Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa Casa Fernandez ngunit kasalukuyan na akong patungo ngayon sa kung nasaan si mama, pinipilit kong palakihin ang aking mga hakbang habang ang dibdib ko ay tila tinatambol sa takot at kabang nararamdaman.
Nang makarating sa tapat ng kuwarto niya ay huminga muna ako bago hawakan ang doorknob, ngunit hindi ko pa man ito nabubuksan at iniluwa na ng pinto si Ave.
“Kumusta ang lagay ni mama?” nag-aalala kong saad, akma na sana akong papasok sa silid nito ng pigilan ako ni Ave.
“Nasa loob si papa kaya mamaya ka na pumasok.” Saad ni Ave, hinawakan ko naman ang pulsuhan nito at hinila siya palayo sa silid.
“Anong ginagawa niya rito?” bigla na lang nag init ang ulo ko dahil sa narinig, bakit hindi pa rin siya umalis, nagkaayos na ba sila ni mama?
“Wag ka ngang magsalita na parang may karapatan kang paalisin siya, si papa ang nagdala kay mama dito, kasi wala ka, masyado ka kasing ma drama! Tingin mo ba kaya kong dalhin dito si mama ng ako lang?” pinaikot nito ang mata habang kinakausap ako, halos hindi matanggap ng isip at puso ko ang mga sinasabi niya, para itong mga karayom na tumatama sa iba't ibang parte ng dibdib ko.
“Naririnig mo ba ang sarili mo Ave? Baka nga wala akong karapatan na paalisin siya, pero may karapatan akong masaktan kasi tao ako, at anak niya ko! Pero ikaw? Wala kang karapatan na magsalita sa'kin ng ganyan dahil ako pa rin ang panganay sa’ting dalawa.” pinilit kong magtapang tapangan habang sinasabi ang mga salitang yon, gusto kong magsalita ng masasama sa mga oras na'to pero hindi ko ginawa, dahil alam kong galit lang siya kaya niya nasasabi ang lahat ng to.
Hindi intensyon ng kapatid ko na ma invalidate niya ang nararamdaman ko, hindi niya magagawa sa'kin yon.
“Panganay?” patanong nitong saad at inismiran ako, ngunit bago pa man siya makapagsalita ulit ay dumating na si papa kaya natahimik kaming dalawa.
Pinagpalit-palit ko ang tingin ko kay Ave at kay papa pagkatapos ay umalis nako sa harap nila, hindi ako nagbitaw ng kahit anong salita, masyado na akong nasasaktan at naubos na non ang lakas ko para harapin sila.
Ang totoo hindi ko sila naiintindihan, hindi ko rin naiintindihan kung saan galing ang galit na nakikita ko sa mga mata ni Ave, ang buong akala ko ay maiintindihan niya ko, dahil kapatid ko siya, magkakampi dapat kami, pero bakit parang mag-isa lang ako ngayon?
Nang makapasok ako ng tuluyan sa loob ng kuwarto ni mama dito sa hospital, agad na nagtama ang mata naming dalawa, lumapit ako at naupo sa kanya, I felt like I was being crushed when I saw the tears fall from her eyes.
“M-mama” agad kong inabot ang kamay niya at inilapit ito sa mukha ko, naramdaman ko naman ang paghawak niya sa aking pisngi, dahilan para tuluyan na ring bumagsak ang mga luha ko.
“Ayos ka lang anak?” My tears started to fall one after another because of that question, she always checked my feelings first before her own.
Tumango naman ako at hinihpitan ang kapit sa kamay niya, “Ikaw dapat ang tinatanong ko ma, ayos ka na ba? Ano ba kasing nangyari?” I was very worried, actually Ave was right, I wasn't at home when something happened to her, hindi ko naisip na nasasaktan rin siya katulad ko. I shouldn't have left her side.
“Maayos na ako, sumakit lang ang puso ko anak, ayos lang si mama.” gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil nakalimutan ko ang lagay ni mama, she has a heart disease nalaman namin yon after niyang manganak kay Ave, naging kritikal ang lagay ni mama noon, pero mabuti na lang at kinaya pa ng puso niya.
Ngayon na andito si papa, iniisip ko kung kaya ba ni mama ang sakit na nararamdaman niya, mag-isa niya kaming iginapang ni Ave, mag-isa niya kaming pinalaki, daig niya pa ang namatayan ng asawa, kahit ang totoo ay mayaman naman ang papa ko, walang kwenta yon, dahil pinili niyang hindi kami panindigan, gusto kong sisihin ang sarili dahil wala ako sa tabi niyang noong kailangan niya ng makakaintindi sa kanya. I felt so useless.
YOU ARE READING
Medical Series 1: Dr. Zack Forth Santiago
Novela JuvenilRead at your own risk. 𝙳𝙸𝚂𝙲𝙻𝙰𝙸𝙼𝙴𝚁 𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝗂𝗌 𝖺 𝗐𝗈𝗋𝗄 𝗈𝖿 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗈𝗇, 𝗍𝗁𝖾 𝖼𝗁𝖺𝗋𝖺𝖼𝗍𝖾𝗋𝗌, 𝗉𝗅𝖺𝖼𝖾𝗌 𝖺𝗇𝖽 𝖾𝗏𝖾𝗇𝗍𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝖿𝗂𝖼𝗍𝗂𝗍𝗂𝗈𝗎𝗌 𝗈𝗋 𝖻𝖺𝗌𝖾𝖽 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗂𝗆𝖺𝗀𝗂𝗇𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗈𝖿...
