa last day ng Sports Fest nila para masuportahan ng mga estudyante ang mga kaklase o kaibigan nilang kasali sa finals.
But Demi was not into sports. Damn, she even hated PE. Ayun 'yong subject na gusto niyang i-ditch every time. She never liked activities that would require much physical and mental strength kasi sobrang nakakatamad. And... sports also would always require teamwork—which meant trusting other people and cooperating with them—na alam niyang hindi niya kayang gawin.
Inangat na niya ang kanyang ulo at sumandal sa kanyang upuan. Dahil sa gitnang likuran siya nakapuwesto, kitang-kita niya ang kabuuan ng kuwarto na walang ibang tao bukod sa kanya.
There's no difference... Isip ni Demi. May ibang tao o wala, I'm still alone.
No, hindi siya nagrereklamo. Hindi rin siya humihiling na sana may maging kaibigan siya sa mga kaklase niya o sa paaralang iyon. For her, it was a risk she never wanted to take again or else, she might get worse than she already was at the moment.
Bigla na lang nasira ang katahimikan nang kumalam ang sikmura niya.
Oo nga pala... She skipped lunch. Mula umaga, nanatili lang siya roon sa classroom nila e. On regular days, she'd prefer going out. Pero ngayon, sa dami ng taong nakakalat sa labas, she'd rather not to.
Pero kumalam na naman ang sikmura niya.
Err... Sabi ko nga... I'd really need to go out.
With only her phone and coin purse in her sweat pants' pocket, nakasimangot siyang lumabas ng kuwarto.
Woah. Laking gulat niya nang makitang wala ring tao sa lobby.
Kahit pagbaba niya, halos walang tao sa paligid. Meron siyang nakakasabay at nakakasalubong papuntang canteen pero bilang na bilang lang ang mga ito.
What the...
Pagpasok ni Demi sa canteen, agad niyang nakita si Andy. Umo-order ito ng makakain. Pero hindi ito mag-isa. May katabi itong babae and no, it was not Alannah. Gaya niya at ng iba pang mga estudyante na pumasok sa araw na iyon, naka-PE uniform din ang mga ito.
Hindi siya pamilyar sa babaeng kasama ni Andy. Hindi rin siya sigurado kung kaklase ba ito nina Andy o same year level at track lang na tini-take.
Ang alam lang ni Demi sa mga oras na iyon ay close 'yong babae kay Andy. She could tell that with the way those two were talking and smiling at each other.
At naiinis siya. Hindi gusto ni Demi ang kanyang nararamdaman sa eksena na iyon at mas lalo na para sa babaeng iyon. Well... The girl looked pretty decent. Like Alannah, she was giving off impressions of being smart and responsible. Pero 'yong ngiti nito... iba e. Demi could sense something not good from that smile.
Nang nakapuwesto na ang dalawa para kumain, nagmadali si Demi na um-order ng sarili niyang makakain. Holding the tray with her curry rice meal and a carton of fruit juice, nagmadali rin siya na pumunta sa table nina Andy at nung babae. Napanganga 'yong babae sa kanya nung bigla niyang nilapag 'yong tray sa table.
"Oh, Demi." nabigla rin si Andy pero agad siyang nginitian. "Ngayon ka lang din magla-lunch?"
"Ah, siya pala 'yong 11th Grader na madalas niyo kasama mag-lunch." Doon siya nginitian din siya nung babae.