Chapter 13

255 61 0
                                        

“Kanina ka pa tahimik” Sambit ni Kien habang binabagtas namin ang daan papunta sa bahay nila.

“Nasa bahay pa kaya siya?” Tanong ko habang ang tingin ay nanatili sa bintana ng sasakyan.

“I don't know, maybe? But you have to message tita Gemma kung nasan ka, mag-alala yon.” Hindi na ko sumagot at hinayaan lang ni Kien ang kagustuhan kong manahimik. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila ay tila napakaraming tumatakbo sa isip ko.

“Seffian iha! You're finally here.” salubong ni tita Isabel at agad na yumakap sa'kin.

“Good morning tita Isabel.” bati ko naman nang kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa'kin, napakalawak ng ngiti nito at bakas na bakas sa mga mata niya na masaya siyang makita ako.

“Nag almusal ka na ba? Tara na sa dining, saluhan mo akong mag agahan. Ito kasing si Xy, maaga raw siyang aalis, tapos hindi naman pala tutuloy.” sunod sunod na saad nito habang hawak hawak ang pulsuhan ko at naglalakad papunta sa dining area.

“Ma, biglaan nga ang cancelation ng second orphanage, kung alam lang namin tulog pa sana ako ngayon, at hindi sana umuwi yang si Aimara.” reklamo naman ni Kien nang maupo kami sa dining para magsalo-salo sa pagkain.

“Second name basis? Magtigil ka nga Xyron Kien!” Iritado kong baling rito, ayaw ko kasing tinatawag ako sa pangalawa kong pangalan, samantalang si Kien naman ay inilabas pa ang dila para asarin ako.

“Xy! Kumain ka na nga lang, pinipikon mo na naman itong si Seffian.” Saway ni tita sa kanya, gusto kong matuwa sa loob loob ko, parang kahit papano ay nawala sa isip ko ang nangyari kanina, pero naninibago na naman ako, palagi kasing binabanggit ni tita ang unang buong pangalan ko, nakasanayan niya na yon kaya hinahayaan ko na.

“I heard you're father is back. Is that for good?” Biglang tanong ni tita habang patuloy kaming nag aagahan. Natigilan naman ako dahil sa tanong niya, for good? Siguro hindi ko kaya ang ganon, hindi pa ko handa na makasama siya, ang totoo hindi ko alam kung magiging handa ba ko. “I'm sorry iha, you don't have to answer.” baling agad nito ng mapansing hindi ako nakasagot agad sa tanong niya.

“No tita, ayos lang po. I'm not sure if he's back for good, pero sana hindi.” Matagal ng alam ni tita Isabel ang tungkol sa father issues ko, palagi raw kasi akong mukhang bibig ni Kien, at mula nang makilala ako ni tita Isabel ay palagi akong hinahanap nito kay Kien.

Madalas nga rin nitong sinasabi na bagay raw kaming dalawa, pero alam naman nito na para na kaming magkapatid, palagi niyang sinasabi na kapag nakapagtapos na kami ni Kien ay puwede na kaming magtrabaho sa hospital na pagmamay-ari ng pamilya nila, mauuna nga lang sa'kin si Kien pero ayos na rin, dahil may una na agad na hospital na siguradong tatanggap sa'kin after college, kailangan ko lang pagbutihan para maging isang magaling na psychiatrist.

“After nating mag agahan magpahinga ka na muna, alam mo naman na ang pasikot-sikot sa bahay just feel at home iha.” Saad pa ni tita Isabel at tumango naman ako.

Sa sobrang bait ng pamilya ni Kien, halos ibigay na nila sa'kin ang isa sa mga guest rooms dito sa bahay nila, satuwing nagagawi kasi ako rito ay doon ako natutulog, hindi rin daw yon pinagagamit ni tita Isabel sa iba bukod sa'kin, kaya pakiramdam ko ay palagi akong may uuwian sa kanila.

Nang umakyat ako patungo sa guest room ay sinamahan pa ako ni tita Isabel, sinigurado niya na komportable at maayos ang lagay ko, pinagalitan niya pa nga si Kien kanina at pinagsabihan na huwag muna akong guluhin, nakakatuwa silang pagmasdan, para lang silang magkaibigan, minsan nga ay inaasar ko si Kien na ako ang tunay na anak ni tita Isabel, dahil sa sobrang bait nito sa'kin.

“Are you okay now?” biglang Saad ni tita Isabel habang nakaupo sa tabi ko, hinahaplos niya pa ang buhok ko habang malamlam ang matang nakatingin sa'kin.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now