CHAPTER 22: Walk Away

2.5K 87 38
                                    

CHAPTER 22: Walk Away


MAY biglang nagbago. Ayun ang napansin ni Demi kay Alannah.

No, it did not happen abruptly. Onti-onti iyon mula nang matapos ang school fair ng Double A, and it made Demi get too much curious. Kung kailan kasi wala nang school event na pinagkakaabalahan si Alannah, at saka pa ito naging matamlay at wala sa sarili. Higit pa sa lahat, maka-ilang beses na niyang nakikita ito at si Andy na parang may pinag-uusapan na napakaseryosong bagay. Nag-uusap kasi ito nang nakatulala sa kawalan at halos walang karea-reaksyon. Unlike ng nakasanayan niya sa mga ito na laging nagngi-ngitian o 'yung laging may sparks.

Their sparks were gone...

Napangiti nang malapad si Demi sa isipin na iyon. She had a good feeling about it. Kung wala na kasi 'yung sparks, then... Alannah and Andy must be already drifting away from each other.

"Demi Sy."

Napakurap at halos mapabalikwas sa kinauupuan si Demi nang marinig ang pangalan niya. That was when she realized na nag-iisa na lang siya sa loob ng classroom.

Lumingon siya sa likod na pintuan ng kuwarto at doon nakita niya si Andy na nakatayo habang nakasandal ang isang balikat sa door frame. Nakangiti ito sa kanya, dahilan para muli siyang mapangiti.

"Nangingiti ka mag-isa diyan?" tanong ni Andy.

"Ah," tugon niya at saka tumayo. "I'm just... feeling good."

"Hmmm," pinanliitan siya nito ng mga mata, ang mga labi ay nakangiti pa rin. "Bakit? May nangyari bang maganda?"

"Not really. Pero ang makita kita ngayon dito, ayan na ang magandang nangyari sa araw ko so far."

Aliw itong natawa. "Tsk tsk. Ewan ko ba. Lahat na lang ng nakakakita sa akin, gumaganda talaga ang araw."

Biglang napasimangot si Demi. She hated the thought that Andy could make others feel good just like what he could do to her. Gusto niya, siya lang e. Dapat siya lang.

Possessive? Maybe she really was.

"Joke lang!" bawi agad ni Andy sa sinabi. "Makasimangot ka naman diyan. Masyado bang hindi kapani-paniwala 'yung sinabi ko?"

Oh no. Na-misunderstand nito ang simangot niya!

"Naniniwala ako!" she cleared, but on a tone na para bang nakikipagtalo siya. And as much as she wanted to control it, she still couldn't. "I just don't like the fact that you can make others fall for you because of that. I—"

Okay, stop yourself now, Demi. Baka kung ano pa ang masabi mo! Now is not the right moment yet!

"I just think that... it would be unfair to Alannah." dahilan na lang niya sa huli.

Napatitig na lang sa kanya si Andy at napansin niya ang pagbabago sa ngiti nito. Like, he suddenly lost the feels to smile.

"Okay pa ba kayo ni Alannah?" Ayun, hindi na naman niya napigilan ang sarili, and it sounded wrong to her very own ears.

Kamuntikang natawa ang binata sa tinanong niya. "Oo naman..."

"Really?"

Geez, Demi! Stop it!

"I mean, if you two are really not okay, well, I am here." paglilinaw niya na lang pero  iba na naman ang naging dating no'n sa sarili niyang pandinig. "I am here to help. Kung need mo ng makakausap, or even a whack on your head para matauhan ka, just tell me. It would be my pleasure to do anything for you."

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon