Sabado ngayon at tanghali na ako nagising, wala akong ginagawa satuwing umaga bukod sa pagsasaing, dahil ang kapatid kong si Ave ang naka schedule para sa ibang gawaing bahay, kaya ayos lang kahit tanghali na ko nagising.
Bago tuluyang bumangon ay ipinikit kong muli ang aking mga mata at nagdasal upang magpasalamat sa Diyos dahil nagising pa ko, nang magmulat ay tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga, pagkatapos ay mabilis kong inayos ang pinaghigaan ko at palinga-linga pa akong lumabas ng pinto.
Wala na si Mama, marahil ay nasa trabaho na siya ng ganito kagaaga, palagi talaga siyang maagang umaalis kaya halos hindi ko siya nakikita satuwing umaga, ang kapatid ko namang si Ave ay nakita kong naghuhugas na ng pinggan, samantalang kinuha ko na rin ang kaldero dahil oras na para mag saing.
Kasalukuyan akong nasa harap ng mga butil ng bigas at nakikipagtitigan, ang daming tumatakbo sa isip ko, parang may palabas sa utak ko na naglalaman ng mga pwedeng maging epekto kapag 'di ko nilabanan ang addiction ko.
Yes, I'm addicted, pero hindi sa tao o sa ipinagbabawal na droga, adik ako sa mga butil na nasa harap ko ngayon, ang sarap kasi nilang papakin lalo na kapag wala akong magawa, o kapag nagbabasa ako ng libro, kapag nagsusulat o kahit anong ginagawa ko.
Para itong naging isang habit na paulit-ulit na hinahanap ng sistema ko, at dahil sa paulit-ulit ko itong kinakain ay mas naging pamilyar na sa utak ko ang pakiramdam, kaya't hindi naging ganoon kadali ang lahat.
Dati-rati kumakain lang ako nito tuwing inaalisan ko ng mga maliliit na bato ang bigas, pero hindi ko namalayan na hindi ko na ito maalis sa sistema ko,
tuwing umaga pag gising ko siya agad unang pumapasok sa isip ko, at ako ang nagsasaing kaya madalas ma-entertain yung addiction ko, bigla-bigla na lang itong pumapasok sa isip ko na parang sinasabi sa'kin na papakin ko siya, hindi ko na lang namamalayan na lumipas na ang apat na taon and I'm still fucking addicted, para na 'kong mababaliw!
Matagal bago ko isinara ang lalagyan ng mga butil parang nagtatalo palagi ang puso at isip ko, ngunit palaging nangingibabaw sa utak ko sa sa pag-iisip na ipagpatuloy ko lang ang nakasanayan. Talaga namang pasaway!
Hindi ko na lang namalayan na naisubo ko na ang ilang butil, alam kong sobrang imposible kung iisipin na 'di ko kayang pigilan yung sarili ko, pero may maniwala man sa'kin o wala, hindi ko rin naman gusto 'to.
Matapos magsaing ay naghanda na'ko para maligo habang ngumangata-ngata na parang kambing, habang naliligo ay maraming tumatakbo sa isip ko, naghahalo-halo ang mga sitwasyon, at kung ganito ba naman araw-araw ang nangyayari ay baka hindi lang pisikal na kalusugan ko ang maapektuhan at pati na rin ang katinuan ko.
"Kailan mo ba ititigil yan Sef? Kapag ba nakuha mo na ang hinahanap mo at malapit ka ng mamatay?" Pagkausap ko sa sarili kong isip. Napabuntong hininga na lang ako at idinura ang mga natirang butil sa bibig ko at nagpatuloy sa paliligo.
Matapos maligo ay didiretso na sana ako sa kwarto nang muli akong mapatingin sa lalagyan ng mga butil, agad kong iniwas ang sariling mga mata dahil hindi ko na naman gusto ang iniuutos ng sarili kong utak.
Nagkulong ako sa kwarto at nahiga, gusto kong umiyak, para akong hinahabol ng sarili kong takot, takot na isang araw makuha ko ang hinahanap ko dahil sa kahibangan, napakatanga ko!
Unti-unti na namang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko, apat na taon na mula ng magsimula ang lahat, at apat na taon na rin akong nahihirapan, ilang beses kong sinubukan pero nagtatapos pa rin ako sa tukso, hindi ko na alam kong ano pa ang gagawin ko.
Hindi normal na kumain ng hilaw na bigas lalo na at batid ko ang dulot nito, hindi ito simpleng addiction lang, hindi madali ang pinagdadaanan ko.
Tumayo ako at naglakad palabas ng bahay para kunin ang besikleta ko, hindi ako pwedeng manatili dito sa bahay dahil matutukso lang ako ng mga butil na 'yon, itinulak ko ang aking besikleta palabas ng gate saka ako sumakay at nagpaka layo-layo.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Teen FictionRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
