CHAPTER 25

308 2 0
                                        

"Good day Aururainian! Welcome to the opening of our grand sport fest 2025!" sigaw ng dalawang mc bilang tanda ng pagbubukas ng sport fest.

Kasalukuyan kaming nasa multi purpose building ngayon para sa event, kasama ko ang mga kaklase ko at magkakatabi lang kami sa upuan, mayamaya kasi ay aalis din kami para mag libot-libot sa mga booths na ihinanda ng bawat department.

"Excited na talaga ako na magsimula ang mga laro." si Mayi yon, nagtinginan naman ang iba pa naming kaklase dahil sa lakas ng boses nito.

"Halata nga eh, ingay mo." baling naman ni Theo sa kanya dahilan para samaan siya ng tingin ni Mayi.

"Mag-uumpisa na naman kayong dalawa, makinig na lang kayo sa process and schedules at manahimik." Saad ko at napahawak pa sa sintido, masyadong masakit sa ulo ang lakas nang tunog ng sound system, pati na rin ang ingay ng mga tao sa paligid.

"Canteen tayo after dito." si Xianry yon, mukhang hindi na naman ito nag almusal.

"Gora! Hindi ako naghapunan kagabi, hindi rin ako nag almusal kanina." ani Shayna, humawak pa ito sa braso ni Xianry dahil parehas na naman silang wala pang kain.

"Hanep ah, friendship goals. Pero same, gutom na ko." gatong naman ni Theo habang humahawak pa sa tiyan. Napailing-iling na lang ako dahil sa mga taong to.

Mayamaya pa ay ganon nga ang ginawa namin, andito na kami ngayon sa canteen at payapang kumakain.

"Panoorin mo akong ipanalo ang chess ngayong taon Mayi!" mukhang nagkamali ako, hindi pala payapa ang ginagawa naming pagkain dahil sa ingay ng mga kasama ko.

"Tanga, paano kita papanoorin sabay ang laban ng chess at badminton." natawa ako nang biglang batukan ni Mayi si Theo habang umiinom ito ng buko juice.

"Wag ka na maglaro, balato mo na sa mga kalaban yon, halimaw ka e." totoo ang sinabi ni Theo, halimaw talaga ito sa badminton sport, kahit noong high school ay palagi itong nananalo, kakambal na yata ni Mayi ang raketa at ang hirap nilang ipaghiwalay. 

"Hindi puwede yon, huling taon na rin naman natin sa team, so bakit ko ibibigay sa kanila ang taon na'to?" Napatango ako sa sinabi ni Mayi, parehas kaming ganon mag-isip. "Kahit tanungin mo si Sef parehas lang kami ng isasagot, alam kong wala ring balak magpatalo yan, mas halimaw yan sa'kin." pasaring naman ni Mayi sa'kin, dahilan para tapunan nila ako ng tingin.

Nagkibit balikat lang ako sa kanila, alam kong wala silang ideya na nagdadalawang-isip ako kung maglalaro ako o hindi, napahawak na lang ako sa baraso dahil sa naisip. 

"Bukas na ba agad ang first game Sef?" tanong ni Xianry at lumipat ng upuan sa bandang harapan ko. Sa halip naman na sumagot sa kanya ay tumango lang ako at ngumiti ng alanganin.

“Yon! Makakanood kami, galingan mo ah.” bahagya pang tinulak nito ang balikat ko, mas lalo tuloy gumulo ang isip ko dahil sa mga sinasabi nila.

I signed. “Hindi ako sigurado kung maglalaro ako.” tila lahat sila ay napabaling sa'kin dahil sa mga salitang binitawan ko.

“Seryoso!?” si Kyln yon, nasa tabi ko ito kaya halos mabingi ako sa sigaw niya. Bahagya naman akong tumango bilang sagot.

“Bakit?” Tanong naman ni Shayna. “Sayang jersey kung 'di ibabalandra, inaabangan pa naman ng ilang students ang number 24, Collins.” Saad pa nito habang itinataas ang dalawang kamay at binabanggit ang number ng jersey at apelyedo ko.

“Kakagaling ko lang sa lagnat di ba? Kaya hindi ko pa alam.” paliwanag ko at humigop sa hawak kong chukie. Kinakabahan dahil hindi yon ang totoong rason.

“Kahit sa championship? Sef, don't tell me wala ka talagang balak maglaro.” Hindi ko masabi kong anong nararamdaman ni Kyln habang sinasabi niya yon, if only I could tell them about my bruises, at kung gaano ako kadaling mapagod, baka maintindihan nila ko.

Medical Series 1: Dr. Zack Forth SantiagoStories to obsess over. Discover now