CHAPTER 43: Future

177 10 3
                                    

CHAPTER 43: Future


HULING Sabado ng practice at preparation ng mga klase para sa Double A Holiday Fair. Kinakabahan si Alannah sa magiging reception ng mga tao sa stage play ng klase nila. Sa darating na Lunes na kasi iyon.

Napagkasunduan ng klase nila na gawing for fun na lang ang gagawin nilang stage play bilang ayun na ang huli nilang taon at huli nilang Holiday Fair sa Double A. Pero siniguro pa rin nila na magiging worth it ang magiging bayad ng manonood sa kanila.

Halos okay naman na ang lahat ng kailangan nila: costumes, props, at maging ang ayos ng classroom nila. 'Yong script, napulido na. At 'yong acting ng mga may on-stage roles, in all fairness, nakitaan nila ng improvement sa bawat linggo na nakakapag-practice sila.

Wala na talaga silang dapat ipag-alala. Pero hindi pa rin maiwasan ni Alannah ang kabahan. 'Yong kaba niya, parang dinaig pa ang kaba na dapat nararamdaman nina Andy at Michael na siyang nakakuha ng lead roles.

Inhale. Exhale. Turo ni Alannah sa sarili habang naglalakad mag-isa palabas ng Double A. Sa convenience store ang punta niya para bumili ng makakain nila nina Andy at Michael na abala sa pagpa-practice ng mga eksena ng mga ito.

"Uy, si Ate Alannah. Hello, Ate Alannah!"

Sa lalim ng kanyang iniisip, hindi sana niya mapapansin ang kaklase ni Demi na si Josie kung hindi pa siya nito tinawag at kinawayan. Nakaupo ito sa isa sa mga table na nasa labas ng convenience store. Kasama nito si Demi at ang dalawa pa nitong kaklase na sina Bella at Camille. Nakatayo na ang mga ito hawak ang mga pinagkainan at mukhang nagliligpit na. Nginitian niya ang mga ito bago nilapitan.

"Si Ate Alannah, tulala kanina habang naglalakad. Okay lang po ba kayo?" may kuryosidad sa tono ni Josie.

"Is something wrong?" nag-aalalang tanong ni Demi, ang mga mata ay namimilog sa kanya.

"Wala, wala naman." natatawa niyang tanggi. "Kinakabahan lang ako at sa Monday na ang Holiday Fair. E, kayo ba? Okay na ba preparation ng klase niyo?"

Tumango sabay-sabay sina Josie, Bella, at Camille, habang nanatili lang na nakatingin sa kanya si Demi.

"Puntahan niyo po kami ha!" yaya ni Josie.

"Oo naman." sagot niya rito.

"Yie!" Mukhang kinilig si Josie. "Huwag niyo po kalimutang isama si Kuya Michael ha? At siyempre pati na si Kuya Andy para rito kay Bella!" sabay akbay nito sa matalik nitong kaibigan.

"A-ano ka ba, magtigil ka nga!" Namula ang mukha ni Bella. "Alam mo namang girlfriend na ni Kuya Andy si Ate Alannah e tapos nanunukso ka pa rin diyan!"

"Ay," Napatakip ng bibig si Josie, pero tumawa rin ito nang mapanukso. "Hindi 'yan. Hindi ka naman malaking threat sa kanila. Hindi ba Ate Alannah? Aray!"

Sinabunutan ni Bella si Josie dahilan para pigil na matawa si Alannah, pati na si Camille.

"Beshy, sorry na, beshy!" Nagkunwaring umiiyak si Josie.

"Bumalik na nga tayo sa classroom, meron pa tayong kailangang ayusin!" yaya na ni Bella sa mga kasama nang hindi pa rin inaalis ang pagkakahatak sa buhok ng kaibigan.

"Oo na, oo na! Bitawan mo na ako, please? Huhu." pakiusap ni Josie. Binitawan naman na ito ni Bella.

"Sasamahan ko lang muna for a while si Alannah." paalam ni Demi sa mga kasama. "You can head back first without me."

Hindi naman nagkuwestiyon ang tatlo. Nagpaalam ang mga ito kay Alannah bago tuluyang umalis.

"Demi," ngiting-ngiting tawag dito ni Alannah nang maiwan na silang dalawa.

Love Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon