CHAPTER 6: Demi & The Crybaby

5.6K 165 27
                                    

CHAPTER 6: Demi & The Crybaby

HIM again?!

Hindi alam ni Demi kung mawiwindang ba siya o lalong maiinis nang makita na naman niya ang matangkad na lalaking iyon. It was the same guy who asked her if she needed help nung mag-enroll siya sa paaralang iyon.

Not only that. 'Cause truth to be told, she actually knew who he was. Sa pang-i-stalk ba naman niya palagi sa SNS ni Andy, hindi niya makikilala ang best friend nito?

Michael Chua. Ayun ang alam ni Demi na pangalan ng matangkad na lalaking iyon. Pero kahit kilala niya kung sino ito, hindi niya pa rin ito trip kausapin.

Si Andy lang... Ito lang ang nais niyang makausap. But she couldn't do it. Not now, when she just found out na may nililigawan na pala itong ibang babae.

That Alannah... Muling nanggigil ang kanyang mga kamay dahil sa babaeng iyon. Kailangan niyang makilala kung sino ba talaga ito.

Tinalikuran na ni Demi si Michael upang makaalis na sa lugar na iyon, nang bigla naman itong magsalita nang malakas.

"Ah! Alam ko na! Kaya pala pamilyar ka sa akin!"

Napahinto siya sa pag-alis at kunot-noong nilingunan si Michael. Nagbago na ang itsura nito. Kung kanina ay mukha itong nagtataka habang nakatingin sa kanya, ngayon naman ay excitement na ang maaaninag sa mukha nito.

"Ikaw 'yung babaeng kasama ni Andy nung bata pa siya doon sa pictures sa bahay nila!" Masaya siya nitong nilapitan at up-close na tinignan ang kanyang mukha. Hindi pa ito nakuntento roon. Tinuro-turo pa nito ang kanyang noo. "Ikaw nga! Ganyan na ganyan simangot mo do'n sa picture niyo eh!" At aliw itong natawa bago lumayo nang unti sa kanya. "Demi—Demi pangalan mo 'di ba?"

Bahagyang napanganga si Demi sa kanyang mga narinig. Hindi siya makapaniwala at hindi niya maintindihan... Paanong nakilala siya ni Michael, samantalang si Andy, hindi?

"Ay takte," umiwas ng tingin si Michael at nagkamot ng ulo. "Laking Amerika nga pala 'to."

Gustong magsalita ni Demi, pero hindi niya magawa dahil sa sobrang pagkalito sa nangyayari.

"Ahh so," hinarap na siya ulit ni Michael. "What I was trying to say is, I know you, Demi. I'm Andy's friend and I've seen pictures of you two together when you were still kids. Ay, by the way, my name is Michael. Khel for short!"

Nag-alok ito ng handshake, pero kunot-noo niya lang tinitigan ang kamay nito. Sa ginawa niya ay binaba na ni Michael ang kamay na inaabot at awkward ba tumawa.

"Okaaay. You're looking for Andy, right? Just wait here. I'll call him."

At nilagpasan na siya nito para magtungo sa pinto ng classroom.

"N—"

"Andy! May naghahanap sa'yo!"

Shit. Pipigilan dapat ni Demi si Michael na tawagin si Andy eh, pero napakabilis nitong kumilos.

Should she run? Demi knew she should—real quick bago pa siya mapahiya. Pero hindi niya rin magawang kumilos sa kanyang kinatatayuan.

"Sino?"

Bumilis nang sobra ang pagtibok ng puso niya nang kanyang marinig ang malakas na boses ni Andy.

Si Michael naman na nanatili doon sa pintuan ay hindi sinagot si Andy at sinenyasan lang ito na lumapit.

"Bakit?" Takang-taka si Andy. Sa boses nito ay alam niya na papalapit na ito.

"Dalian mo! Tsk." Sabi ni Michael na pumasok na ng kuwarto. At nang lumabas ito... napapigil hininga si Demi. Akbay-akbay na nito si Andy na agad siyang nakita.

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon