CHAPTER 19: Chance, Confrontation
"I think bagay 'to sa'yo."
"Talaga? Kasong parang ang revealing masyado."
"What? Revealing na 'to for you?"
"E kasi..."
"Geez, Alannah. As if namang may makikita nang cleavage sa'yo dito! Do you even have one anyway?"
"Hala, grabe ka sa akin ha, Demi!"
Bahagya na lang napanganga si Michael sa pinag-uusapan ng dalawang babae na kasabay niya ngayong kumain ng tanghalian sa canteen ng Double A. Pero nakakaaliw rin para sa kanya, lalo na 'yung naging reaksyon ni Alannah sa huling sinabi ni Demi. Kitang-kita niya na gusto nitong depensahan ang sarili, kaso hindi magawa kasi totoo ang nais iparating ng kausap.
Totoo? Maka-totoo ka naman, Khel. Bakit, nakita mo na ba boobs ni Alannah, ha? Kontra niya rin agad sa sarili, dahilan para awkward siyang matawa. At dahil sa tawa niyang iyon, napatingin sa kanya 'yung dalawang babae.
Si Demi, nakataas ang isang kilay sa kanya. Habang si Alannah, naitakip sa bibig ang hawak na catalogue ng isang clothing line.
Na-tense sa Michael sa tingin ng mga ito. Awtomatiko siyang lumingon sa puwesto ni Andy—na kasalukuyang wala. May inatenan kasi itong quiz bee sa ibang paaralan. Wala tuloy siyang makuhanan ng palusot!
"Tinatawa-tawa mo, Michael?" mataray na tanong ni Demi.
Tiningnan niya ang dalaga at nakipaglabanan ng titigan dito.
Huh. Ngayon ginaganito mo ako? Gusto niyang sabihin kay Demi. May utang ka pang paliwanag sa akin, akala mo? Humanda ka sa akin!
Mula sa mataray na pagtitig, ngumiti nang matamis si Demi na para bang narinig ang sinabi niya sa kanyang isipan.
"'Yan palang si Michael, parang nababaliw kapag wala si Andy? Tumatawa mag-isa?"
Aba't biglang kumambyo si Demi sa panggigisa sa kanya. Ayos, pero lagot pa rin ito sa kanya! Matagal pa naman na niya itong sinusubukang kornerin para i-interrogate. Mula pa nung nakaraang linggo, gustong-gusto niya itong tadtarin ng mga tanong dahil sa biglaan nitong paglapit kay Alannah. Akala ba niya, okay na sila sa set-up na tutulungan niya itong magbago? E bakit lumalapit pa ito kay Alannah? Para saan pa?
Alam niyang alam na ni Demi ang takot, pagdududa at inis niya sa biglaan nitong ginawa nang walang paalam sa kanya. Alam niyang alam na nito na nais niya itong konprontahin. Pero matalino talaga ito. Kahit isang beses, hindi pa niya ito nako-korner. Napakagaling lang nitong umiwas sa kanya.
"Para kasi silang kambal," sagot ni Alannah kay Demi. "Kambal na magkaiba ang birthday at mga magulang."
Napataas ng isang kilay si Demi kay Michael, tila nagsasabi, "Seriously? Kambal? Sila ni Andy? Huh!"
Pinandilatan naman niya ito ng mga mata at gusto sabihan ng, "Ano bang problema mo?"
Pumikit si Demi at nagbuntung-hininga. "Alright," sabay tayo nito. "Alannah, una na ako bumalik sa class ko."
"Eh? Bakit? Hindi pa tapos one-hour break natin ha?" May panghihinayang sa boses ni Alannah. Mukhang sa maiksing panahon, naging malapit na ito sobra kay Demi.
"Pending group activities," tumingin si Demi sa malayo, nagpamewang at nagkibit-balikat. "I hate group activities kaya madalas tumatakas ako. But this time, mukhang kaya na akong paslangin ng leader namin kung tatakas ulit ako."
"Ay pasaway ka! Para kang si Andy minsan kapag inaatake ng katamaran."
Ngumiti nang nakakaloko si Demi. "Kaya bagay kami 'di ba?"